|
Post by lady_deathstrike21 on Feb 16, 2008 5:36:28 GMT -5
Huling gabi na ng Zaido sa GMA 7, at magtatalo ang kalooban nina Gallian (Dennis Trillo), Alexis (Marky Cielo), Cervano (Aljur Abrenica), Amy (Kris Bernal) at Carmela (Diana Zubiri) kung ipagpapatuloy pa ang pagiging Pulis Pangkalawakan.
Maiwan kaya ni Carmela ang kapatid na si Mona (Lovi Poe)? Tanggapin kaya ni Gallian ang alok na pamunuan ang Galactic Force?
From abante-tonite.com
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Feb 16, 2008 5:37:04 GMT -5
Sa pagtatapos ng Zaido, magtatalo ang kalooban nina Gallian (Dennis Trillo), Alexis (Marky Cielo), Cervano (Aljur Abrenica), Amy (Kris Bernal) at Carmela (Diana Zubiri) kung itutuloy nila ang pangarap maging Pulis Pangkalawakan. Ayaw iwan ni Carmela ang kapatid na si Mona (Lovi Poe) at si Gallian, hindi sigurado kung kayang pamunuan ang Galactic Force. Kaya lang, parang hindi pa rin tapos ang panganib at isang kaguluhan ang magtutulak kay Gallian para kontakin ang mga Zaido, kailangan uli ang tulong nila.
from journal.com
|
|
|
Post by PrInCeSs_LiLo on May 28, 2008 12:11:11 GMT -5
Sunshine Dizon, Marvin Agustin, and Diana Zubiri star in adaptation of 'Gaano Kadalas ang Minsan' Article posted May 27, 2008
Nagkaroon na ng pictorial nitong nakaraang Sunday, May 25, ang tatlo sa magiging bida ng bagong GMA Sine Novela na Gaano Kadalas ang Minsan.
Ito ay pagbibidahan nina Sunshine Dizon as Lily, Marvin Agustin as Louie at Diana Zubiri as Elsa. Papalitan nito ang malapit nang matapos na Kaputol ng Isang Awit nina Glaiza de Castro at Lovi Poe.
Gaano Kadalas ang Minsan was produced by Viva Films in 1982 at pinagbidahan ito nina Vilma Santos, Hilda Koronel, and the late Dindo Fernando. Ang original movie ay mula sa story and screenplay ni Tom Adrales at direksyon ni Danny Zialcita. Ang iba pang nakasama sa classic film na ito ay sina Chanda Romero, Tommy Abuel, Suzanne Gonzalez, at ang child actor noon na si Alvin Enriquez.
Galing nga sa pelikulang ito ang immortal movie line na binitawan ni Hilda Koronel sa eksena nila ni Dindo Fernando: "You are supposed to be the father of a sick boy and not the willing husband of his mother! That was the arrangement, Louie!"
Ito nga ang bagong drama show ni Sunshine after ng magkakasunod na pagbibida niya sa mga GMA primetime dramas na Encantadia, Etheria, Bakekang, Impostora at La Vendetta. Huli siyang napanood bilang si Ragona sa GMA telefantasyag nilikha ni Carlo J. Caparas na Kamandag na pinagbidahan ni Richard Gutierrez. Ang Gaano Kadalas ang Minsan ang first time na makakatrabaho niya si Marvin Agustin.
Last February ay naka-graduate na si Sunshine sa kanyang kurso in culinary arts sa Academy for International Culinary Arts.
Ito naman ang ika-anim na drama show ni Marvin Agustin since lumipat siya mula ABS-CBN 2 to GMA-7. Una siyang lumabas sa light romance drama na I Luv NY at sinundan pa ito ng Asian Treasures, Mga Mata ni Anghelita, MariMar at ang malapit nang matapos na Babangon Ako't Dudurugin Kita.
Pang-pitong drama show naman na ito ng sexy actress na si Diana Zubiri. Una siyang nabigyan ng break sa Encantadia at nasundan pa ito ng Etheria, Now And Forever Presents Linlang, Asian Treasures, Zaido: Pulis Pangkalawakan at Babangon Ako't Dudurugin Kita. Mainstay naman si Diana sa longest running gag show na Bubble Gang.
