|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 30, 2007 5:45:27 GMT -5
MAMAYANG gabi na magwawakas ang Asian Treasures pero hanggang kahapon, may taping pa rin sila. Inabot ng umaga (7:30 am) ang taping ni Diana Zubiri sa Tanay, Rizal.
Umuwi siya ng bahay para matulog sandali dahil tatlong eksena pa niya ang kailangang kunan.
Dalawang major character ng Asian Treasures ang mamamatay pero hindi muna namin sasabihin ang kanilang mga pangalan para hindi madismaya ang loyal viewers ng programa.
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Aug 14, 2007 11:14:54 GMT -5
www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-08-14&sec=3&aid=27587August 14, 2007 03:42 PM Tuesday Maureen makikipagtalbugan kina Diana, Alessandra SINA Maureen Larrazabal, Diana Zubiri at Alessandra De Rossi ang mga manggagawa ngayong linggo at isa sa mga gawain nila sa unang araw ay ang paghuhukay kung saan ilalagay ang septic tank. Paglalagay ng mga bakal, pagbubuhat ng mga hollow blocks at pag-aasinta ng mga hollow blocks sa bagong ginagawang pader ang iba pa nilang gagawin. Sa episode ngayon ay natutong magbistay ng buhangin ang mga celebrity manggagawa, pati maghalo ng semento, magbuhos at magpalitada ng semento. Dito ia-assess ni bisor kasama ng kanyang mga kanang kamay sa mga trabahong ginawa ng mga celebrity manggagawa. Sa ikatlong araw, huhusgahan ang mga celebrity manggagawa. Sino ang tatanghaling pinakamagaling na mason ngayong linggo, ayon sa ating bisor at sa viewers na boboto thru texting. Manalo kaya ang bisor ng special showcase sakaling masagot niya ang tanong nina Manong Joey at Harold. Sino kina Maureen, Alex at Diana ang mag-uuwi ng P100,000 at tatanghaling pinakamagaling na mason? Ang Kung Ako Ikaw ay napapanood Lunes hanggang Miyerkules, pagkatapos ng GMA Telebabad.
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Aug 14, 2007 11:17:45 GMT -5
www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-08-15&sec=3&aid=27702August 15, 2007 03:24 PM Wednesday Diana binosohan ng mga construction worker By: Noel Asiñas CUT!HALOS maduling ang mga mata ng mga kelots na construction workers kina Maureen Larrazabal at Diana Zubiri sa taping ng Kung Ako Ikaw sa Fairview. Kasama rin nila roon Alessandra de Rossi na ‘di gaanong napansin ng mga kalalakihan balot na balot ang katawan habang nagwu-work. Sabi ng source namin, halos pumutok na ang boobs ni Diana sa suot na sandong kamiseta. Lalo pa raw naaninag ang boobs nito nang pinawisan ito. Nahinto raw ang mga trabahador habang itini-tape ang pagpapala at pagbubuhat ng hallow blocks ng tatlo. Talagang titig na titig ang mga lalaki sa kanilang sexy bodies. Ngayong Wednesday night malalaman ang winner ng P100,000 cash. Ang winner ay iboboto ng texters at ng bisor. Ang reality comedy cum challenge show ay hosted ng mga komedyanteng sina Keempee de Leon at Joey Marquez.
