|
Post by lady_deathstrike21 on May 16, 2006 11:52:07 GMT -5
...post articles/interviews about Diana in here...just remember to include the date and source...
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2006 3:28:40 GMT -5
from Alfred Vargas Central..
magkakaron daw ng news/ magazine show c ash'te Diana at Aldo Alfred..
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 14, 2006 8:41:55 GMT -5
Alfred Vargas, nanliligaw uli kay Diana? Article posted June 13, 2006 from igma
Matapos ma-link ang aktor na si Alfred Vargas sa StarStruck final 4 na si LJ Reyes, lumabas naman ang balitang balik na naman ang binata sa panliligaw lay sexy actress Diana Zubiri.
“Diana and I have been good friends ever since at isa siya (Diana) talaga sa mga pinaka- close friend ko,” pagdepensa ng aktor.
Naging usap-usapan din ang sweetness ng dalawa nang makita sila sa loob ng sasakyan habang nasa shooting ng pelikulang “I Wanna Be Happy.”
“Malambing naman talaga kaming dalawa at hindi totoo ‘yung sa kotse and after nu’ng shooting at habang hinihintay ang shooting, nagba-bonding lang talaga kami,” dagdag pa ni Alfred.
Sa kabila nito, aminado ang binata na talagang mahalaga si Diana sa buhay niya. “Hindi pa rin nagtsi-change ‘yung fact na isa siya sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko kasi sobrang bina-value ko ‘yung relationship namin na naalagaan namin throughout the years.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 14, 2006 9:16:34 GMT -5
Sa unang plano ng GMA management ay si Diana Zubiri ang makakasama ni Dingdong Dantes sa bago nitong telefantasyang Atlantis, pero may nag-oppose dahil hindi na raw need ni Diana na mag-support dahil gagawin na siyang bida sa isa ring upcoming series entitled Igorota.
As of now ay wala pa kaming gaanong detalyeng nakukuha kung sinu-sino ang makakasama ni Diana sa Igorota at para sa amin ay bagay naman sa kanya ang nasabing role dahil base sa magandang performance na ipinakita niya sa Encantadia at Etheria ay tama lang na bigyan siya ng solong programa.
And speaking of solo telefantasya ay marami rin ang nagtataka kung bakit si Sheryl Cruz daw ang napiling gumanap na Bakekang instead of Sunshine Dizon na unang nabalita.
Mas bagay daw kay Sunshine ang role na Bakekang kumpara kay Sheryl, pero ang paliwanag sa amin ay mas kumakanta raw kasi si Sheryl kumpara kay Sunshine at makakasama rin si Yasmien Kurdi bilang isa sa anak ni Sheryl.
Base lahat ito sa napag-usapan ng mga bossing sa meeting at posibleng may mabago pa.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 22, 2006 9:23:11 GMT -5
from igma
Diana Zubiri, hit sa Indonesia! Article posted June 22, 2006
Very happy ang sexy actress na si Diana Zubiri matapos maging successful ang show ng aktres sa Indonesia kamakailan.
“Hanggang sa lumabas ako sa finale hinintay nila ako. Ang daming tao na lumapit at kinunan ako ng videos at pictures,” nakangiting kuwento ni Diana.
Bukod pa rito, gustong-gusto ng mga Indonesian ang kanyang mga kanta. “Nagpromote po ako ng videoke collection ko which is very sikat sa kanila,” dagdag pa ng aktres.
Plano rin ng aktres na bumalik sa Indonesia para pag-usapan naman ang ilang alok na projects sa kanya.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jul 24, 2006 4:09:32 GMT -5
Now and Forever Season 6 Article posted July 24, 2006
Backed up with a powerhouse cast and another riveting plot, Now and Forever airs its sixth season titled “Linlang” on Monday, July 24. Leading the talented roster of actors in this season is no other than award-winning actress Ms. Lorna Tolentino who will be accompanied by Diana Zubiri, Alessandra De Rossi, Chynna Ortaleza, Polo Ravales, Dion Ignacio, Rudy Fernandez, and Ms. Chanda Romero, all under the direction of Mac Alejandre.
Read on the three women at the center of the story talk about their brand new roles.
Miss Lorna Tolentino (LT) plays Lorena, the main character of the new season. “I own a resort, the Villa Lorena resort, and then mayroong pumapatay sa akin, slowly, that it affects my heart.”