Hindi pa kumpleto ang impormasyon na nakarating sa amin regarding sa TV remake ng Gaano Kadalas ang Minsan. Aalamin pa namin kung sino ang magiging direktor at ang iba pang makakasama sa cast. -- Philippine Entertainment Portal (PEP)
Gaano Kadalas ang Minsan will premiere mid-June. Also in the cast are Sandy Andolong, Maybeline dela Cruz, Biboy Ramirez and showbiz newcomer Victor Aliwalas. While waiting for the show to begin, talk about it at the iGMA forums! If you're not registered yet, register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso artist!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jul 13, 2008 10:34:59 GMT -5
Diana Zubiri to auction her bathing suits on FHM and PEP
Kabilang ang July 2008 cover girl na si Diana Zubiri sa magpa-participate sa online auction ng FHM magazine. Bago tumungo sa autograph signing si Diana sa Robinson's Galleria last July 9, naikuwento nito sa opisina ng Summit sa Pioneer na mga sexy bathing suits ang ipapa-auction niya sa FHM.
"Yun kasi ang naisip ko na magandang ipa-auction sa mga mahihilig sa ganyan," nakangiting sabi ni Diana sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Marami kasi akong bathing suits na hindi ko na masyadong nasusuot. So yung mga hindi ko na masyadong nagagamit, yun ang makikita nila sa online auction ng FHM.
"Magaganda ang mga bathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S. na pinapabili ko sa mga kaibigan ko. May bikini, one-piece at iba't ibang kulay. Kung gusto nila, pipirmahan ko pa ang mga ‘yon bago nila mabili."
Bukod sa online auction ng FHM ay nagpaunlak din si Diana para naman sa auction ng PEP sa mismong event ng FHM's Sexiest Women sa July 17 sa World Trade Center. Isa ring bikini ang ibinigay niya sa PEP. Maaaring mag-bid ang mga pupunta sa event sa personal items mula sa Top 5 Philippine's Finest na kinabibilangan nina Marian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin, Ehra Madrigal, at si Diana nga.
Biniro namin si Diana kung isasama ba niya ang iniiwan niyang bathing suit sa bahay ng co-star niya sa Gaano Kadalas ang Minsan na si Marvin Agustin.
"Oo naman!" sabay tawa niya. "Masyado nang kontrobersiyal ang bathing suit na ‘yon kaya isasama ko ‘yon sa auction. Dapat malaki ang pag-bid nila sa bathing suit na ‘yon kasi ilang beses nang naisulat iyon."
Pero paano kung si Marvin ang mag-bid nang mataas para sa bathing suit na ‘yon? Okey lang ba sa kanya?
"Why not? Kung feel ba niyang itago ang bathing suit ko, di ba?" tawa niya ulit. "Dapat mas malaki ang pag-bid niya. Huwag siyang magkuripot this time kung gusto niyang mapasakanya ang bathing suit na ‘yon."
Kakauwi lang ni Marvin mula sa U.S. dahil nag-show ito roon kasama si Katrina Halili to promote GMA Pinoy TV. Tinanong ng PEP si Diana kung may pasalubong ba si Marvin sa kanya. Sagot ni Diana ay meron daw pero wala pa raw sa kanya.
"Meron daw siyang ibibigay sa akin, pero hindi pa raw nakakarating kasi nasa balikbayan box pa," ngiti ni Diana. "Ewan ko kung totoo yung sinabi niyang ‘yon pero mukhang serious naman siya.
"In fairness, noong manggaling siya ng Rome, rosary na binendisyunan ng Pope ang pasalubong niya sa akin. Hindi lang naman ako ang binigyan niya kundi yung iba pang mga kaibigan namin. Feeling yata ni Marvin, religious ako kaya rosary ang ibinigay niya."
Sinabi rin ni Diana na happy siya na muling magsasama nina Marvin at Jolina Magdangal sa isang show sa GMA-7 titled Dear Friend. Ikinuwento nga raw ni Marvin ito sa kanya at aabangan daw ito ng sexy actress.
from pep
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 10, 2008 6:07:23 GMT -5
Diana admits competition in ‘One Night Only’
DIANA Zubiri graduates fully from bold roles but she’s not about to leave sexy altogether as she stars in the romantic-comedy flick “One Night Only,” Octo Arts Films’ official entry to the 2008 Metro Manila Film Festival. Diana stars in this film directed by Jose Javier Reyes alongside some of today’s hottest female stars Katrina Halili, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi and Jennylyn Mercado. Diana is happy to be part of the film. “Pare-pareho po kami ng reaction nung una naming nabasa ang script. Sobrang nakakatawa po talaga at ito ang makikita ninyo sa movie kapag napanood ninyo. The theme maybe naughty but the way the story unfolds is really hilarious. I promise you, this is one movie you’ll never be sorry to watch,” she assures. “One Night Only” is a comedy of errors involving the wacky shenanigans of several characters who end up in the same seedy motel called Lovers’ Hideaway on the same night. In the movie, Diana plays Vivian, a romantic at heart and friend of Jasmine (Katrina Halili). Vivian secretly longs to be like her friend.
