|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 7, 2007 10:09:57 GMT -5
ALL star cast pala ang nag-punta sa China for Asian Treasures.
Contrary to what was written here, but not us, nakasama naman pala si Marvin Agustin sa pagpunta sa China together with Robin Padilla, Angel Locsin and Diana Zubiri. Hindi nga lang silang apat ang nandoon kungdi pa-ti na rin si sir Eddie Garcia at si Sandy Ando-long.
Asked why Sandy was part of the contin-gent, doon daw siya papatayin.
Sosyal ang pagkakapatay ng character ni Ms. Sandy ‘no? Gagawin pa sa ibang bansa. Anyways, sayang at wala ngayon si Diana sa Pilipinas to personally accept all the praises she has received for her acting sa Silip na nagbukas yesterday with a B grade sa CEB.
Kung hindi kami nag-kakamali, next week pa ang balik nila and the China scenes will be shown also next week.
Asian Treasures airs right after 24 Oras.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 7, 2007 10:10:49 GMT -5
Diana Zubiri palaban kay Maricel FRONT-runner sina Maricel Soriano and Diana Zubiri next year sa acting derby. Diana might pull a surprise next year for her outstanding performance nga sa Silip as Tess pero isang moog ang babanggain niya, si Marya who has given another worthy performance sa Gawad Kalinga produced trilogy na Paraiso. Si Maricel together with GMA Kids BJ Forbes, Ella Guevara, Sam Bumatay and Ella Reyes ang bida sa episode na Umiyak Man ang Langit. Tungkol sa landslide na tumama sa Liloan Leyte before Christmas of 2003, napaiyak kami ni Marya se-veral times and we are happy na wala na talagang ngatal ang mga labi niya tuwing umiiyak siya since her Inang Yaya performance. Written and directed ito by Jun Lana. Ipapalabas din pala sa Pilipinas ang Pa-raiso this July 4 na nauna nang naipalabas sa States. It grossed P200 million there.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 7, 2007 10:11:30 GMT -5
Diana's betraying innocent looks
DIANA Zubiri has a face that exudes innocence. It doesn’t mean, of course, that she is not desirable. ‘Siya ang tipong parang walang kaalam-alam sa kamunduhan,” a male fan of hers says.
Diana sweetly acknowledges the compliment thrown at her. “Totoo ba na ganoon ang dating ko sa maraming kalalakihan? I am very flattered. Puro sexy comedies kasi ang nilalabasan kong mga pelikula. Ito na yatang ‘Silip’ ang pinaka-daring na nagawa ko. Malaki ang naitulong ng sensuality workshop sa akin sa pagpo-portray ng isang babaing mapaghinala at may grabeng imahinas-yon,” she explains.
“Silip” doesn’t refer to a voyeur but it takes a peep into the lives of three persons caught in a web of passion, showing that jealousy, not love, is blind.
Innocent-looking Diana, however, admits that in real life, she had experienced several serious relationships. She had boyfriends before and one of them was Vhong Navarro. She was also romantically linked for sometime to actor Alfred Vargas mainly because they were both contract stars of Seiko.
Meanwhile, “Silip” merited an R 13 from MTRCB and it is showing without cuts. Maybe because of Diana’s innocent looks.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 10, 2007 6:07:21 GMT -5
Itinatago nina Francine, Diana inilabas ni Direk Joel
TRAILER pa lang, hinangaan at pinalakpakan na ang Silip ng Seiko Films nu’ng press launch.
We raved about the acting ng three lead stars na sina Polo Ravales, Diana Zubiri at Francine Prieto.
Hindi kami na-invite during it’s press preview, pero we saw to it na mapanood ito kahit magbayad kami sa sinehan.
At hindi nga kami nagkamali. Ang gagaling nina Polo, Francine at Diana.
Rebelasyon talaga ang huli, dahil ngayon lang namin nakitang umarte nang ganu’n. Sadyang nailabas ni Direk Joel Lamangan ang itinatagong husay ng kanyang mga artista.