What audiences should watch out for is the twist in the story where LT and Diana Zubiri’s characters will have a parallelism through a car accident. “Hindi kami magswi-switch, mapupunta lang yung soul ko sa kaniya, for the meantime. So parang later on, madidiscover ko lahat ng nagpoplot sa akin na masama, yung mga kontrabida, dun na lalabas lahat,” LT narrates.
Co-star Chynna Ortaleza who plays her daughter in the show explains why the title of Season 6 is Linlang. “Because the story goes around that emotion, na there are people who are betraying Lorena, and she doesn’t know about it. So she will see, eventually, ‘cos she will be reincarnated in Diana Zubiri’s character. Kasi ako yung magpapapasok kay Diana Zubiri sa Resort, bilang chamber maid. Eventually, she will learn about (it), oh my God, they’re really betraying me, because it’s not Diana anymore, it’s my mom in her. So let’s see what’s going to happen.”
According to LT, it’s her first time to have an afternoon show. “Sayang nga lang, it’s like a guest role, kapag pinanood nila, more or less, yung talagang straight, mga two weeks lang ako,” she says. “Well, I’m inviting everyone sana to watch it, at tumaas nang husto, para sa susunod, kami na talaga yung kasama all throughout, matagal na!
Diana makes a major switch from the feisty warrior princess in Etheria to a lowly chambermaid housing LT’s soul.
“Mabait ako as Divina dito. Nakasaksi ako ng isang krimen na nagtulak sa akin na umalis kung saan ako nakatira. Habang papunta ako ng Maynila, doon ako nadisgrasya. Nadisgrasya kami ni Lorena. Doon nag-start yung switching ng character ni Divina at Lorena. So noong nadisgrasya kami, nagkaroon ng switching ng character. Parang doon nag-start yung transformation.”
Diana says that during the second week of taping, they were already doing complicated scenes such as car crashes. “First time ko ngang naranasan yung ganoon, di ba? Daya lang, siyempre, hindi naman pwedeng totally ibangga mo yun, kawawa ka naman! Parang ano lang, kapag tinetape yun, may mga eksenang dinadaya kung papano babanggain. Tinutulak, nilalagyan kunwari ng usok, tapos dugo-dugo sa mukha, konting acting na gumaganun ka, nabangga ka na, yun na yun!” she shares.
For Diana, portraying two characters is a challenge, but she’s ready to show off her acting prowess. “I think ito yung pinakamagandang kwento, kasi mas kakaiba e, iba yung story niya, parang nakakatakot man iportray sa akin yung dalawang character, I’ll try, kasi nakakachallenge din, at saka dito mo mapapatunayan kung hanggang saan kakayanin! So sana, suportahan nila at abangan!”
Be swept up in a brand new afternoon drama with Miss Lorna Tolentino, Diana Zubiri, Chynna Ortaleza and other A-list stars. Watch Now and Forever's Linlang starting today.
|
|
FieryPrincess
New Member
You show me how to see that nothing is whole and nothing is broken...
Posts: 39
|
Post by FieryPrincess on Jul 29, 2006 23:40:00 GMT -5
Tagal na nito eh, pero post ko na rin. ;D
DIANA Z REINVENTED July 5, 2006 from inq7.net
TURNING wholesome takes a lot of getting used to, according to Seiko sexy star Diana Zubiri.
The transformation of Diana, Rosemarie Joy Garcia in real life, started with the GMA 7 fantaserye “Encantadia” and continues in her new projects, Jose Javier Reyes’ Seiko drama-comedy “I Wanna Be Happy” and two afternoon Kapuso shows, the teleserye “Now and Forever: Linlang” and the reality-inspired program “Ang Pagbabago.”
For the first time, the star of such R-rated films as “Itlog,” “Bakat” and “Liberated” is not shedding her clothes.
“I was glad that I didn’t have to buy anything that showed my cleavage,” she told Inquirer Entertainment, referring to her wardrobe in “I Wanna Be Happy.”
And she didn’t have to go on a diet. “I could take it easy and eat whatever I wanted. In fact, I always brought snacks to the set.”
But is local show biz ready for a straitlaced Diana?
