|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 14, 2008 6:31:20 GMT -5
Diana, nakaw-eksena
BAGAMA’T late na dumating si Diana Zubiri sa presscon ng One Night Only, na ginanap sa Craving’s Morato noong Thursday, naagaw niya ang eksena, wika nga, sa kan-yang mga fellow female stars, consisting of Ales-sandra de Rossi, Jennylyn Mercado at Katrina Halili.
She was, firstly, dressed to the occasion. Unlike one or two of her co-stars (we won’t mention names na lang, Ian F.) na akala mo tatakbo ng Divisoria at mami-mili ng mga mumurahing pang-Christmas gifts at pag-katapos ng presscon.
Actually, prior to the start of the presscon, may isang miyembro ng cast (’di namin sasabihin, muli, Ian F., kung male or female) na pinagbubulungan na ng mga early arrivals from the entertainment press invited, dahil feeling niya yata nasa palengke siya. Dahil ang lakas-lakas ng boses.
Diana, bless her, had the most appropriate and honest answer to a question asked from the members of the cast of One Night Only by entertainment columnist Mario Bautista.
The question: Who is your fantasy for a one night only?
In the dictionary, fantasy means, illusion. Or, mere imagination only.
Jennylyn and Katrina’s reply: “Wala. Wala kaming fantasy. E, sa wala.”
Really? Or, did they understand the question kaya?
In any case, ang sagot ni Diana, Wendell Ramos. Yes, Wendell Ramos, who is one of her co-stars in the gag show, Bubble Gang, ang kanyang fantasy.
Likewise, Diana confessed that almost ay naging sila ni Wendell. Pero, salamat na lamang daw at hindi natuloy na magkaroon sila ng relasyon. Feeling ni Diana, mahirap magkaroon ng karelasyong kasama mo sa trabaho.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 14, 2008 6:32:06 GMT -5
Diana Zubiri tinarayan ni Alessandra de Rossi
TINALBUGAN ni Diana Zubiri sina Katrina Halili, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra de Rossi sa presscon ng isang MM-FF ‘08 entry nang duma-ting itong late.
Todo make-up si Dia-na at nakasuot ng isang very sexy outfit na halos luwa na ang kanyang boobs.
Nagtaray tuloy si Alex na talaga raw pansinin ang mga dumarating nang late dahil nakagagawa sila ng ‘grand entrance.’
Depensa ni Diana, hindi raw niya sinadyang ma-late sa presscon.
Nagkataon lang daw na galing siya sa isang ribbon cutting ceremony sa SM Baliuag, Bulacan nang hapong ‘yon kaya siya nakaayos, at nagpa-alam naman daw siya na male-late.
‘Yong sexy outfit niya ay provided ng kanyang manager na si Jojo Gabinete na isa ring movie scribe.
Gusto raw kasi ni Jojo na laging presentable si Diana sa mga okasyon na pinupuntahan niya. Nagningning din nang husto si Diana sa natu-rang okasyon dahil sa re-velation niya na nagkaroon sila ng MU noon ni Wendell Ramos.
Kaso hindi ‘yon natuloy sa isang matamis na re-lasyon. Kasi, dati ay panay ang deny nila pareho ni Wendell samantalang super-sweet naman sila sa set ng Bubble Gang.
Inamin din niya na boyfriend niyang non-showbiz ang nakunan na kanyang kahalikan sa cover ng Paparazzi Magazine. Nakuha raw ang picture na ‘yon sa kanyang facebook or friendster account sa Internet.
One year na sila ng BF at kamukha nito si Wendell.
Hindi raw siya nahihi-ya sa lumabas na photo nila ng BF na naghahalikan, kasi nobyo naman daw niya ‘yon.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 14, 2008 13:23:44 GMT -5
Type ko ang trailer ng One Night Only ng Octoarts Films. Parang nakakaaliw ang pelikula na pang-adults only ang pamagat pero wholesome ang tema.
Ang One Night Only ang isa sa mga filmfest entry na binabalak ko na panoorin dahil nakarating sa akin ang tsismis na nagustuhan ng screening committee ang Octoarts Films movie.