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Oct 16, 2007 10:41:12 GMT -5
www.gmanews.tv/story/64026/Sexy-Diana-Zubiri-admits-hard-time-adjusting-to-a-comics-lifeSexy Diana Zubiri admits hard time adjusting to a comic's life10/11/2007 | 11:01 AM Diana Zubiri is definitely not a pretty face with a sexy body. This former Encantadia sang'gre is also a comedienne as she stars on Bubble Gang every Friday night. But Diana confesses that she might not fit the comedian profile after all. Diana has been with Bubble Gang for quite sometime now, but she admits that she still hasn’t quite adjusted to wearing a comic's shoes. “Until now nangangapa pa rin ako kasi hindi naman ako komedyante." She reveals that if you look closely, she and the rest of the girls only become hilarious because of the lines written for them, “Hindi kami totally nagpapatawa kaya lang nakakataw dahil sa punch lines." Despite this, she’s honored to be apart of the gang and happy that she gets to entertain millions of people across the country “Proud ako na sexy comedians (kami) like Rufa Mae, parang doon kami nakahilira." She may not fit the part of being an all-out joker like Michael V. or Ogie Alcasid, Diana shares that it’s the rapport she has created with the gang keeps her happy. Whether it be on or off the camera the Bubble gang set is full of jokes, “Actually yung guys kayang kaya nilang pagtulungan kami, ganoon yung dating lalo na yang si Bitoy (Michael V.)." She even shares a few things about her co-stars that the audience might not realize. For instance, Michael V. is the smartest amongst all the guys while Ogie is the nicest. Hunky Antonio Aquitania is the “makulit" one while Wendell Ramos apparently is a great listener. On the girls side Francine Prieto is a bit hot headed, while Maureen Larrazabal has a kind heart. “Kasi meron siyang dalawang ampon" shares Diana. Laughing off camera is a normal thing for these gifted clowns, but what if the jokes are on-camera? How do they deal with the funny ad libs? “Ang hirap ako, lalo na kung yung eksena na kailangan galit (ka), tapos yung punch line noon nakakatawa, ang hirap ng feeling," she said. She talks about an incident she had three years ago with co-star Michael V. “Naiyak ako kasi sobrang hindi makuha yung line siguro mga naka-11 takes kami tapos nakiusap ako sa kanya na tulungan mo ako." The successful show has lasted for twelve long years. Now that they’ve reached this mark we wonder, what were Diana’s favorite skits of all time? “Ako gags talaga yung palagi kong gusto, at saka before yung Muchos Grasas (sketch)." What can the rest of the country expect from this hit veteran gag show? “Siguro kailangan lang nilang abanagan, meron kaming gagawin na para sa isang gag show imposibleng gagawin yun."
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on Oct 22, 2007 9:55:28 GMT -5
abante-tonite.com/issue/oct2107/showbiz_jg.htmSi Diana Zubiri ang gumanap na Lou Victorioso sa buhay nito na isinadula ng Magpakailanman. Si Lou ang winner ng Miss Ugly No More contest. Apat na magkakasunod na araw na halos walang tulog si Diana dahil sa taping ng Zaido at Magpakailanman. Umaga ng Miyerkules nang matapos ang taping niya para sa Zaido na nag-umpisa noong Martes. Mula sa set ng Zaido, dumiretso si Diana sa taping ng Magpakailanman. Inabot ng Huwebes ng umaga ang taping ng Lou Victorioso Story at mula rito, dumiretso si Diana sa taping uli ng Zaido noong Huwebes sa Calamba, Laguna. Inabot ng Biyernes ang taping ng Zaido at dahil walang pahinga, hindi na nakapunta si Diana sa live internet chat para sa fans ng Bubble Gang noong araw na ‘yon.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 15, 2008 5:01:12 GMT -5
Muling mabubuo ang mga Zaido, ipagtatapat ni Alvaro (Raymart Santiago) kay Helen (Lorna Tolentino) na si Ramiro ang nagpapatay sa ama niya at sa kanya.
Pagtatangkaang patayin ni Alvaro si Ramiro ngunit ililigtas ito ni amasonang Lila pero, ihaharap siya nito kina Ida (Paolo Ballesteros) at Le-ar.
Habang magkasama sina Ariana at Gallian (DennisTrillo) ay naiisip nito si Carmela (Diana Zubiri). Magtatagpo rin sila Carmela at Alvaro at hindi nito mapipigilang umiyak, dadamayan siya ni Alvaro.
Muling magluluwa ng cocoon si Lear at ito ay si Roko Loko, at pabababain ito ni Ida sa planetang earth.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 15, 2008 5:23:55 GMT -5
MAAKSYON ang Zaido mamaya’t makikipaglaban ang Zaido squad kay Roko, Zaido kids versus Loko at si Amy (Kris Bernal) laban sa mga amazona.
Haharapin ni Roko si Zaido Blue, magsasagupa sina Gamma (Raymart Santiago) at Zaido Red.
Papatayin ni Zaido Red si Gamma, pero haharang si Zaido Green at ito ang tatamaan ng laser blaster.
