|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:14:39 GMT -5
Float nina Diana, nakaranas ng minor accident sa Parade of Stars’ (JOJO GABINETE)
NAKI-COOPERATE ang panahon noong Miyerkules ng hapon dahil huminto ang ulan kaya natuloy ang Parade
of Stars ng 2008 Metro Manila Film Festival.
Napagkasunduan ng parade organizer na ang mga float ng walong pelikula na kasali sa MMFF ang
ipaparada mula sa Luneta hanggang?sa Mall of Asia grounds kapag hindi tumigil ang ulan.
Pero hindi nabigo ang libu-libong tao na naghintay sa kahabaan ng Roxas Boulevard dahil sumikat ang
araw kaya natuloy ang Parade of Stars at nakita nila ang mga paboritong artista.
Nanguna sa parade ang float ng Dayo. Kung kami ang tatanungin, ang float ng Dayo ang pinakamaganda
at pumapangalawa ang float ng Baler.
Ang kawalan ng big star ang tanging kapintasan ng pinaghandaan na float ng Dayo. Dumanas ng mga
minor accident ang float ng One Night Only na pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Katrina Halili,
Jennylyn Mercado, dahil tatlong beses ito na sumabit sa mga sasakyan.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:15:08 GMT -5
Medyo naantala ang Parade of Stars ng 2008 Metro Manila Film Festival nung nakaraang Miyerkules
dahil sa ulan. Nagsimula ito sa Luneta hanggang sa SMX Mall of Asia at dinumog talaga ito ng
maraming fans ng mga artistang kalahok sa filmfest.
So far, ang float ng Baler (nina Anne Curtis, Jericho Rosales, at Phillip Salvador) ang maganda sa
lahat dahil pinag-isipan naman ito at naka-costume pa ang buong cast.
Ang iba ay mukhang tinipid na basta mairaos lang ang naturang parada.
Gaya nu’ng mga nakaraang taon, halos ganun pa rin ang float ng mga pelikula ng Regal Films. Lalo na
ang Shake, Rattle and Roll X, na taun-taon na lang ay kasali, kaya parang ginamit na lang nila ang
nakaraang float nila.
Ang mga stars ng Shake, Rattle & Roll X na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang pinagkaguluhan nang
husto, at ganun din ang Desperadas 2 at One Night Only.
Nakatsikahan namin sa Desperadas 2 float si Iza Calzado at umiiwas na itong pag-usapan ang break-up
nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Tama na raw ang mga sinabi niya sa Showbiz Central at ayaw na niyang pahabain pa ito dahil
magkaibigan pa rin naman daw sila.
Ayaw niyang magsalita ng patapos, pero open naman daw siya sa posibilidad na pagbabalikan. Masarap
daw ang ma-in love kaya malay daw natin.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 29, 2008 13:40:50 GMT -5
MABIBILANG kami sa daliri nang manood kami ng LFS ng sex comedy flick na One Night Only sa Gateway Cineplex.
Akala namin ay hahagalpak kami nang todo sa katatawanang pelikula na ito ni Direk Joey Reyes, pero parang hindi ganu’n ang naramdaman namin.
Hindi na lang namin idedetalye ang rebyu namin, basta para sa amin ay ang komedyanteng si Chokoleit ang saving grace ng movie.
In fairness ay parang hindi lang suporta ang role rito ni Chokoleit dahil lumalabas na isa siya sa mga bida sa istorya bilang bading na parlorista na inlab-inlaban sa tatanga-tangang ‘boyfriend’ niya na si Joross Gamboa.
Natural na magaling ang comic timing ni Chokie kaya epektib ang mga eksena niya. Bumagay kay Joross ang naïve-naïve-ang binata na ayaw kunong pumatol sa bakla.
Si Paolo Contis ay parang hindi umaakting dito at natural na natural bilang hambog at manyakis na movie stud, na kinana ang probinsyanang extra na si Alessandra de Rossi.