Hindi ako nang-iintriga pero ang One Night Only ang nagustuhan ng screening committee sa mga pelikula na pinanood nila. Tuwang-tuwa si Boss Orly Ilacad nang malaman nito ang good news dahil ibinuhos niya ang lahat para sa ikagaganda ng One Night Only. Confident si Boss Orly na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula ng Octoarts Films na siguradong hindi pang-one night ang showing.
Type ko ang trailer ng One Night Only ng Octoarts Films. Parang nakakaaliw ang pelikula na pang-adults only ang pamagat pero wholesome ang tema.
Ang One Night Only ang isa sa mga filmfest entry na binabalak ko na panoorin dahil nakarating sa akin ang tsismis na nagustuhan ng screening committee ang Octoarts Films movie.
Hindi ako nang-iintriga pero ang One Night Only ang nagustuhan ng screening committee sa mga pelikula na pinanood nila. Tuwang-tuwa si Boss Orly Ilacad nang malaman nito ang good news dahil ibinuhos niya ang lahat para sa ikagaganda ng One Night Only. Confident si Boss Orly na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula ng Octoarts Films na siguradong hindi pang-one night ang showing.
philstar
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 14, 2008 13:24:39 GMT -5
Diana, mahilig sa matanda! BINULATLAT na ni Diana Zubiri ang personal niyang buhay dahil sa naglabasang pictures sa isang tabloid na kung saan ay ipinakita na nakikipaghalikan siya sa isang non-showbiz guy. Sa totoo lang, madalas naming nakikita na kasama ng sexy actress ang lalaki sa Barrakz Bar, kung saan part owner si Diana. Kaya nu’ng presscon ng isa sa entries niya sa filmfest na One Night Only ng OctoArts Films, wala na siyang kaplastikang umamin sa pagkakaroon niya ng relasyon sa lalaki na may edad sa kanya. “Hindi naman ako nagdenay, eh, One year na kami. “Hindi naman ako nagalit nu’ng lumabas ‘yon. Magagalit ako kung nagalit din siya. Kasi nga, mas ako ang unang nakaalam at nahihiya akong magsabi sa kanya. Ang payat kasi niya doon at ang taba ko pa! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Diana. Ano ang naging reaksyon ng boyfriend niya sa lumabas na picture? “Natawa siya. Sabi niya, ‘Ano ba, heto pa ang nakuha?’ Kasi that time…Sa isang party ‘yon nakunan. May bigote siya kaya hindi siya nakapag-shave. ‘Pangit ko naman dito. Ang dami namang makukuhang picture!’ “Ang taba ng braso ko roon! Ha! Ha! Ha!” Talagang mas conscious sila sa mga hitsura nila, huh? “Oo nga, eh. Hindi doon sa resulta. Hay naku! At least, medyo light na niyang natanggap. Kahit paano, first time nangyari ‘yon sa akin at sa kanya,” sey niya. Naku, mag-inarte pa ba siya? Dapat proud siya, di ba? “Dapat lang, ‘no! Tadyakan ko siya, ‘no! Ha! Ha! Ha!” birong ganti ni Diana. Sino ba ang boyfriend niyang ‘yon at ano ang ginagawa sa buhay? “Huwag ko na lang sabihin ang pangalan niya. Isa siyang businessman. Mabait naman siya. “Ang gusto ko sa kanya, totally, hindi niya ako pinapakailaman lalo na sa desisyon ko. Sa trabaho. Pag pinapakilala niya ako sa mga tao, proud siya. Extra sweet siya,” tugon ni Diana. Ipinakilala na ba siya sa parents ng boyfriend niya? “Oo, noon pa.” Ten years ang agwat ng edad ng lalaki sa kanya. “Mas maganda sa akin ‘yon. Hindi naman sa mas mahilig ako sa matanda. Mas okey sa akin. “Actually, ready na siyang mag-settle down. Ako na lang ang hinihintay kung kelan ako magiging handa,” pahayag pa ni Diana. May dream wedding ba siya? “Gusto ko sa Vigan ikasal. Dream lang naman, ‘di ba? Kasi nu’ng nagpunta kami ng Vigan, na-in love talaga ako sa lugar. Tapos, nagsimba kami,” kuwento niya. So, ready na siyang mag-settle down? “Oo. Maybe in two years, pero hindi pa rin natin masasabi, ‘di ba?” say pa ni Diana. Siyanga pala, kasama rin si Diana sa Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 18, 2008 12:37:20 GMT -5
ABA, pareho palang nakakuha ng grade A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Magkaibigan nina Sen. Jinggoy Estrada, Christopher de Leon, Maricel Laxa at Dawn Zulueta at filmfest entry ng Maverick Films, at ang Baler ng Viva Films at Bida Productions, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis.