Magugulat si Ida (Paolo Ballesteros) sa nakitang pagliligtas ni Zaido Green kay Gamma. Worried naman si Helen (Lorna Tolentino) nang kunin ng mga Kuuma si Alexis (Marky Cielo).
Tatawagan nito si Drigo (Jay Manalo) para makiusap na iligtas ang anak at aaminin nitong si Alexis, at hindi si Cervano, ang tunay na anak ni Drigo.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 18, 2008 7:53:24 GMT -5
Ian de Leon, basted kay Diana Zubiri!
Simple lang ang naging dating ni Iwa Moto nang dumating sa party.
Consistent pa rin siya sa pagde-describe sa nakaraan niyang lovelife.
“Matagal nang inilibing ‘yon. Ipagdasal na lang natin,” sabi ni Iwa.
Umakyat din sa lugar namin si Jen Rosendahl. Hindi raw totoo na siya ang papalit sa puwesto ni Jennylyn Mercado kahit na nga magkapareho ang first three letters ng kanilang name.
Ang tatlong artista naman na lumalabas sa Struck Attack ng Startalk ay bumati rin sa amin. Sa tatlo, si Paolo Avelino ang promising, huh!
Present din si Aljur Abrenica na naka-shorts dumating. Tinabihan naman ang aming editor na si Dondon Sermino ng fave (talaga lang, ha!) niyang Starstruck winner na si Marky Cielo.
Nandoon din si Jonalyn Viray na favorite naman ng co-columnist naming si Jojo Gabinete!
Eh, nang tanungin namin si Jojo tungkol sa panliligaw ni Ian de Leon sa alaga niyang si Diana Zubiri, sagot niya, “Nanligaw si Ian pero career kasi ang priority ni Diana. Kung sinagot niya si Ian, first boyfriend niya sana ‘yon! Ha! Ha! Ha!”
Join din sa party si Stef Prescott na parang si Iza rin na balakangin, huh!
Malaking bulas ang hitad na puwedeng isabak sa sexy roles.
“Sixteen pa lang po ako kaya hindi pa po puwede!” ani Stef na puwedeng panlaban kina Iwa, Cristine at Katrina.
Naku, dahil sa kachichika namin sa nag-akyatang artists ng GMA, hindi namin namalayang kami lang pala sa grupo ang hindi nanalo sa pa-raffle, huh!
Just the same, naging fruitful naman ang chikahang ‘yon na nadagdagan pa ng kasiyahan sa pinuntahan naming business meeting nina Allan Diones at Dondon.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 18, 2008 7:54:29 GMT -5
Hindi pa rin natitinag ang Zaido, Pulis Pangkalawakan na kinabibilangan nila Zaido Blue/Gallian (Dennis Trillo), Zaido Green/Alexis (Marky Cielo) at Zaido Red/Cervano (Aljur Abrenica) sa tumitinding laban nila sa mga Kuuma na pinamumunuan nina Le-ar at Ida (Paolo Ballesteros).
Sa battle of the bands na sinalihan ng mga Zaido kasama si Amy (Kris Bernal), makikilala ng superheroes ang monster na si Roko Loko na padala ni Le-ar para sakupin ang Planetang Earth.
Kasama ni Roko Loko ang mga Amazona upang ma-hypnotize ang mga tao gamit ang kanilang musika.
Paano tatalunin ng mga Zaido ang bago nilang kalaban?
Ano ang mangyayari sa love triangle nila Carmela (Diana Zubiri), Alvaro (Raymart Santiago) at Gallian ngayong nadiskubre ng huli na si Alvaro at si Gamma ay iisa?
Sa sagupaang Zaido Blue vs Gamma, sino ang magwawagi?
