|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 28, 2007 10:45:15 GMT -5
Bukas ang pilot telecast ng Showbiz Central at ang sexy pictorial nina Diana Zubiri, Polo Ravales at Francine Prieto ang isa sa opening salvo ng show.
Mapapanood din sa Showbiz Central ang trailer ng Silip, ang sexy movie na pinagbibidahan ng tatlo at mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 1, 2007 6:12:53 GMT -5
TUTUTUKAN nang husto ni Robin Padilla si Diana Zubirisa pagtuturo ng Muay Thai. Bale nag-train na si Diana sa ibang master ng Muay Thai, pero bago umalis ang grupo papuntang China sa May 16 ay dadaan sa masusing training si Diana under Robin.
Balita sa amin ng source, gusto ni Robin na magpakita ng galing sa martial arts na ito si Diana na katulad ng ipinapakitang balasik ni Angel Locsin. Magkakaroon kasi ng tunggalian sina Angel at Diana sa kanilang taping sa China.
Nakatakdang umalis sa May 21 ang buong grupo ng Asian Treasures sa pamumuno ng production manager ng GMA-7 na si Redgie Magno. Tatagal ng two weeks ang taping sa China ng AT. Pupuntahan nila ang Macao at Beijing.
Saka, habang tumatagal ang saop, lalong nagiging seksi at maganda si Diana. Bagay sa kanya ngayon ang katawan niya dahil slim na siya.
Makakatapat na talaga ni Angel si Diana sa pagalingan sa martial arts, at sa paseksihan.
Samantala, gagamitin ni Angel (Gabriela) ang anting-anting niya para mapagaling si Elias (Robin Padilla). Si Hector ( Marvin Agustin) naman ay magpupusige para malaman kung sino ang pumatay sa kanyang ama.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 2, 2007 3:57:52 GMT -5
Diana hahasain ni RobinBAGO umalis ang buong team ng Asian Treasures papuntang Macao at Beijing, China, personal na iti-train ni Robin Padilla si Diana Zubiri ng Muay Thai. Balita ng isang source, gusto ni Robin na mahasa si Diana sa Muay Thai gaya ni Angel Locsin. Magkakaroon kasi ng tunggalian ang dalawa sa episode na ite-tape sa China. Nakatakdang umalis ang buong grupo ng AT sa pamumuno ng program manager na si Redgie Magno sa May 21. Two weeks din silang magtatrabaho doon.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 2, 2007 4:23:09 GMT -5
LAUGHING BREAK WITH ‘BG’
TAKE another laughing break with spoofs in “Bubble Gang” (in many versions) on Friday night in GMA7. Other portions to watch out for are Super Twins, Pa Cute Segment and belly dancing that will put viewers spellbound.
One thing sure, viewers will enjoy their evening with the many idiosyncrasies of the hosts of Bubble Gang. Surely, there is definitely no repetition of gags every Friday night that it gives the viewers a different high.
“Bubble Gang” is composed of Michael V, Ogie Alcasid, Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Maureen Larrazabal, Boy2 Quizon, Antonio Aquitania,among others.
Watch as Rufa Mae imitates Mel Tiangco, and Michael V for Mike Enriquez in the toprating 24 Oras.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 2, 2007 4:24:22 GMT -5
Moving Up: Ingrid
Asian Treasures has given us one of the most intriguing and most fully-realized cast of characters since it began airing. When two of its supporting characters were catapulted into primary character status, it only meant one thing - more fun for the cast and audiences alike. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
The scene may be familiar to avid viewers of Asian Treasures: Gabriela, played by Angel Locsin, is traipsing through trees as she searches for an anting-anting. What’s different in the scene though is that instead of Elias (Robin Padilla), Mateo (Marky Cielo) or Pogi (Iking Magundayao), Gabriela is accompanied by Hector (Marvin Agustin), Cedric (Gio Alvarez) and Ingrid (Diana Zubiri).
Hector has been a major character from the beginning, and now it’s time for the others to shine.
First we interviewed Boy 2 Quizon about his character Castor's larger role in the series. In the second of this two-part series, read about how Diana Zubiri's Ingrid is moving up in the world to spotlight status.
Ingrid, from Mysterious to Misunderstood
Ingrid started appearing in Asian Treasures as a mysterious woman who doesn’t even have a name. But from her first appearance, Ingrid has now become a main part of the show, actively searching for the anting-antings with or without anyone’s help.