Since she is starring with an all-girl main cast, Diana admits to certain levels of competition among them. “Siyempre, merong competition among us, it’s something na hindi mo naman maiiwasan especially kasi mga babae kami. But as far as relationships in the group is concerned, wala kaming problema sa isa’t isa. I’ve worked with them na naman in the past. Si Katrina, at Jen kasama ko sa GMA tapos sina Alex at Valerie naman nakasama ko na rin. Lahat naman kami naiintindihan namin ‘yung mga parts namin dito at enjoy naman kami sa mga roles namin kaya masayang pelikula ito.” Billing is not an issue to her, Diana adds. “Kahit sino naman ang mauna or nasa gitna walang problema sa akin kahit saan ako ipuwesto. Hindi naman importante ‘yun.” Diana is one of the original picks for this movie that had a controversial casting issue when some of its supposed stars (from ABS-CBN) begged off from the roles. "One Night Only" is an official entry to the 2008 Metro Manila Film Festival from Octo Arts Films directed by Jose Javier Reyes. This five-in-one romantic comedy also stars Ricky Davao, Paolo Contis,Jon Avila, Joross Gamboa, Ogie Diaz, Chokoleit, and Manilyn Reynes. It opens on Christmas Day.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 10, 2008 12:49:47 GMT -5
Graduate na si Diana Zubiri sa pagbo-bold pero seksi-seksihan pa rin siya sa romantic-comedy na One Night Only, na official entry ng Octo Arts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.
“Sobrang nakakatawa po ang script at ito ang makikita ninyo sa movie kapag napanood ninyo. The theme maybe naughty but the way the story unfolds is really hilarious. I promise you, this is one movie you’ll never be sorry to watch,” sabi ni Diana.
Nakipagpatalbugan si Diana ng akting at pagpapaseksi kina Katrina Halili, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado.
“Siyempre, merong competition among us, it’s something na hindi mo maiiwasan especially kasi mga babae kami. But as far as relationships in the group is concerned, wala kaming problema sa isa’t isa.
“I’ve worked with them in the past. Sina Katrina at Jen, kasama ko sa GMA. Sina Alex at Valerie, nakasama ko na rin.
“Lahat kami, naiintindihan namin ‘yung mga parts namin dito at enjoy kami sa mga roles namin kaya masayang pelikula ito.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 12, 2008 1:29:01 GMT -5
Inamin ni Diana Zubiri na siya ang lumabas sa mga litrato ng isang tabloid na may kahalikan na isang lalaki.
Nasa facebook daw niya iyun at hindi niya pwedeng itanggi dahil boyfriend niya ang kahalikan sa mga litrato.
Nakunan iyun sa isang party. Wala siyang pwedeng i-react du’n dahil ginawa niya at lumabas nga. Ginawang katatawanan na lang nila iyun ng boyfriend at hindi na isyu iyun.
“Wala naman akong magagawa, eh. Ginawa ko iyun, lumabas siya, bakit ko naman ide-deny eh kami naman talaga iyun,” pahayag ni Diana sa presscon ng One Night Only kahapon.
Pinuri si Diana ng movie press dahil wala siyang kyemeng sinagot ang isyung iyun.
“Legal naman ‘yung sa amin, eh. Siguro, tama lang na lumabas na rin dahil wala namang problema sa amin, eh. Pareho kaming tanggap ng pamilya namin kaya walang problema,” patuloy ni Diana.
Mahigit isang taon na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na non-showbiz.