So, ibig sabihin, pareho silang tax-exempted. Magkano rin ’yon, huh!
Pero ayon sa isang miyembro ng MMFF screening committee, among the entries, sa One Night Only (ng OctoArts Films, pinagbibidahan nina Katrina, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra de Rossi) siya pinaka-naaliw.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 18, 2008 12:37:40 GMT -5
Diana open about bf
DIANA Zubiri continues to reap praise for her sensible answers in the presscon of "One Night Only" and for coming fully dressed like a real movie star and not like some of her co-stars who look like they just woke up and are on their way to the market. Diana was candid even in replying to personal questions, like when someone asked if she's really the actress shown in a tabloid kissing a non-showbiz guy.
"Ako nga 'yung nasa pictures printed sa tabloids," she says. "The guy is my boyfriend and more than a year na kami. Hindi ko naman siya itinatago at madalas ko ngang kasama sa Barrakz (the bar in Morato Ave. which she partly owns). No, I didn't get mad when I saw the photos. Kasi hindi rin naman nagalit ang boyfriend ko. Kaya lang, he's so thin then at ang taba naman ng braso ko. So sabi niya, 'Ano ba 'yan? Sa lahat ng pictures, ito pang nakuha? Ang pangit ko naman dito.' Kasi ni hindi siya nakapag-shave that time. It's really a series of pictures na nakunan sa isang party. First time nangyari 'yun sa kanya and, at least, he took it lightly na dapat lang naman dahil kung nag-inarte siya, tadyakan ko siya, 'no?" And she laughs.
She'd rather not reveal the name of her boyfriend. "He's a private person kaya huwag na lang. He's a businessman. At mabait siya and sweet kaya magkasundo kami. He's 33 and 23 naman ako, pero okay lang ang age gap namin kasi he's more understanding. Hindi niya pinakikialaman ang decisions ko, lalo na pagdating sa trabaho. He introduces me to his friends and I can feel proud siya sa'kin. Hindi ako itinatago. He has even introduced me to his parents. He said ready na siya to settle down. E, ako, hindi pa dahil enjoy pa ko sa career ko. So ako na lang ang hinihintay niya kung kailan ako magiging ready. I told him in two years, but we never can tell, di ba? Kasi dinala niya ako sa Vigan and I fell in love with the place na puro lumang bahay. Nagsimba kami sa church nila at sabi ko sa kanya, sana dito tayo ikasal. Dream lang naman 'yun."
Diana is happy that she's in two filmfest entries. "Nakakatuwa nga kasi first time kong mapasali sa Metro filmfest, tapos dalawa agad ang entries. Comedy ang 'One Night Only' where I play a simple girl who surrenders her virginity in a motel not knowing two-timer ang boyfriend niya. Horror-comedy naman ang episode namin ni Marian Rivera, 'Nieves', in 'Shake Rattle & Roll X'."
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 20, 2008 13:17:27 GMT -5
Diana Zubiri learns lesson from tabloid photo of her and boyfriend kissing in public
Mainam at hindi na nag-deny pa si Diana Zubiri sa litratong lumabas sa tabloid na Pinoy Parazzi kunsaan pinapakita siyang nakikipaghalikan sa isang lalake. Inamin ni Diana na siya iyon at boyfriend niya ang guy.
Ayaw na lang sabihin ni Diana kung sino ang boyfriend niya dahil hindi naman daw taga-showbiz ito. Pero natatandaan namin na ipinakilala na ni Diana sa amin ang boyfriend niyang nagngangalang Alex.