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 18, 2008 7:55:52 GMT -5
PATULOY pa rin ang pakikibaka ng mga Zaido Pulis Pangkalawakan. Sa kabila ng kaguluhan sa mga Zaido at Galactic Force, may magandang ba-lita ang hatid sa mga Kuuma. Sa pagnanais ni Gallian (Dennis Trillo) na maisa-katuparan ang sentensyang kamatayan ng babaeng pinaniniwalaang nagtangka sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanya mismong mga kamay, unti unting namumuo ang pagkamuhi nina Alexis (Marky Cielo), Cervano (Aljur Abrenica) at Amy (Kris Bernal) kay Gallian. Magtatagumpay na nga kaya ang mga Kumang gumagalaw sa Galactic force sa pag-ubos sa mga angkan ng mga pulis pangkalawakan ngayong tinatanggap na ni Carmela ng kanyang buong puso ang kanyang kamatayan sa kamay ni Gallian? Sa pagkakatunton ng kinaroroonan ng katawan ni Lear, ay ibibigay ng tagapagbantay nitong si Luna pati ang kanyang buhay upang hindi magtagumpay ang mga Kuuma sa kanilang binabalak. Zaido airs right after 24 Oras sa GMA Telebabad.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 18, 2008 8:01:53 GMT -5
This Friday sa Zaido, patuloy ang tension sa Galactic Force sa kagustuhan ni Gallian (Dennis Trillo) na maisakatuparan ang sentensyang kamatayan kay Carmela (Diana Zubiri) at siya mismo ang papatay dito. Dahil du’n, nagalit sa kanya sina Alexis (Marky Cielo), Cervano (Aljur Abrenica) at Amy (Kris Bernal), ito’y kahit tanggap na ni Carmela ang kamatayan. Nagdiriwang ang mga Kuuma sa nangyayaring gulo sa Galactic Force at akala’y matatalo na ang pangkat ng Pulis Pangkalawakan. Hindi nila alam, haharangin ni Luna (Isabel Granada) ang kanilang plano para hindi sila magtagumpay. Masaya pala ang buong cast at staff ng Zaido na patuloy na sinusubaybayan ng viewers ang bawat episode ng show. Marami pang nakagugulat na twists.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 19, 2008 8:54:53 GMT -5
NASA Department of Justice na ang kasong isinampa ni Ai Ai delas Alas sa dalawang tauhan ng convenience store na nanakit umano sa kanyang binatilyong anak.
Sa kuwento ni Ai Ai, nag-submit na ng counter affidavit ang mga kinasuhan niya.
Ikinuwento rin ni Ai Ai na gustung-gustong umuwi sa Pilipinas mula sa Amerika ng kanyang ex-husband na si Miguel Vera. Galit na galit umano si Miguel nang malaman na may nanakit umano sa binatilyong anak ni Ai Ai.
“Na-high blood talaga si Papa Miguel! Gusto talaga niyang magpunta rito agad!” sabi ni Ai Ai.
Anyway, naghihintay na lang si Ai Ai ng call slip para sa shooting nila ni dating Pangulong Erap Estrada. At siyempre, excited na si Ai Ai na magharap sila ni Erap.
“Imagine, ang daming magagandang artista sa Pilipinas, ako ang napili niya. Ang ibig sabihin lang noon, gandang-ganda siya sa akin!” nakangiting sabi ni Ai Ai.
May nagbiro kay Ai Ai na mahirap makawala o makaalpas sa karisma ni Erap. Kumbaga, hindi raw kataka-taka na ma-in love si Ai Ai kay Erap kapag nagsama sila ng matagal.
“Talaga? Huwag naman. May asawa na siya.
“Hindi na ba ako makakaalis sa ganu’n (pumatol sa may asawa)? Ha! Ha! Ha! Ha!” pabirong reaksyon ni Ai Ai.
Ikinuwento rin ni Ai Ai na type sumali ni Sen. Jinggoy Estrada sa pelikula nila ni Erap na ididirek ni Binibining Joyce Bernal.
“Pero ayaw ni Papa Erap, eh. At saka, huwag naman sana na nanay niya ang role ko, ha!
“Sabi kasi, type raw ni Senador Jinggoy na gumanap bilang anak ni Papa Erap. Eh, ‘di magiging nanay niya ako!
“Huwag naman! Eh, parang magkasing-edad lang kami, ha! Parang magkapatid na lang kami! Hindi naman puwede na maging anak ko siya,” say pa rin ni Ai Ai.