The actress recalled how she had turned crimson after seeing the ultra sultry coffee-table book of Alfred Vargas—her “I Wanna Be Happy” co-star, “Pagbabago” co-host and rumored on-off boyfriend.
“I was shocked, especially by those photos that were too revealing,” she said. “Actually, he sought my opinion. I told him they were artistic naman.”
Sizzling pictorials
Diana is no stranger to sizzling pictorials, of course.
She first drew controversy after stopping traffic on the Edsa-Shaw Boulevard flyover by posing in a two-piece swimsuit for a glossy men’s magazine. She has come a long way since, and has been featured in the Indonesian, Singaporean, Thai and US editions of the same mag.
According to manager Jojo Gabinete, Diana has become a frequent visitor to Indonesia, where she graces shows for cellphone giant Nokia. Her first Indonesia visit coincided with the promo campaign for her erotic videoke CD “DeZire,” under Sony-BMG.
“I heard it’s been sold-out there,” Diana said.
Her international pictorials are much tamer, she pointed out. “For instance, in Indonesia—a conservative [and predominantly Muslim] country—my pictures are retouched.”
Asked about the supposed “love triangle” linking her, Alfred and teen star LJ Reyes, she said: “It’s not like I can tell Alfred what to do. We make our own decisions.”
Third sexiest
Doesn’t it bother her that he is allegedly pursuing a much younger girl?
“I’m also young,” she quipped.
Her manager pointed out that Diana was No. 3 in a men’s magazine poll on the 100 sexiest Pinays, and that her supposed rival is nowhere near the Top 10.
That made Diana chuckle. But she said, “I don’t want to be compared to her.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Sept 24, 2006 7:13:47 GMT -5
Na-miss namin si Diana Zubiri sa launching ng Atlantika dahil apat ang female stars sa naturang telefantasya — Iza Calzado, Katrina Halili, Valerie Concepcion at Isabel. Kaya raw hindi isinama si Diana ay dahil baka akalain ng viewers na karugtong lang ang Atlantika ng Encantadia. Anyway, hindi naman sumama ang loob ni Diana dahil kaliwa‘t-kanan din ang show at guestings niya sa GMA-7. Ngayong Friday, siya ang napasabak sa kakengkoyan nina Bella Flores, Gloria Sevilla, Baby O’ Brien at Celia Rodriguez sa Ganda ng Lola Ko ng QTV 11, 8:30 p.m. How true na nabighani raw sa kaseksihan ni Diana si Marco Alcaraz habang nagti-taping sa Broadway
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Oct 16, 2006 10:21:07 GMT -5
hintayin nyo lang.. magkakaron ng bagong show c ash'te D... hahaha! bawala pa daw sabihin eh! sayang nga eh! pero feeling ko maganda!!!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Oct 28, 2006 3:44:34 GMT -5
INAMIN sa amin ni Diana Zubiri sa set ng Bubble Gang na ilang pounds ang nabawas sa kanya mula nang mag-training siya ng muay thai para sa soap opera nilang action-adventure nina Robin Padilla at Angel Locsin, ang Asian Treasure. Kukunan ito sa buong Pilipinas at sa iba pang Asian countries. “Straight na three hours ang ginagawang training sa amin ni Angel. Tumatagaktak talaga ang pawis ko. Feeling ko, eh, gumaan ang katawan ko kaya nasabi kong nabawasan ako ng timbang.” Ngayong gabi sa Bubble Gang, tampok ang gags na pang-All Saints’ Day.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Oct 31, 2006 6:17:39 GMT -5
IKINONSIDER din si Marvin Agustin na mapasama sa cast ng bagong action-adventure soap ng GMA-7 na may titulong Asian Treasures. Ito ang bagong development na ini-reveal sa amin ng TV executive na nakausap namin recently. Bukod kina Angel Locsin, Diana Zubiri at Robin Padilla, si Marvin ang kahuli-hulihang napasama sa cast. Pero, meron ding importanteng role dito si Mar-ky Cielo na napansin ang galing sa action nang lumabas siya sa Etheria at Encantadia. Sa first week ng Novem-ber ang simula ng taping ng Asian Treasure.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Nov 4, 2006 8:53:31 GMT -5