Pero ayon sa ilang PEP sources, ang kumpletong pangalan ng lalaki ay Alex Lopez, dating boyfriend ni Tanya Garcia at napabalitang manliligaw noon ni Katrina Halili.
Anyway, one year na nga raw silang mag-on at wala siyang nakikitang masama kung maghalikan silang dalawa. Tutal karelasyon niya ito at mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Napakilala ko na siya sa family ko at nakilala ko na rin ang family niya sa Vigan," ngiti ni Diana habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
"Natuwa nga ako kasi ang babait nila sa akin. Pati ang family ko, gusto nila ang karelasyon ko ngayon."
Matagal din daw kasing nabakante ang puso ni Diana kaya noong dumating ang lalaking ito ay na-in love na siya rito.
"Pero mas in-love siya sa akin, huh!" malakas na tawa pa niya.
"Nagpapakipot pa ako noon sa kanya. Pero mabait kasi siyang tao at matiyaga kaya sinagot ko siya dahil sa effort niya sa akin."
Medyo na-bother lang daw si Diana sa lumabas na litrato nila ng kanyang boyfriend sa naturang tabloid. Pero naiintindihan naman daw ni Diana na dahil artista siya ay public property na rin siya.
"Wala naman mangyayari kung magalit man ako, di ba? Hindi ko na idadaan ‘yan sa legal na paraan kasi pareho lang maaabala ang trabaho namin. Siguro nga ginagawa lang nila ang trabaho nila.
"Siguro kaming mga artista, maging careful na lang sa mga kilos namin. Nakunan naman kami sa isang publiko na lugar, e. Yun lang ang mali namin siguro. Kaya magiging mas maingat na kami."
Habang wala pang bagong TV show si Diana sa GMA-7 ay nakatapos siya ng dalawang pelikula para sa Metro Manila Film Festival, One Night Only at Shake, Rattle & Roll X ("Nieves" episode).
Hindi nga raw alam ni Diana kung saang float siya unang sasakay. Pero for sure ay masasakyan niya ang dalawang float sa parada on December 24.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 22, 2008 11:15:28 GMT -5
Isang dekada ng katatakutan! Pinagkaguluhan ng fans ang mga artistang nagsipanooran ng 'Shake, Rattle & Roll X' premiere sa SM Megamall last Saturday, December 20, 2008. Watching this Regal Films horror fest has become a Pinoy Yuletide family tradition, especially since this is already the 10th anniversary of the film franchise. Text by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Jason John S. Lim. Going strong Nag-iisang horror flick ngayon ang Shake, Rattle & Roll sa Metro Manila Film Festival, as compared to the previous years na may kasabay siyang scary movies. "I am proud to say that the SRR series is already a worthwhile Christmas [Metro Manila Film Festival] tradition among Filipinos," sabi ni Roselle Monteverde of Regal Films. "This year, Regal can claim that SRR is the most successful franchise as it is the last movie standing among the film sequels for the past years." Dalawang batikang director ang gumawa ng tatlong short films for the movie. Si Mike Tuviera ang nag-direct ng “Emergency” and "Nieves" - ang first and last stories, at si Topel Lee naman ang in charge sa "Class Picture," the second story. Tuviera and Lee have both directed horror films in the past, such as TXT and Ouija, respectively. The right mix The cast lineup is composed of the best of Kapuso and Kapamilya artists: Marian Rivera , Kim Chiu, Gerald Anderson, JC de Vera , Roxanne Guinoo, Mylene Dizon, Wendell Ramos , Diana Zubiri , Jean Garcia, Iwa Moto, Stef Prescott, Prince Stefan, Jennica Garcia, John Lapus, IC Mendoza, and Pekto, among others. In "Emergency," kaabang-abang ang bagong team-up nina JC de Vera at Roxanne Guinoo. Commendable din ang acting chops na ipinakita nina Wendell Ramos at Mylene Dizon, who were the spine-tingling villains in the story. "Nieves" stars Marian Rivera as the engkanto slayer, and she does a spectacular performance as a palaban and feisty character. This story was intentionally more of a laugh trip than a scarefest, especially with Pekto’s particularly memorable role. The first and last mini-movies were visual effects-heavy, and to a certain extent, gory, which is why the second one, "Class Picture," proved to be the most frightening. Of course, this doesn't mean that "Emergency" and "Nieves" weren't good; it's just that the second one was more realistic because of the plot. Kim Chiu and Gerald Anderson led the cast of "Class Picture," together with Ms. Jean Garcia. StarStruck artists Prince Stefan and Stef Prescott were also part of the lineup. After watching this story, you wouldn’t look at nuns and class pictures the same way again! stars Shake, Rattle & Roll X had the right mix of entertainment and horror to elicit well-deserved laughs and screams from the packed cinema last Saturday. It was also remarkable how Kapuso and Kapamilya fans got together to cheer on their favorite artists who attended the premiere. Sabi nga ni Mother Lily-Monteverde na nagpasimuno ng SRR series, "Magandang magkakasama lahat ng Kapuso at Kapamilya tuwing Pasko through Shake, Rattle & Roll. I want everyone to be part of this rich horror tradition in Filipino films. We made SRR X truly special for all of you."