Sa ngayon, hindi pa rin maikuwento ni Ai Ai ang detalye ng pelikulang gagawin nila ni Erap. Pero, sinisiguro niya na tuloy na tuloy ‘yon.
Siyanga pala, may show si Ai Ai sa February 09, sa Crowne Plaza Hotel Ballroom, ang My Funny Valentine, na kung saan ay makakasama niya sina Ogie Alcasid, Diana Zubiri at Vernie Varga.
Ang Royale Era Entertainment ni Annabelle Rama ang producer ng show at ang beneficiary nito ay ang Asilo Medalla Milagrosa.
“Takot ako sa producer ko! Kaya lahat ng gusto niya, gagawin ko,” natatawang pahayag ni Ai Ai.
Siyanga pala, sa presscon ng My Funny Valentine, inabangan ng manunulat si Diana. Malamang, ang tungkol sa kanila ni Ian de Leon ang uusisain sa kanya. Pero, abala si Diana sa taping ng Zaido sa Antipolo, kaya hindi siya nakarating.
Pero sabi ni Tita Annabelle, may isang presscon pa sila at makakasama na nila si Diana.
Ang Bench, Calayan, Emperador, Kisses & Co., Met Tathione, Philosphy at GMA 7 ang sponsor ng show nina Ai Ai, Vernie, Diana at Ogie
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 19, 2008 8:57:58 GMT -5
MALAPIT nang mapanood ang pakikipagtagi-san ng lakas ni Dennis Trillo bilang si Gallian kay Raymart Santiago (Gamma )sa papatapos ng soap na Zaido ng GMA- 7 na napapanood after 24 Oras. Nabatid na kasi ni Gallian na si Gamma ay si Ray-mart. Si Gamma ang dahi-lan ng kanyang pagkama-tay. Gayundin, bale ito ang karibal niya kay Carmela (Diana Zubiri). Sa pakikipaglaban ni Dennis kay Raymart, ma-kikita na ang malaking improvement ni Dennis bilang action star.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 20, 2008 2:22:52 GMT -5
HINDI ka-join si Diana Zubiri sa first presscon ng My Funny Valentine ng Royale Era Entertainment, kung saan siya’y may special participation. Hindi tuloy siya nausisa ng press kung kakanta o sasayaw sa concert o baka pareho niya itong gagawin.
May taping ng Zaido si Diana noong Friday at sa Marilao, Bulacan, pa ang location, kaya may separate presscon ang produ na si Annabelle Rama para sa kanila ni Ogie Alcasid.
Dahil wala, hindi nakumpirma kay Diana kung totoo ang balitang siya ang pumalit kay Ara Mina sa Babangon Ako at Dudurigin Kita? Hindi naman siguro magtatampo sa kanya ang kaibigan, dahil hindi nito tinanggap ang project, kaya napunta kay Diana.
Hindi nanay ni JC de Vera ang napuntang role kay Diana, kundi sister ni Dina Bonnevie. Ito rin dapat ang role ni Ara, ginawa para sa kanya nang ayawan ang mother role.
Kaya lang, natanggap na nito ang Prinsesa ng Banyera nang malamang binago ang kanyang role.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 22, 2008 9:35:45 GMT -5
TATLONG magagandang babae ang ipinalit ni Ogie Alcasid kay Regine Velasquez para sa date niya sa February 08 (Friday).
Hindi nga si Regine ang makakasama niya sa show niyang My Funny Valentine na prodyus ng Royale Era ni Annabelle Rama, na gaganapin sa Crowne Plaza Hotel.
Kunsabagay, hindi naman pahuhuli ang tatlong magagandang babae sa ganda at husay ni Regine. Aba, pagsama-samahin mo ba naman ang kaseksihan ni Diana Zubiri, husay magpatawa ni Ai Ai delas Alas, at galing kumanta ni Vernie Varga, sulit na sulit na talaga at siguradong funny talaga ang concert na `yon ni Ogie.
Ang Asilo Medalla Milagrosa ang beneficiary ng My Funny Valentine, na ididirek nina Al Quinn at Gerry Matias (musical director).
Ang Bench, Calayan, Emperador, Kisses & Co., Met Tathione, Philosophy at GMA 7 ang sponsors ng show na ito.
|
|