For Diana Zubiri, her latest venture in the primetime block is a big opportunity. “Alam mo naman, first time kong maka-work lahat sila Kuya Binoe, si Marvin, (at) ang ganda nung show. First time din para sakin na makapunta sa ibang bansa na nagte-taping.” Diana continues with a laugh, “Kasi ‘yun ‘yung pinaka-type ko sa Asian Treasures.”
Diana reveals that she was supposed to train for Muay Thai, but was pulled out on the second day when the people behind the show decided that it wasn’t in her character. She also shares that she actually conquered her fear of the water and learned how to dive for the series, “pero until now hindi pa rin namin sya nakukunan.” Asked if it’s something to look forward to, she smiles mysteriously and says, “Abangan nila.”
Her last big primetime project was playing Danaya in the series, Encantadia. Diana says that her character there and Ingrid is different from each other, “Si Danaya, kaya siya nakikipagaway (it’s) for good, for her sisters and family. Si Ingrid, hindi pa kasi masyadong nilalabas kung ano talaga yung personal intention nya sa treasure. Pero sa ngayon, ang pinapakita ko is I’m bad.”
But she also thinks that the two are more similar than most people think, “(Pareho silang) mataray, palaban, (at) masungit.”
As Asian Treasures continue to weave its intricate web of mysteries and subplots, viewers also continue to wait for what’s coming next in the series.
“Abangan (nila) ‘yung transformation ng character namin. Magugulat sila!” When pressed for more information, Diana laughs, “Hindi ko sasabihin yun!”
Catch the all new adventures of Gabriela and her new companions every weeknights on Asian Treasures, right after 24 Oras. And talk about the show, Diana and Gio at the iGMA.tv forums!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 8, 2007 8:59:15 GMT -5
SINA Diana Zubiri at Valerie Concepcion ang mga special guest sa coronation night ng Lakambini ng Udyong na ginanap noong Linggo sa Orion, Bataan.
Ang incumbent mayor na si Tony Pep Santos ang nag-imbita kina Diana at Valerie.
Bago sila nagpunta sa coronation night, sumama sina Valerie at Diana sa motorcade ni Mayor Charlie Pizarro, ang re-electionist mayor ng Pilar Bataan.
Brother-in law ni Shirley Pizarro (assistant entertainment editor ng Manila Bulletin) si Charlie.
Kasama rin sa motorcade ang mga konsehal ng Pilar, pati na ang incumbent governor na si Tet Garcia.
Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao kina Diana at Valerie.
Isinisigaw nila ang Ingrid at Danaya (mga pangalan ng karakter ni Diana sa Asian Treasures at Encantadia, respectively) sa tuwing dumadaan ang motorcade ni Diana.
Nora naman ang tawag nila kay Valerie dahil ‘yon ang pangalan ng aktres sa Sinasamba Kita.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 10, 2007 9:51:11 GMT -5
PINAG-UUSAPAN ang halikang namagitan kina Robin Padilla at Diana Zubiri sa isang episode ng Asian Treasures. Kasi, pareho raw bigay na bi-gay ang dalawa sa first kissing scene nila.
Sa pagkakagalit nina Angel Locsin bilang Gabriela at Elias na role ni Robin, madaling nahulog ang loob ni Gabriel kay Ingrid na ginagampanan naman ni Diana.
Sa ngayon umiikot ang istorya sa pagkawala ng agimat na ninakaw ni Hector (role naman ni Marky Cielo).
Dahil sa agimat na napunta sa ibang tao, naglabasan ang iba’t ibang klaseng maligno.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 10, 2007 9:52:23 GMT -5
Robin, nilapa si Diana!
KUNG pakontes lang sa patagalan ng halik ang mapapanood mamayang gabi sa Asian Treasures ng GMA 7, wagi sina Diana Zubiri at Robin Padilla.
Aba, umabot sa 36 seconds ang halikan ng dalawa sa isang eksena nila. At hindi raw basta-basta halik `yon, ha! Kundi mainit at matinding halik.
Sina Angel Locsin at Marvin Agustin naman daw ang sumunod kina Robin at Diana. Umabot daw sa 30 seconds ang halikan ng dalawa.
Hindi pa riyan natatapos ang halikan, dahil lumaban din sa halikan sina Marky Cielo at Glaiza de Castro. Pero, dahil pareho pa silang bata, hindi sila pinayagan na maghalikan nang matagal. Kaya ang ending, nagmistulang smack lang ang kissing scene nila. Six seconds lang daw ito umabot, at parang pa-sweet pa `yon.