Nakakaaliw si Alex lalo na ‘pag panay ang sabi niya kay Paolo ng ‘Kuya…’ na animo’y inosente’t ubod ng hinhin, ‘yun pala ay sex marathon ang drama sa kama.
Ang sexy ni Jon Avila, pero nakakaasiwa ang boses niya na halatang hindi siya ang nag-dub.
Ang fresh ng itsura ni Diana Zubiri sa screen at natural na natural ang ganda, samantalang si Katrina Halili ay ang sagwa ng close-up shots at halatang-halata na may pinabago sa kanyang mukha!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 30, 2008 12:59:02 GMT -5
WE HAVE A FEELING
"Shake, Rattle & Roll X" has a good chance of making it as this year’s Metro filmfest top grosser since the four comedies will be competing with each other: "Iskul Bukol" with Tito, Vic and Joey’ "Tanging Ina N’yong Lahat" with Ai Ai de las Alas, and the sexy comedies "Desperadas 2" and "One Night Only" that both have an all-star cast.
The advantage of the "Shake" movie is that it’s the only horror film among the entries and it’s a combination of both Kapuso and Kapamilya young stars. Add to that the fact that it’s the best "Shake" edition in its entire franchise. Before, there’s usually only one good episode and the other two are "patapon" (just like last year when "Christmas Tree" about a flesh-eating tree was the only good episode). This time, all the three episodes are quite worth watching.
The first episode is "Emergency", about a male nurse (JC De Vera) who takes an injured pregnant woman (Mylene Dizon) to their hospital not knowing she belongs to a tribe of vampire-zombies. When the baby she’s carrying dies, the woman’s husband (Wendell Ramos) calls on all their allies to attack the hospital and kill all the people in it. This results into some good scares but the most frightening thing in it is that this a hospital that has only two doctors, a few nurses, and a hospital chief who’s such an not a very nice person.
JC and his doctor girlfriend, Roxanne Guinoo, both give fairly acceptable performances along with Mylene, but it’s Wendell who’s truly convincing here in his terrifying portrayal of the top vampire honcho. And to think he’s also similarly effective as the hilarious cross-dressing gay husband of Rufa Mae Quinto in "Desperadas 2."
In the second episode, "Class Picture," Gerald Anderson and Kim Chiu lead a group of students doing a project overnight in their old school when they awaken the ghost of murderous nun Sister Begonia (Jean Garcia) who was punished in 1898 for her three missing students. The nun now tries to replace the missing girls in their class picture with three of the female students in the present generation. Her first two victims are Nina Jose and Eda Nolan.
The third victim is meant to be Kim Chiu but since she’s the female lead who has Gerald as her protector, the nun is in it for a lot of resistance this time. This episode by Topel Lee is the best for us as it’s a combination of a horror flick and a slasher movie, with the nun resorting to a sharp razor in getting rid of her victims. The cast is quite capable but no one really manages to stand out.
The last episode, "Nieves, the Engcanto Slayer," is a horror comedy and it works mainly because of Marian’s adept comic performance in the title role of a woman who happens to be the nemesis of bad spirits like kapres, duwendes, aswangs and nuno sa punso. She’s head over heels in love with her inamorato called Adonis. For a while, you’d wonder who this guy could be. He must be so handsome that Marian professes undying for love for her. And he turns out to be comedian Mike "Pekto" Nacua.
When Adonis suddenly disappears after being swallowed by the earth, Nieves decides to retire from fighting engcantos. But a spunky boy (Robert Villar, Marian’s sidekick in "Dyesebel") manages to convince her to teach him how to fight engcantos after his uncle (Mart Escudero) is put under a spell by a bad entity residing in a tree he cut down. Marian agrees to coach him and another apprentice, Jennica Garcia, but there’s a big twist in Jennica’s role that we feel has some good possibilities but was not exploited to the hilt.
Marian’s chief opponent turns out to be Acacia (Diana Zubiri), the bad queen of engcantos who’s up against the group headed by Marco Alcaraz and Iwa Moto. The episode’s climax is the fiery showdown between Marian and Diana. This is the episode that makes the most use of a lot of special effects.