“Businessman siya, mukhang tsinito pero hindi siya Intsik,” tsika pa niya sa amin.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 12, 2008 1:29:55 GMT -5
Isa sa mga bidang babae ng romantic-comedy na One Night Only si Diana Zubiri at kung akala ng iba’y graduate na ang aktres sa pagpapa-sexy, mali sila. Kasama niya ang iba pang sexy stars na may magagandang mukha sa panahong ito — Katrina Halili, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado - kaya hindi puwedeng magpatalbog ang pigura ni Diana. Ang twist pa, hahaluan nila ng comedy ang pelikulang idinirek ni Jose Javier Reyes. “Pare-pareho po kami ng reaction noong una naming nabasa ang script. Sobrang nakakatawa po talaga at ito ang makikita ninyo sa movie kapag napanood ninyo,” masayang kwento ni Diana na nagsabi pa na medyo naughty nga ang titulo ng pelikula pero maraming katatawanan ang istorya. Si Vivian ang romantikong karakter na gagampanan ni Diana, isang trying hard maging kagaya ng kaibigan niyang si Jasmine na role ni Katrina. At in fairness walang sapawan factor dahil nakipagsabayan siya kay Katrina. “Doon tatakbo ang istorya namin at kung paano nagkadugtung-dugtong ang mga choices namin dito,” sabi ni Diana. Alam ni Diana na mahirap ang all-girl main cast. Aminado siyang: “Siyempre merong competition among us, it’s something na hindi mo maiiwasan especially kasi mga babae kami. But as far as relationships in the group are concerned, wala kaming problema sa isa’t isa. I’ve worked with them na in the past.” Ang One Night Only ay official entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival na magbubukas sa Pasko. Ang iba pang nasa cast ay sina Ricky Davao, Paolo Contis, Jon Avila, Joross Gamboa, Ogie Diaz, Chokoleit at Manilyn Reynes.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 12, 2008 1:31:42 GMT -5
Tuwang-tuwa si Diana Zubiri na nakasama sa One Night Only, entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival at sa nasabing pelikula, nakipag-sabayan siyang magpaseksi kina Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi. “Pare-pareho kami ng reaction nang unang mabasa ang script dahil sobrang nakakatawa at ‘yun ang makikita ninyo sa movie. May pagka-naughty ang theme, pero nakakatawa kung paano tumakbo ang istorya. Hindi kayo magsisisi ‘pag pinanood n’yo ito,” assurance ni Diana. Ginagampanan ni Diana ang role ni Vivian, kaibigan ni Jasmine (Katrina) na gustong maging katulad ng kaibigan. Inamin ni Diana na nagkaroon sila ng competition na hindi naiwasan dahil pareho silang mga babae. “Hindi mo maiwasan ‘yun, pero pagdating sa trabaho at relasyon namin, walang problema. Kasama ko sa GMA sina Katrina at Jennylyn at nakasama ko na rin sina Valerie at Alex, naintindihan namin ang roles namin, enjoy kami at masayang pelikula ito.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 4:59:20 GMT -5
Diana inamin ang nakaraan nila ni Wendell Nagustuhan ng press ang kaprangkahan ni Diana Zubiri sa pagsagot sa kanilang mga tanong sa presscon ng One Night Only, kaya kahit siya ang pinakahuling dumating sa cast dahil galing sa isang commitment, sa kanya mas natuwa ang mga reporter. Pa-cute ang mga sagot ng buong cast (male at female) sa tanong kung sino ang pantasya nilang maka-one-night stand? May sumagot ng Tina Paner at may sumagot ng Empoy at ang iba’y walang maisip. Mabuti pa si Ogie Diaz at si Leonardo DiCaprio ang isinagot. Si Diana, diretso ang sagot na si Wendell Ramos, dahil hindi nagtagal ang relasyon nila at kahit sa pantasya man lang ay matuloy. Itsinika nitong hindi nagtagal ang kanilang relasyon at kasalanan ’yon ng actor. Tanggap niyang may anak ito at inaming nahalikan siya nito. Inamin din ni Diana na boyfriend niya ang kahalikang lalaki sa series of photos na inilabas ng isang tabloid. Hindi siya nagalit dahil galing sa account niya ang mga litrato at naintindihan niyang trabaho ’yon ng press. Mas concerned siyang mataba siya sa mga litrato. Sabi ni Diana: “One year na kami ng BF ko at ipinakilala na niya ako sa parents niya, noong una pa lang. Businessman siya, he’ll be 34 years old at 23 naman ako. Mas gusto kong mature ang lalaki sa akin. Very understanding siya, mabait at ’di nakikialam sa trabaho ko.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 5:00:02 GMT -5