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 22, 2008 11:16:37 GMT -5
Diana, pinapantasya ni Wendell sinama ni Wendell sa bahay ni Tito Dougs sa Lucban ang cute niyang anak na si Wendell Xavier o Dedell. Lumalaking guwaping ang 9 y/o na panganay ni Wendell, na mukhang magsu-showbiz na rin. Sey ni Wendell, hindi nakuha ni Dedell ang pagiging maputi niya, pero bumagay sa bagets ang pagiging moreno. Si Dedell pala ‘yung nakita namin sa poster sa isang Bench store na kasama ng bagets na si Andre, ang cute na anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez. Nakaupo sa kabayo ang dalawang bagets sa nasabing Bench pictorial at sila ang models ng bagong Tweeners line ng Bench. Kasama nina Dedell at Andre (11 y/o) bilang endorser ng Bench Tweeners ang isa pang celebrity kid at unica hija nina Goma at Lucy na si Juliana Torres-Gomez (8 y/o). Grade III si Dedell sa isang school sa may lugar nila sa Parañaque. Obvious na close na close ang mag-ama, na magkatabi sa kama habang kasama naming nanonood ng TV. In fairness ay marunong tsumika ang bagets, mukhang namana ang PR ng daddy niya. Nabanggit pala namin kay Wendell ‘yung sinabi ni Diana Zubiri sa huling presscon ng One Night Only na si Wendell ang pantasya nitong maka-one night only dahil naudlot ang relasyon nilang dalawa noon. Natawa si Wendell at na-touch sa sinabi ni Diana. Sey ng aktor, “Mabuti naman at hindi niya ako dinenay! Ha! Ha! Ha!” Kinumpirma ni Wendell na nagkaroon sila ng unawaan noon ni Diana, na ang tantiya niya ay more than a year ago nangyari (ang tsika sa amin ni Diana ay more than 3 years ago na ito). Hindi malinaw sa amin ‘yung sagot niya kung bakit naudlot ang romansa nilang dalawa. Si Wendell din ay si Diana ang pinapantasyang maka-one night only. Nakangiting dayalog niya, “Eh, siya lang naman talaga, ‘di ba? Meron pa bang iba? Pantasya ko rin si Diana!” Pinaalala sa amin ni Wendell na panoorin ang nakatutuwang gay performance niya sa Desperadas 2. Kasali rin siya sa ‘Emergency’ episode ng isa pang filmfest entry na Shake, Rattle & Roll X.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 22, 2008 11:17:33 GMT -5
Babae ang mga bidang karakter sa tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll X – si Roxanne Guinoo bilang doktorang buntis, si Kim Chiu bilang estudyanteng pinagmultuhan, at si Marian Rivera bilang esngkanto slayer.
Ang pangunahing kontrabida sa tatlong episodes ay pawang babae rin – si Mylene Dizon bilang buntis na lamanlupa, si Jean Garcia bilang istriktang madre, at si Diana Zubiri bilang engkanto na umibig sa asawa ni Nieves.