Some of the CGI works are good; especially the trick with the leaves, but most of it is quite mediocre. But Mike Tuviera’s direction has definitely improved a lot compared to his previous "Shake" episodes and his boring full-length film, "Txt". His storytelling is likewise much better now and even the pacing is less tedious.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 5, 2009 9:17:55 GMT -5
Sa pagbubukas ng 2009, kasiya-siya at exciting ang unang Biyernes ng taon kasama ang longest-running gag show ng bansa, ang Bubble Gang!
Magpapasabog na ng walang humpay na pagpapatawa sina Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Wendel Ramos, Antonio Aquitania, Francine Prieto, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon at Paolo Contis.
Ano ang gagawin ni Yaya kapag nakita niyang duguan ang daliri ng alaga niyang si Angelina?
Sa Rig Mobile ay may tatlong bersyon ang patalastas ng Red Mobile.
Magre-report ang isang reporter kaugnay sa mga biktima ng paputok.
May takot dumalo sa Xmas party, may dadaan sa tapal-tapal na operasyon at may tutuklas sa kanyang tunay na kasarian.
Ang phenomelan duo na Moymoy Palaboy ay kakanta ng Close To You, awiting pinasikat ng Carpenters.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 7, 2009 12:03:52 GMT -5
SA pagpasok ng bagong taon, gawing habit ang panonood ng longest-running at walang-kaparis na gag show ng buong bansa -- ang Bubble Gang! Talagang hindi magpapaawat sina Ogie Alcasid, Michael V., Wendell Ramos, Antonio Aquitania Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal, at Boy 2 Quizon sa paghahatid ng saya sa kanilang mga tapat na taga-subaybay. Ngayong Biyernes, tampok ang kuwento ng isang maid na walang kaalam-alam ay isinabuhay na pala ng amo niyang direktor ang kanyang buhay. Palabas rin ang isang serye ng gags na magpapakita ng iba’t ibang reaksyon ng mga taong nadismaya sa pinamagatang “Bakit nagawa mo sa kin toh? May isisilya-elektrika, may bagong magmamay-ari ng kompanyang pinamana ng kanyang pamilya, may magkasintahang panay ang away, may spoiled na magkakaroon ng lisa, at may mga magsusumbong na naman kay Bongbong! Guests sina Paolo Contis at Robert “Buboy” Villar ngayong Biyernes sa Bubble Gang after GMA Telebabad.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 9, 2009 8:38:47 GMT -5
Sa pagpasok ng 2009, gawing habit ang panonood ng walang-kaparis na gag show ng buong bansa -- ang Bubble Gang!
Hindi magpapaawat sina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal at Boy 2 Quizon sa paghahatid ng saya sa kanilang mga tagasubaybay.
Ngayong gabi, tampok ang kwento ng isang tsimay na nag-akalang isinapelikula ng amo niyang direktor ang kanyang buhay. Palabas din ang gags na magpapakita ng iba’t ibang reaksyon ng mga taong nadismaya sa pinamagatang
“Bakit nagawa mo sa ‘kin ‘toh?”
Sa Culot 45 ay ii-spoof ang patalastas ng Colt 45. Ang pilyang si Angelina, may lisa. Ano kaya ang gagawin ni Yaya? Meron pang magkakalimutan sa one night stand, may isisilya-elektrika, may magkasintahang umayaw sa away, at may tatlo na namang bonggang-bonggang sumbong kay Bongbong.
Panauhin sa episode na ito sina Paolo Contis at Robert ‘Buboy’ Villar.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 9, 2009 8:39:19 GMT -5
NAMAMAYAGPAG pa rin ang Bubble Gang sa kanyang timeslot tuwing Friday night after telebabad ng GMA 7.
Kasi ba naman walang sawang tawa at halakhak ang dulot ng gag show.
Sa pagpasok ng bagong taon, gawing habit ang panonood ng longest-running at walang-kaparis na gag show ng buong bansa -- ang Bubble Gang!