Sa mga nagtataka kung bakit nagkapalit ng halikan sina Robin, Angel, Diana at Marvin? Kumbaga, dapat ay sina Robin at Angel ang maghalikan, dahil sila ang magka-partner, at sina Marvin at Diana naman ang naglaplapan, dahil sila ang madalas na magkasama, `di ba?
Well, sa isang eksena kasi na kung saan ay magkakasama ang apat na naghahanap ng anting-anting, gumawa ng paraan sina Angel at Marvin para hindi sila mapansin ng mga tao sa paligid. Nagkunwari silang magsyota, kaya hinalikan ni Marvin (Hector) si Angel (Gabriela).
Eh, nalaman `yon nina Robin (Elias) at nakaramdam ito ng selos, kaya hinalikan din niya si Ingrid (Diana). At mas matindi pa `yung halikan na ginawa nila, dahil nga sa matinding selos ni Elias. Teka lang, sina Marvin at Angel kaya ang magkakatuluyan sa ending ng Asian Treasures?
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 17, 2007 5:13:43 GMT -5
Satisfied si Direk Joel Lamangan sa performance nina Diana Zubiri at Francine Prieto sa Seiko movie na Silip. Ani Direk Joel, "Wala silang reklamo, walang kyeme. Alam nila that we are doing an adult film kaya ginawa nila ang hinihinging love and nude scenes." Ilang beses nang nakatrabaho ni Direk Joel ang leading man sa Silip na si Polo Ravales kaya hindi rin siya namroblema rito. Sa Silip, ang papel ni Polo ay isang salesman na kung saan-saan nakararating. Gumaganap si Diana bilang misis niya na waitress sa isang restaurant sa probinsya. Maayos ang pagsasama nila nang umeksena si Francine, at naging magkaibigan sila ni Diana. Ayon sa publicist ng Silip, "ibang level na’ ang sex-dramang ‘to ng Seiko.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 17, 2007 5:35:26 GMT -5
Francine, Diana, at Polo hinubaran ni Direk Joel Francine Prieto Seiko Films producer Robbie Tan is mighty proud of his current project, Silip, which gathers some of the outstanding talents of the movie industry, led by award-winning director Joel Lamangan. Robbie says that Silip brings the sex-drama genre to “another level.” Two prized Seiko Jewels, Diana Zubiri and Francine Prieto, topbill Silip along with Polo Ravales, a matinee idol who’s turning into a serious actor. Supporting them are veteran performers Tony Mabesa, Eva Darren, Jim Pebanco, and Oris Daluz. The artistic and technical staff of the film includes scriptwriter Raquel Villavicencio, master cinematographer Romy Vitug, musical director Jobin Ballesteros, production designer Edgar Martin Littaua, film editor Jess Navarro and line producer Manny Valera. All of them are esteemed and respected names in the world of cinema, having reaped awards and worked with the best filmmakers in the country. Joel is pleased with the performances of Diana and Francine, with whom he worked for the first time. He admires their professionalism and attitude, “Walang reklamo, walang kiyeme. Alam nila that we are doing an adult film kaya ginawa nila ang hinihinging love and nude scenes.” Direk Joel has worked before with Polo onscreen and on stage and the actor is aware of his exacting standards. For Joel, Polo gave his very best, including going completely nude for the first time. In Silip, Polo plays a traveling salesman married to a waitress in a provincial restaurant, Diana. They settle in a far-flung, isolated farm. Their life is blissful until a mysterious woman, Francine, appears. In Polo’s absence the two women become the best of friends �" until Diana suspects her husband and Francine are having an affair. The love triangle ends in a frenzy of blood and violence.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 19, 2007 2:57:28 GMT -5
`Silip' a gathering of outstanding talents SEIKO Films producer Robbie Tan is mighty proud of his current project, “Silip,” which gathers some of the outstanding talents of the movie industry, led by award-winning director Joel Lamangan. Robbie says that “Silip” brings the sex-drama genre to “another level.”
Two prized Seiko Jewels, Diana Zubiri and Francine Prieto, topbill “Silip” along with Polo Ravales, matinee idol who’s turning into a serious actor. Supporting them are veteran performers Tony Mabesa, Eva Darren, Jim Pebanco, and Cris Daluz.
The artistic and technical staff of “Silip” includes scriptwriter Raquel Villavicencio, master cinematographer Romy Vitug, musical director Jobin Ballesteros, production designer Edgar Martin Littaua, film editor Jess Navarro, and line producer Manny Valera. All of them are esteemed and respected names in the world of cinema, having reaped awards and worked with the best filmmakers in the country.