Kudos to you, Direk!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 10, 2007 23:57:01 GMT -5
Congrats sa Seiko Films dahil malakas sa takilya ang Silip. R13 ang classification ng MTRCB sa Silip at Rated B ito ng Cinema Evaluation Board. Tuwang-tuwa nga raw ang mga kabataan na nakapanood sa Silip dahil sa mga sexy scene nito. Pinalusot ng MTRCB ang mga breast exposure nina Diana Zubiri at Francine Prieto. Hindi rin nila kinatay ang eksena na tumatakbo ng hubo’t hubad sina Polo Ravales at Francine. Nagpista ang mga kalalakihan sa kaseksihan nina Francine at Diana dahil ang buong akala nila, walang sexy scene ang Silip dahil sa R13 na ibinigay ng MTRCB.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 12, 2007 1:01:46 GMT -5
Don’t judge a book by its cover. Or in the famous words of Melanie Marquez: “Don’t judge my brother. He’s not a book.” In the same manner, you don’t judge a film by its trailer. However, there are films that you know are outright trash and you stay away from these if you can help it. At the Cinema Evaluation Board (CEB), the members are never told what films are scheduled for viewing — otherwise they’d never be able to complete a quorum. Although I’d like to think that the CEB members are dedicated to the position they’ve been sworn to (it’s actually a presidential appointment), human nature dictates that we should try to avoid subjecting ourselves to mental, emotional and psychological torture — which is what happens when you watch a bad film. Informing the members of the films to be graded ahead would surely end up with people calling in sick and using other alibis possible. At the CEB screenings, sometimes we get good films; sometimes we end up with really bad ones. In the famous words of Forrest Gump (now I hate to think that Melanie Marquez and Tom Hanks are on the same level): “Life is like a box of chocolates, you’ll never know what you’re gonna get.” Last week, we duly reported for work not knowing that we were in for back-to-back viewings of films about insanity: Silip and Blackout. In 1985 — at the height of the Experimental Cinema of the Philippines craze — there was an Elwood Perez movie also called Silip (it starred Maria Isabel Lopez and Sarsi Emmanuel). The currently showing Silip is not a remake and is totally different from the Elwood Perez film. Thanks to new CEB member Bum Tenorio (also a Philippine STAR columnist), we were enlightened about another meaning of the word silip. When we say silip, we normally associate it with voyeurism. But according to Tenorio who is from Southern Tagalog, you also say: “Nasilipan ang utak,” and this connotes insanity. Seiko Films’ Silip dramatizes how a weak psychological makeup — triggered by isolation — could affect a person’s mental health. Written by Raquel Villavicencio, the movie casts Diana Zubiri and Polo Ravales as newlyweds whose union is beset with problems at the onset. Unfortunately, I cannot tell you the plot without revealing the big twist in the story. All I can say is that it is quite interesting how the character of Francine Prieto enters the picture. I can also tell you that the film is technically superior — particularly the masterful photography of the master himself, Romy Vitug. His shots of the mountains and fields look mostly like Amorsolo on celluloid. The performances of Diana, Polo and Francine are also very impressive. Of course, it is Diana who carries the weight of the film and with guidance from director Joel Lamangan, she carries it well on her beautiful shoulders. It is a difficult role that she tackles here, but she manages to handle it — superbly. should be the turning point of her career because it finally shows her maturity as an actress. As for the storytelling, the plot development is rather intriguing. The concept may not be all that original (it’s like A Beautiful Mind goes topless), but it works for me and I appreciate the effort. A decade or so ago, Seiko Films had a slogan that went: “If it’s from Seiko, it must be good.” A movie reviewer (not this one), however, once played around with it and countered: “If it’s from Seiko, it must be bastos.” That wasn’t exactly an exaggeration because most Seiko movies then tended to be quite crappy and you can just imagine all the sexual exploitation it had committed — all in the name of box-office income. A complete turnaround takes place in Silip and Seiko manages to redeem itself from its past sins here. Sure, there are still scenes of nudity, but with Lamangan there, these are carefully handled. I even salute Seiko for churning out a film project that dares to make the viewers think and analyze. It may not be a masterpiece, but I am thankful that we have a mainstream movie that tries to go against the tried and the tested. Silip is a huge gamble and I hope it wins. I hate to see Seiko going back to its old habits.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 13, 2007 10:11:36 GMT -5
Kontrobersyal ang tatlong kilalang personalidad na sina Diana Zubiri, Maui Taylor at si Mrs. Jackie Manzano-Yllana dahil idinawit sila ng ex-driver ni Bokal Mark Leviste na si Edward Ronquillo na diumano’y may illicit affair at siya pa raw mismo ang sumusundo sa tatlong babae.
Napilitang magpa-interbyu sa media si Ronquillo dahil anytime now ay mabubura na siya sa mundo dahil kaliwa’t kanan daw ang death threats na natatanggap niya sa bagong Bokal elect ng Batangas.
Nag-file na ng complaint affidavit si Edward Ronquillo sa Office of Ombudsman laban kay Leviste at saka niya isinalaysay lahat ang illicit affair ng nasabing public official.