Talagang hindi paawat sina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal, at Boy 2 Quizon sa paghahatid ng saya sa kanilang mga tapat na televiewers.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 26, 2009 10:05:44 GMT -5
Alfred, nasabik kay Diana Star-studded ang Dinagyang Festival ng Iloilo City dahil kaliwa’t kanan ang mga entertainment show. Naroroon kahapon sina Dingdong Dantes, Parokya ni Edgar at Cesar Montano para sa Touch Mobile event. Nakasabay namin sa eroplano ang mga member ng mga banda ng Calla Lily, Kamikazee at ang grupo ni Rico Blanco. Noong Sabado, nagkaroon ng show sa SM Parking lot ang Streetboys at si Vhong Navarro. Nakasabay namin ni Diana Zubiri sa NAIA 3 airport si Alfred Vargas na papunta sa Pagadian City. Magkaibigan sina Diana at Alfred. Matagal na silang hindi nagkikita kaya tuwang-tuwa si Alfred sa kanilang chance encounter. “Pa-hug naman,” ang mistulang sabik na naglalambing na sabi ni Alfred kay Diana nang magpang-abot sila sa departure lounge ng airport at ‘yon ang eksena na nakita ng ibang mga pasahero.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 30, 2009 9:14:15 GMT -5
Mapa-drama o comedy, ready si Diana Zubiri! A sexy actress na unti-unting nakikilala both in drama and comedy, Diana Zubiri continues to sizzle this year. Alamin kung ano ang dapat abangan sa career ni Diana as she gives an exclusive interview sa iGMA. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul. Sa set ng Bubble Gang binisita at kinamusta ng iGMA ang sexy actress na si Diana Zuburi. Ibinalita niya sa amin that we might be seeing her sa prime time sometime soon but ayaw pa niyang banggitin kung anong show. “Hindi ko kasi alam kung puwede ko nang sabihin kasi…sabi pa lang, hindi pa ginagawa, hindi pa nangyayari. So, hindi ko alam kung matutuloy, o sa akin pa rin [ang role],” ang paglilinaw niya. Pero idinagdag naman ng aktres na kahit ano naman ang dumating sa kanyang project ready siya. “Magaling ako eh (laughs), siyempe kailangan unang-una, ikaw ang fan ng sarili mo. Parang (chuckles) sabi nga ni Katrina Halili dati, ‘Love your own,’” ang makahulugang pahayag ni Diana. Tunay naman na pwedeng ipagmalaki ni Diana ang kanyang na-achieve sa show business. From being a sexy model, she was able to transform herself into an actress. A regular sa longest running gag show sa Philippine television, ang Bubble Gang, Diana has proven that she has comic timing at pwedeng makipag-sabayan sa mga top-rate comedian ng bansa, like Michael V. and Ogie Alcasid. In terms of drama naman, Diana recently starred sa dalawang drama series Babangon Ako’t Dudurugin Kita at ang Gaano Kadalas ang Minsanwhere she reprised the role of Ms. Hilda Coronel. Diana attributes her transformation in show business sa kanyang mga experiences sa buhay. “Galing sa experiences ko [ang every portrayal]. Hindi naman lahat ng nangyayari sa buhay laging masaya, hindi rin lahat comedy lang ‘di ba? Parang gulong ng buhay, umiikot so parang dun [ko] kinukuha ‘yung motivation [ko],” ang paliwanag ni Diana. Truly, we can say na ready na nga si Diana sa mga darating sa kanyang career this 2009. Mapa-drama man o comedy, we are sure that she will continue to soar higher this year.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Feb 9, 2009 4:10:24 GMT -5