Gusto naming ituwid ang maling akala ni Alfred Vargas na pinagbigyan ang kanyang request na makapareha si Diana Zubiri sa episode ng Magpakailanman na ipinalabas last Thursday. For the record, tinanggap namin ang guesting ni Diana sa Magpakailanman dahil matagal na siyang iniimbitahan na mag-guest pero hindi natutuloy. Mali ang paniniwala ni Alfred na pinagbigyan ang kanyang request. Hindi rin maganda sa pandinig ang sinabi niya kay Diana na hindi available para mag-taping sa Magpakailanman ang kanyang girlfriend na si LJ Reyes kaya si Diana ang hiniling niya na maging replacement. How ungentleman!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Nov 4, 2006 8:54:12 GMT -5
Nagtataka si Katrina Halili sa lumabas na isyung hiwalay na raw sila ni Bullet Jalosjos. Sa presscon ng Gigil ay sinabi ni Katrina na wala na silang komunikasyon ni Bullet at hindi na rin sila nagkikita pero hindi raw ibig sabihin nun ay break na sila dahil never daw silang naging mag-on. Naging close lang daw si Bullet sa kanya pero hanggang du’n lang at hindi na na-develop sa mas magandang relasyon. Ang sumunod na isyu, ang nililigawan naman daw ngayon ni Bullet ay si Diana Zubiri. Sinadya namin si Diana sa story conference ng Asian Treasures para tanungin tungkol diyan at nagulat siya dahil hindi raw niya kilala si Bullet. Never daw silang nagkita o nagkakilala man lang. Kung may balak si Bullet na ligawan siya, may pag-asa naman kaya? "Hindi na puwede, ‘no!" sagot na lang sa amin ni Diana. Nakarating na kay Katrina ang isyung si Diana na ang nililigawan daw ni Bullet. "Good luck na lang, ‘yun lang ang masasabi ko," pahayag ni Katrina.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Nov 4, 2006 9:08:41 GMT -5
KUNG naudlot ang paninikluhod ni Alfred Vargas kay Diana Zuburi nu’ng ginagawa nila ang Ang Pagbabago ng GMA-7, hindi naman nasira ang kanilang friendship, na nagsimula nu’ng magsama sila sa ilang Seiko movies ni Robbie Tan. Sweet sina Diana at Alfred nu’ng datnan namin sa set ng Magpakailanman, kung saan sila ang bida sa post-Halloween presentation nito na pinamagatang Horror Horror. Palagay na palagay sila sa isa’t isa, marahil dala ng matagal-tagal na ring pagkakaibigan. Andiyang nagbibiruan at naghuhuntahan sila habang walang take. Ang gagampanang role ni Diana sa drama anthology hosted by Mel Tiangco ay girlfriend ni Agpawa (Alfred), isang lalaking bigla na lang naglaho. Punung-puno ng kababalaghan ang nasabing MKM episode dahil nakakikita ng multo at laman-lupa si Agpawa
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 8, 2006 4:31:32 GMT -5
Diana Zubiri:
From four years of doing comedy, Diana learned that one can be funny without trying too hard. “Hindi naman dapat nagpapatawa lagi. Palaging nakasmile, oo, nagpapatawa ka ng tao. Pero hindi dahil nakakatawa yung mukha mo, hindi lang pala yun, akala ko dati, dahil nakakatawa yung face, na nagpopoker face ka, ganoon di ba? Minsan pala pag nagcocomedy ka, minsan kailangan din haluan ng drama. Natutunan ko yan noong pumasok ako dito sa Bubble Gang,” she says.
When asked about what audiences look forward to in Bubble Gang, Diana says, “I think yung tandem ni Michael V. at Ogie. Yun ang sa tingin ko talaga na hinihintay ng tao at inaabang-abangan nila dito. Silang dalawa yung nagstart nito, so siguro, kaya matagal na yung Bubble Gang, it’s because of them.”
“Kapag ginagaya nila yung iba’t-ibang telefantasya, koreanovela, yun yung gustong gusto ko, kasi gayang gaya nila,” says Diana, who played Danaya in the Encantadia and Etheria TV series.
Diana spills the beans about her equally sexy co-stars in the Gang: “Ito yung show na puro mga sexy yung naandito, pero lahat ng naandito, malalakas kumain! Ang daming pagkain dito sobra! Tiisan nga kung hindi ka kakain e!” she shares with a laugh.
|
|