Ang scriptwriters pala ng SRR X ay pawang babae!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 22, 2008 11:17:48 GMT -5
Dalawa ang pelikula ni Diana Zubiri sa filmfest – One Night Only at Shake, Rattle & Roll X.
Sa Parade of Stars sa Disyembre 24, dapat lang na sa float ng One Night Only siya sumakay dahil isa siya sa limang bidang babae rito.
Sa SRR X ay kontrabida si Diana at dalawa lamang yata ang kanyang eksena.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:12:33 GMT -5
The biggest Shake, Rattle & Roll installment Updated December 23, 2008 12:00 AM
“This is your biggest Shake, Rattle & Roll (SRR) so far, not only because of the grand cast but also
because of the sophisticated storytelling and effects — befitting of a 10th anniversary offering no
less,” said Mother Lily Monteverde, the Regal matriarch who is obviously excited and hopeful for
SRRX this year.
If there were years when SRRX shared the limelight with other horror entries from other production
outfits, this year’s Shake, Rattle & Roll X is the only horror flick in the MMFF and the most
successful film franchise that has a good box-office and critical-award winning record.
“I am proud to say that the SRR series is already with a worthwhile Christmas filmfest tradition
among Filipinos,” said producer Roselle Monteverde, “this year, Regal can lay claim that SRR is
about the most successful franchise as it is the last movie standing among the film sequels for the
past years.”
Mike Tuviera (Nieves and Emergency) and Topel Lee (Class Picture) are responsible for this year’s
exciting episodes with a formidable cast composed of the best of the Kapuso and Kapamilya networks
which includes Marian Rivera, Kim Chiu, Gerald Anderson, JC de Vera, Roxanne Guinoo, Mylene Dizon,
Wendell Ramos, Jean Garcia, Iwa Moto, Jennica Garcia, John Lapus, Erich Gonzales, BJ Forbes, IC
Mendoza and Janus del Prado.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:12:59 GMT -5
Rekomendado namin sa lahat na panoorin ang One Night Only ng Canary Films at OctoArts Films dahil
highly-entertaining ang pelikula.
Si Joey Reyes ang director at scriptwriter ng One Night Only. Tanging siya lamang sa mga direktor
na Pilipino ang nakakagawa ng pelikula na may koneksyon sa isa’t-isa ang mga karakter.
Mahusay ang mga artista ng One Night Only. Pantay-pantay ang kanilang mga role at binigyan sila ng
mga highlight.
Ang filmfest entry ng Canary Films at OctoArts Films ang nagustuhan ng screening committee ng Metro
Manila Film Festival. Nag-predict naman ang
theater owners na nakapanood sa pelikula na magiging blockbuster ito dahil siguradong kakalat ang
balita na maganda ang pagkakagawa at very entertaining ang One Night Only.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:14:02 GMT -5
Tuwang-tuwa sina Joey at OctoArts Films big boss Orly Ilacad sa mga papuri na narinig at natanggap
nila tungkol sa One Night Only.
Ang masigabong palakpakan ng audience nang matapos ang pelikula ang naging basehan nila na
nagustuhan at magugustuhan ng manonood ang kanilang project sa opening day nito, bukas, Christmas
Day.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 26, 2008 9:14:22 GMT -5
Type na type ko ang damit na suot ni Diana Zubiri sa MMFF parade of stars noong Miyerkules.
Naka-short lang si Diana pero eleganteng-elegante ang kanyang blouse na suot. Natuwa ako nang
malaman ko na si Bong Lazo ang gumawa ng bonggang outfit ni Diana.
Eh matagal ko nang kilala si Bong. Subok na ang kanyang husay bilang fashion designer. Hindi nga
lang high-profile si Bong pero dinarayo ang kanyang mga puwesto sa Landmark Trinoma at sa mga branch
ng Robinson’s Department Store.
Hindi ako sure kung nakunan ng photographer ng PSN ang bonggang outfit ni Diana sa parada pero kung
may kopya tayo, pakilagay mo Mama Salve para may idea ang readers sa mga sinasabi ko. Sa mga gustong
magpagawa kay Bong ng damit, call n’yo siya sa 925-2039 o sa kanyang cellphone, 09178108174. Merry
Christmas again to all!
|
|