Seen : Nagpa-tweetums sina Alessandra De Rossi, Jennylyn Mercado at Katrina Halili sa presscon ng One Night Only. Nainis ang mga reporter dahil nagpa-cute sa pagsagot ang tatlo sa mga tanong sa kanila. Pinuri nila si Diana Zubiri dahil ito lang ang nagpakatotoo sa pagsagot.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 5:00:35 GMT -5
Speaking of One Night Only, alam n’yo bang laugh daw nang laugh ang isang member ng filmfest committee nang mapanood nito ang buong pelikula na isinulat at dinirek ni Joey Reyes? Ang sabi pa: “Sa lahat ng pelikulang napanood ko, itong One Night Only ang nakakatawa!” Alam n’yo kung sino ang nagsabi nito? Hehehe. Ayaw niyang ipabanggit ang name niya, eh. Kainis.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 5:01:11 GMT -5
DIANA REVEALS AFFAIR WITH WENDELL
DIANA Zubiri is honest enough to admit there was some rivalry between her and her sexy co-stars in "One Night Only": Katrina Halili, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion, and Jennylyn Mercado. "Puro kami babae kaya, siyempre, hindi maiiwasan 'yung magkaroon ng competition among us, although we don't acknowledge it openly kundi parang secret lang, sa sarili lang namin," she says. "Pero hindi naman naging dahilan 'yun para magkaroon kami ng problema with each other while shooting the movie. Wala kaming naging problema sa isa’t isa and shooting went on smoothly. I’ve worked with them in the past. Sina Katrina at Jen, kasama ko sa GMA. Sina Alex at Valerie, nakasama ko na rin sa ibang shows. Lahat kami, naiintindihan namin ‘yung mga parts namin dito at enjoy kami sa mga roles namin kaya naging masaya ang shooting at makikita sa pelikula na we all had a good time doing it." After her convincing performance in two consecutive GMA drama series, "Babangon Ako't Dudurugin Kita" and "Gaano Kadalas ang Minsan", Diana is glad to do a sophisticated sex comedy for Director Joey Reyes in OctoArts' filmfest entry, "One Night Only". “Pare-pareho po kami ng reaction ng co-stars ko when we first read the script. Sobrang nakakatawa po talaga ito. The theme maybe naughty but the way the story unfolds is really hilarious."
At its last presscon, we asked the whole cast who is the object of their fantasy they'd wanted to spend "One Night Only". Some of them either didn't understand the question or they're just dumb they don't know what to answer. Here are their answers. Empoy - Si Tina Paner. Bata pa ako, nakita kong humaba ang leeg niya sa "Tamis ng Unang Halik". Jayson Gainza - Si Juday. Heart shaped kasi ang lips niya. Alessandra de Rossi - Jules Ledesma. Jon Santos - Si Empoy. Joross Gamboa - Gina Pareño noong kabataan niya. Jennylyn Mercado - Tapos na. Wala na. May baby na nga. Katrina Halili - Wala. Valerie Concepcion - Si Jon Avila, sa movie. In real life, wala. Ogie Diaz - Sa babae, si Ann Kimper ng That's Entertainment Tuesday edition. Sa lalaki, si Leonardo DiCaprio. Ricky Davao - Si Katrina Halili, if I were the same age and not just for one night. Ang lakas ng dating niya. Joey Reyes - Akihiro Sato. Diana Zubiri came late and someone asked her the same question. She gave the most candid answer: Wendell Ramos. Muntik na kami noon, pero hindi natuloy. Niligaw-ligawan niya ako pero naisip naming mas mabuting huwag ituloy kaysa ituloy.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 5:24:15 GMT -5
Diana Zubiri nag-reveal sa One Night Only presscon ang dumalo ang members of the media sa star-studded press conference ng upcoming film One Night Only, they not only discovered more about the movie, but also about one of the its main stars. Text by Erick Mataverde. Photos by Connie Tungul. Karamihan ng cast ay present during the event, held yesterday afternoon at Cravings, Tomas Morato, including the top-billed female leads na sila Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, Alessandra de Rossi at Valerie Concepcion. However, the press got a field day from Diana, who answered their questions straight-up and with candor. starsAng press ay natuwa nang siya ay tanungin ng parehong tanong na pakiramdam nilang in-evade ng ibang cast members. Below are the highlights of