“Natatakot po ako sa buhay ko dahil may pamilya ako pero bago ako mawala sa mundo, gusto kong ibulgar muna lahat ang gawaing labag sa Diyos at sa immoral na gawain ni Mark at tulong ko na rin kay Vice Mayor Anjo Yllana na niloloko ng asawa niyang si Jackie.
“Ako po ang sumundo kay Ma’am Jackie sa SM Sucat nung March 2006 sa ganap na 7:45 ng gabi at dala ko ang Green Toyota Revo na may plate number na XLN 731 at sinundo namin si Mark Leviste sa Total Gasoline Station sa Macapagal Avenue at ihahatid ko sila sa Grand Boulevard Hotel at habang naglalakbay kami ay nagulat ako kasi panay ang laplapan nila sa loob ng sasakyan at nang sumapit na po kami sa hotel ay sinabihan akong balikan ko sila after 6 hours,” bungad kwento ni Edward sa TV reporter na si Mario Dumaual.
At kabilang nga sina Diana at Maui sa naisama na rin daw ni Mark Leviste sa hotel/motel ng maraming beses.
Anyway, bukas ang pahinang ito para sa mga personalidad na sangkot sa aming istorya.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 13, 2007 10:13:44 GMT -5
Diana Zubiri and Anjo Yllana ignore charges by Marc Leviste's former driver-bodyguard
Kaugnay pa rin ng akusasyon ng dating driver-bodyguard ni Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste na si Edward Ronquillo na nagkaroon diumano ng sexual relationship ang batang pulitiko kina Jackie Yllana, Diana Zubiri, at Maui Taylor, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng mga babaeng binanggit ni Ronquillo sa kanyang affidavit.
Ayon kay Douglas Quijano, na manager ng asawa ni Jackie na si Anjo Yllana, nang tanungin niya ang dating vice mayor ng Parañaque tungkol dito ay ayaw raw nitong patulan ang isyu.
Si Maui naman, sa hiwalay na interview ay idinenay rin na nagkaroon sila ng sexual relationship ni Marc. Although inamin ng sexy actress na ilang beses na silang nagkita ni Marc dahil ikinampanya ito noong tumakbo itong Board Member sa Batangas during the 2003 elections. Ayaw ring patulan ng kampo ni Diana ang naturang isyu.
Ayon kay Marc, sa panayam ng PEP sa kanya kaninang hapon, ay tumawag daw mismo sa kanya ang manager ni Diana na si Jojo Gabinete at sinabi nitong hindi sila naniniwala sa mga paratang ni Ronquillo.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 21, 2007 12:09:50 GMT -5
Diana at Francine, wala na sa Seiko! MAARI nang tu-manggap ng project mula sa ibang film outfits sina Diana Zubiri at Francine Prieto dahil nag-expire na ang mga exclusive contract nila sa Seiko Films. May mga nag-alok na ng pelikula kina Diana at Francine. Kahit natapos na ang kanilang mga kontrata sa Seiko Films, ipinagpaalam pa rin nina Diana at Francine sa producer na si Robbie Tan ang plano na gumawa ng pelikula sa ibang film production bilang respeto sa tao na nagbigay sa kanila ng malaking break sa movie industry.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 21, 2007 12:10:24 GMT -5
May electric power na ang Barrakz Bar and Restaurant dahil na-install na kahapon ng Meralco ang transformer na kailangan.
Umaga nang ilagay ang transformer at 6:00 pm nang dumating ang mga celebrity owners ng Barrakz para sa dedication to the Lord ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng worship, songs, praises, thanksgiving at bible reading.
Mamayang hapon naman ang dry run (7:00 pm to 6:00 am) ng Barrakz. Starting tomorrow, bukas na ang Barrakz mula 11:00 am hanggang 6:00 am.
Sa July 5 (Thursday, 7:00 pm) ang grand opening ng pinakabagong bar sa T. Morato Avenue.
Ang Barrakz ay pag-aari nina Allan K., Katrina Halili, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Jaya, Wesley Gonzales at Diana Zubiri.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 21, 2007 12:24:54 GMT -5
Nagpunta ako sa Tipas, Taguig noong Miyerkules para tingnan ang venue ng fiesta show na gaganapin doon bukas ng gabi.
Ang aking kaibigan na si Mary Ann Opeña ang hermana mayor sa town fiesta ng Tipas kaya nag-imbita siya ng mga artista na magpapasaya sa kanyang mga kababayan.
Matutuwa ang mga taga-Taguig dahil dadalawin sila bukas nina Mark Herras, Pauleen Luna, Yasmien Kurdi, Butch Francisco at Diana Zubiri.
