|
Post by lady_deathstrike21 on May 16, 2006 11:59:22 GMT -5
...before any of you get the wrong idea about this topic, i'm gonna clear this out now... ...this is for the purpose of clarifying all written, even verbal, reports regarding Diana...let's face it...not all articles are true, positive or not, right?...isn't it better to, well, put it upon ourselves to sort this out as a way of helping Diana minimize "intrigues..." ...kaya, if you've read intriguing articles about her, her work, love and life, post it here (just add the date and the source)...well, maybe, we can let her clarify them and then we can clarify it to the world... ...let's all do this, para masaya ang mundo...
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Dec 17, 2007 11:45:30 GMT -5
Wala pang chismaks ah! May chismaks ako... Mukhang sila na ni Ian de Leon. Nice couple!
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Jan 26, 2008 8:33:52 GMT -5
www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-01-25&sec=3&aid=47106January 25, 2008 06:08 PM Friday HINDI naman pala binasted ni Diana Zubiri si Ian de Leon, eh. ’Yan ang nilinaw ng dalaga nang makausap ng press sa presscon ng My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert na produced ng Royal Era Entertainment ni Annabelle Rama. Sabi ni Diana, paano niya babasterin si Ian, eh, never namang nanligaw sa kanya ang Zaido co-star? Pero, inamin niya na paminsan-minsan ay lumalabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan. Naging item sina Diana at Ian dahil nga madalas makitang magkasamang gumigimik kung saan-saan. Dagdag paliwanag pa ng sexy star, naging close talaga sila ng binata nina Christopher de Leon at Nora Aunor sa set ng Zaido, pero hanggang pagkakaibigan lang ang relasyon nilang dalawa. Sa tantiya niya, isang taon na siyang loveless mula nang makipag-break sa relihiyosong non-showbiz boyfriend. Three years daw tumagal ang relasyon nila ng lalaking pumalit sa puso niya kay Vhong Navarro. Sa ngayon, although maraming nanliligaw, aminado si Diana na enjoy siya sa pagiging single. Hindi rin daw siya nagmamadaling magkaroon ng sariling pamilya dahil unang-una, bata pa naman siya. Pangalawa, may mga pamangkin siya na kung ituring ay anak-anakan niya. Isa pa, bisi-bisihan siya sa showbiz career, dahil bukod sa Bubble Gang at Zaido, join din ang beauty niya sa bubuksang teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita. May mga raket pa si Diana on the side, gaya nga ng special participation sa My Funny Valentine, kung saan makakasama niya sina Ogie Alcasid, Ai-Ai de las Alas at Verni Varga. Actually, wala pa siyang ideya kung ano ang kakantahin nila ni Ogie, pero ngayon pa lang, super excited na siya sa gagawin nilang pagdu-duet. Kung sabagay, may ample time pa namang maghanda ang dalawa para sa kanilang number, dahil sa February 8 pa nakatakdang i-stage ang My Funny Valentine sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel. Ang naturang show nga pala is for the benefit of the Asilo Medalla Milagrosa at sponsored ng Bench, Calayan Surgicenter, Emperador Brandy, Kisses and Co., Met Thatione, Philosophy at GMA Network. Para sa tickets, tawag lang sa 727-2534/727-2536 or 0927-8298259.
|
|