the Q & A with Diana Zubiri during said presscon: Press: Kung may pinapantasya ka for one night only, sino yun? Diana: One night? Siguro ano. Si Wendell (Ramos). Since hindi naman…natuloy, so pagpapantasyahan ko nalang sa isip ko na natuloy. Press: Meroon bang something before? Diana: Oo, pero sandali lang, hindi natuloy talaga, kasi mas, alam mo yun, mas mahihirapan kaming ituloy, kung tinuloy. Dahil magkatrabaho kami. Parang pang-long term yung iniisip. Ligaw-ligaw lang siya sa umpisa, tapos, hanggang sa hindi kami natuloy, tapos yun, napagusapan namin kung ano. Press: Sino yung kahalikan mo sa cover ng PepParazzi? Diana: Boyfriend ko po. Press: Kamukha ba ni Wendell yun? Diana: Medyo po, maputi. Press: Gaano ka-seryoso ang relasyon? Diana: Matagal na po kami, isang taon na and siguro naman po lahat tayo ganoon bagay, nagkataon lang na nahuli ng PepParazzi. Press: Hindi [mo] naman ide-demanda [ang PepParazzi]? Diana: Hindi naman po, kasi naiintindihan ko naman na trabaho nila 'yun. And 'yun nga sabi ko nga nagkataon ako yung nahuli nila. Ang yung nakita naman pong nahuli, galling din po yun sa [private] account ko and nilabas lang nila. So wala naman pong problema sa akin dahil, unang-una siya naman yung boyfriend ko, mag-rereact siguro ako ng masama kung hindi siya yung ka-relasyon ko. Other One Night Only cast members include Paolo Contis, Ricky Davao, Jon Avila, Joross Gamboa and Ogie Diaz. The premiere night will be on December 22 and the regular run will start December 25 as an official entry to the Metro Manila Film Festival.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 13, 2008 11:09:43 GMT -5
WENDELL, PANTASYA NI DIANA UMANI ng papuri si Diana Zubiri mula sa movie press nu’ng presscon ng One Night Only dahil sa buong cast ay siya ang may pinakamatinong sagot. Panay pa-cute kasi ang sagot ng ibang ONO stars sa tanong kung sino ang pinapantasya nilang maka-one night only. Late dumating sa presscon si Diana, pero napabilib niya ang press sa kanyang honest na sagot. Sey ng sexy actress, si Wendell Ramos ang pantasya niya dahil muntik na silang magkaroon ng relasyon nito dati kaya lang ay hindi ‘yon natuloy. Paliwanag ni Diana nang makatsika namin siya after ng open forum, masasabing parang nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Wendell noon sa Bubble Gang, mahigit 3 years ago na ang nakalilipas. Mga ilang buwan lang daw tumagal ang kanilang unawaan at may rason kung bakit naudlot ito at hindi natuloy sa isang totohanang relasyon. In fairness ay mas okey raw sila ngayon na friends lang sila. Extra sweet sila at mas malambing sa isa’t isa dahil hindi na sila nahihiya gaya noon. Wala ring kyemeng inamin ni Diana na boyfriend niya ang non-showbiz guy na nakunang kahalikan niya at inilabas ng isang tabloid. Never daw siyang nag-deny, hindi lang niya ikinukuwento ang tungkol dito. Isang taon na ang relasyon nila ng nobyo niyang businessman. Hindi sila nagalit sa inilabas na kissing picture (na kuha sa isang private party), natawa lang silang magsyota at ang mas ipinag-alala nila ay hindi raw guwapo ang boyfriend niya sa nasabing picture. May bigote kasi ang nobyo niya at hindi nakapag-shave, samantalang siya ay mukha raw mataba sa picture at malaki ang kanyang braso. Tanggap ng BF ni Diana ang mga ganu’ng sitwasyon lalo pa’t nasa showbiz siya. Sey ni Diana, ang nagustuhan niya sa nobyo niya ay mabait, hindi nakikialam sa mga desisyon niya lalo na sa trabaho, proud ito ‘pag pinapakilala siya bilang girlfriend at extra sweet. Naipakilala na siya sa pamilya nito at siya rin ay naipakilala na ang nobyo sa pamilya niya. Walang kaso kay Diana ang 10-year age gap nila (23 y/o siya at 33 y/o ang kanyang nobyo). Mas okey daw ‘yon dahil ganundin ang iba niyang mga nakarelasyon noon, mas matanda sa kanya kaya mas mature. Handa nang magpakasal ang nobyo niya, siya na lang ang hinihintay. Kuwento ni Diana, napag-usapan na nila ang dream wedding niya na gusto niya ay sa Vigan maganap. First time niyang nagpunta ng Vigan nu’ng Holy Week at nainlab siya sa lugar. In two years time ay baka pwede na raw silang magpakasal. Ani Diana, nakikita niya sa kanyang current boyfriend ang isang lalakeng puwede niyang pakasalan.
|
|