Nangako rin na darating ang magkapatid na Richard at Raymond Gutierrez na manggagaling pa sa Bangkok, Thailand.
Star-studded ang town fiesta show bukas kaya siguradong piyesta talaga ang feeling ng mga residente ng Taguig.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 26, 2007 12:39:23 GMT -5
Diana, Robin may relasyon
ILANG beses nag-deny si Angel Locsin na sila na ni Marvin Agustin. ‘Di raw totoo na sa set ng Asian Treasures nag-start ang kanilang closeness.
Ang hindi alam ng iba, mas matindi pala ang closeness nina Robin Padilla at Diana Zubiri. Maraming kasama nila ang nagkukuwento na Binibini ang tawag ni Binoe kay DZ na tunay namang asikaso niya kahit saan sila magpunta, lalo na sa abroad.
‘Di kami magtataka kung mabalitaan naming magiging leading lady ni Binoe ang seksi sa isa sa tatlong pelikulang nakatakda niyang gawin pagkatapos ng serye ng AT na to date ay sinusubaybayan at more than okey ang puntos na nakukuha sa program surveys.
Sinabi naman ni Angel na tumanggi siyang gampanan ang Marimar dahil type muna niyang magbakasyon. Sunud-sunod nga naman ang paggawa niya ng TV series. Mula sa Mulawin ay ginawa niya ang Darna, Majika at ito ngang AT. Pagbalik niya mula sa planong pagkuha ng isang short course sa London, England ay saka maaaring magsimula ang soap princess ng bagong programa.
Samantala, huwag bibitiw sa mga natitirang araw ng AT na tinawag na Great Wall Adventures kung saan kasama ang Shaolin Kids na under training sa temple at hindi basta artista lang. Sila ang future Shaolin Masters kaya tunay na bihasa sa martial arts.
Grabe ang suportang ibinigay ng Beijing government sa teyping doon ng AT.
Isinara sa mga turista ang Great Wall habang naroon ang cast at nagtratrabaho. Bihirang mangyari ito kaya’t tuwang-tuwa ang program manager na si Redgie Acuña-Magno.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 26, 2007 12:49:11 GMT -5
SI Diana Zubiri naman bilang Ingrid sa Asian Treasures ang maliligaw sa Calle Silencio ng Bahay Mo Ba ’To? bukas dahil sa hinahanap na anting-anting.
Magugulo ang buong barangay dahil maraming paghihinalaang may dala ng nasabing treasure.
Ano kaya ang matatagpuang treasure ni Ingrid? Abangan bukas ng gabi sa GMA-7.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 26, 2007 12:53:37 GMT -5
PATI rin pala ang Bahay Mo Ba ‘To? ngayong Tuesday ay papasukan din ng isa pang character ng soap.
Ngayon naman ay dadalaw sa kanila ang isang taga-Asian Treasures.
Mapapadpad si Ingrid (Diana Zubiri) sa Calle Silencio dahil may nabalitaan siyang treasure dito.
Nagulo ang Calle at marami silang pinaghihinalaang may dala ng treasure.
Sa kabuuan ng istorya, nakatutuwa ang matatagpuan nilang treasure. Ano kaya ito?
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 30, 2007 5:44:35 GMT -5
‘Asian Treasures’ eksplosibo ang wakas
Magtatapos na bukas (Biyernes, Hunyo 29) ang adventure series ng GMA Network na Asian Treasures.
Mula sa malawakang treasure hunt na nagdala sa mga manonood sa Corregidor, Palawan, Benguet, Surigao, Thailand at China, matutunghayan na ang pagdiskubre sa pinakamimithing Asian treasure.
Makukumpleto na sana nina Gabriela (Angel Locsin), Elias (Robin Padilla), Hector (Marvin Agustin) at Ingrid (Diana Zubiri) ang mga anting-anting na kinakailangan para matunton ang hidden Asian treasure ngunit tuso pa rin si Wakan (Eddie Garcia).
Nalinlang ni Wakan si Gabriela na isuko sa kanya ang mga anting-anting kapalit ng kalayaan ni Lolo Julian (Joonee Gamboa).
Ipinagpatuloy ng grupo ang paghahanap sa Asian treasure at napag-alaman nilang nasa Bagumbayan ito.
Laking gulat nila nang makitang napapalibutan ng mga makapangyarihang Sudama ang monumento.
Umaatikabong labanan ang naghihintay sa grupo.
Eksplosibo ang pagtatapos ng Asian Treasures bukas pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.
|
|