Sa loob ng Valentine's card Article posted February 09, 2009 Buwan natin ngayon, mga Kapuso. And if you're having a hard time thinking up things to put in sa Valentine's card na ibibigay mo sa iyong loved one, bakit hindi ka na lang humingi ng tip sa iyong mga Kapuso stars? Mark Herras: "Ako 'I love you' lang ang nakalagay. Walang graphics, 'I love you' lang ang pinaka strongest word for a Valentine. I love you lang, no drawings or anything." JC Tiuseco: "Siguro ilalagay ko dun na Valentines, I’ll be your sweetest date ever. [Tapos] picture, ano, naka-smile ako." Dennis Trillo: "Valentine card, 'di ba? Pagbukas mo nung card, mayroon doong naka-drawing na puso—'yung totoong puso ng tao na dugo-dugo. Tapos nakalagay doon, 'I offer you my heart'. Medyo madugo." Tuesday Vargas: "Tao, tapos butas 'yung gitna. 'You have my heart.' Tapos, 'To Dennis, you have my heart. - Tuesday' Para sagot doon sa card ni Dennis, walang puso—na kay Dennis. Bagay naman [ang name na] Tuesday Trillo, 'di ba?" Nadine Samonte: "Siguro may mga heart, tapos gusto ko 'yung pinaka-card ko, walang white—puro red. Tapos 'yung pinakasulat lang niya 'yung white, kasi purity 'yung pinapakita mo sa taong love mo, na pure 'yung pagmamahal mo sa kanya. And siguro 'yung message ko doon is, 'I will always love you, no matter what.' Pang-matagalan siya." Mart Escudero: "Secret pa 'yun lahat, eh! Hindi pa puwede! (Pause.) Ako gusto ko, alam mo 'yung parang black and white na background tapos mayroong lalaki na may pagka-emo, na hawak niya 'yung puso niya. May pagka-emo 'yung dating, alam mo 'yun? 'Yung parang sad boy siya na may hawak na puso. Ayun lang." Hero Angeles: "Today, I am yours!" Yul Servo: "Isang mapulang-mapulang 'I Love You.' Simple lang." LJ Reyes: "Empty siguro. Kasi ako, kapag nagbibigay ako ng Valentine's card, ayaw ko ng masyadong maraming sulat. Gusto ko ako magsusulat, para totoo 'yung sinasabi. Hindi 'yung, ginaya na 'to eh, mga quotable quotes na 'to eh. Gusto ko 'yung from the heart 'yung message ko. Siyempre may kulay naman. For Valentine's Day, sige na nga, maging red na lang siya, or pink, or white. Ay hindi! 'Wag white, mukha namang bond paper na finold. Red or pink, 'yun. Para mukhang heart." Ryza Cenon: "Isa lang naman ang meaning ng Valentine's 'di ba? 'I love you' lang. Isang heart lang. Simple lang. Kasi 'yun lang naman 'yung symbol nun eh. 'Pag nakakita ka ng heart, ano yun? Heart!" Antonio Aquitania: "Magkahawak na kamay sa Valentine's card, tapos forever na kami magsasama. 'Til death do us part'." starsGardo Versoza: "Kung ako 'yung card? 'Open at your own risk!' (Laughs). So bahala na siya kung ano 'yung laman nun." Polo Ravales: "Ako, nakalagay 'Be with me.' 'Yun lang." Vaness del Moral: "Kung Valentine card ako, ang ilalagay ko dun, 'Love is a force of nature.'" Diana Zubiri: "May heart at may pic nung guy at may nakasulat na 'Ikaw ang laman ng aking puso.'Alfred Vargas: "Ako ay isang cartoon na rose, tapos nakalagay dun 'A single rose can be my garden'." Aljur Abrenica: "Quotation na lang. Baduy, eh! 'Paano na ako kung mawawala ka?' Graphics? Two hearts na may face, na sobrang in love talaga sa isa't-isa. Tapos 'Paano na ako kung mawawala ka?' Siyempre 'pag mawala ang isa, mamamatay ang isa. Parang ganoon." Nakakuha ka ba ng tip na magagamit mo? Are you the straightforward type like Dennis or Hero? O mas witty ka ba gaya ni Tuesday? Baka naman you're the pa-cute type like Mart and JC? Kung sino man ang kapareho mo, we wish you the sweetest Valentine's Day this year!
|
|
pammy
New Member
Posts: 1
|
Post by pammy on Mar 1, 2009 10:17:38 GMT -5
ei guys. true ba yung chismis na buntis daw si ashti?
|
|