Joel is very pleased with the performances of Diana and Francine, with whom he worked for the first time. He admires their professionalism and attitude, “Walang reklamo, walang kiyeme. Alam nila that we are doing an adult film kaya ginawa nila ang hinihinging love and nude scenes.”
Direk has worked before with Polo onscreen and stage and the actor is aware of his exacting standards. For Joel, Polo gave his very best, including going completely nude for the first time.
In “Silip”, Polo plays a traveling salesman married to a waitress in a provincial restaurant, Diana. They settle in a far-flung, isolated farm. Their life is blissful until a mysterious woman, Francine, appears. In Polo’s absence, the two women become the best of friends – until Diana suspects her husband and Francine are having an affair. The love triangle ends in a frenzy of blood and violence.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 20, 2007 4:25:22 GMT -5
Joel, puring-puri sina Diana at Francine! Wala kasing kiyeme at arte sa hubaran! Seiko Films producer Robbie Tan is mighty proud of his current project, Silip. Aba, mga outstanding talents lang naman sa movie industry ang bumubuo ng Silip, at sa pangunguna nga ito ni award-winning director Joel Lamangan.
Sabi ni Robbie, naniniwala siya na ang pelikulang Silip na pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Francine Prieto at Polo Ravales, ang magbabalik ng sex-drama genre to another level.
Sina Diana at Francine nga ang maituturing na prized Seiko Jewels, at si Polo Ravales, naman ay unang nakilala bilang matinee idol, na ngayon ay walang kiyemeng naghuhubad sa pelikula bilang isang seryosong aktor.
Kasama rin sa pelikula ang mga veteran performers na sina Tony Mabesa, Eva Darren, Jim Pebanco, at Criz Daluz.
Ang Silip ay sinulat ni Raquel Villavicencio, ang master cinematographer ay si Romy Vitug, ang musical director ay si Jobin Ballesteros, production designer ay si Edgar Valera.
Halos lahat sila ay ginagalang at hinahangaan sa kanilang mga mundo, at patunay nga ang mga awards na ibinigay o nakuha na nila para sa kanilang mga trabaho.
Samantala, happy naman si Direk Joel sa performances nina Diana at Francine. Pareho nga na ngayon lang niya nakatrabaho ang dalawa.
At hanga nga siya sa dalawa, dahil parehong professional.
"Walang reklamo, walang kiyeme. Alam nila that we are doing an adult film kaya ginawa nila ang hinihinging love and nude scenes," sabi pa ni Direk Joel.
Oo nga naman, sa syuting pa lang nila, hindi na kailangang pilitin ang dalawa para maghubad. Kusa na nga raw naghuhubad ang dalawa, dahil alam nila ang ginagawa nila.
Si Polo naman ay nakatrabaho na noon ni Direk Joel. Kaya alam na alam na ni Polo kung paano kumilos si Direk Joel sa set.
For Joel, Polo gave his very best, including going completely nude for the first time. Eh, `di ba, pinatakbo nga ni Direk Joel si Polo na hubo’t hubad.
Sa Silip nga pala, gumaganap si Polo bilang traveling salesman na kasal sa isang waitress sa provincial restaurant, na ginampanan naman ni Diana.
They settle in a far-flung, isolated farm. Their life is blissful until a mysterious woman, Francine, appears. In Polo’s absence, the two women become the best of friends – until Diana suspects her husband and Francine are having an affair. The love triangle ends in a frenzy of blood and violence.
Kung sino ang namatay sa kanila, `yun ang abangan niyo.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 21, 2007 11:25:09 GMT -5
Diana, Francine papawiin ang pananabik ng mga lalaki PARA sa mga kababaihan at kabadingang fans ng local movies, kaabang-abang kung saan aabot ang kaseksihang ipapakita ni Polo Ravales bilang leading man nina Francine Prieto and Diana Zubiri sa Silip ng Seiko Films na may June 6 playdate na at June 4 premiere night sa Megamall. During the shooting of Silip sa may Cabanatuan City area, nabalitang nagpa-sight ng puwet si Polo sa love scenes niya sa nasabing movie, pero dahil isang Joel Lamangan ang kanyang di-rektor, confident ang alaga ni Manny Valera na hindi lalabas na bastos ang naturang eksena. That is, kung hindi ito mapuputol ng MTRCB. Ha-ha-ha! Pero siyempre, hindi lang basta maghuhubad si Polo sa Silip. Yes, it’s his first adult film (na talagang siya ang bidang lalaki’t hindi lang ng isa, kundi dalawang ‘reyna pa ng Seiko ang kapartner niya), pero ipinagmamalaki rin ng pelikula ang ipinamalas nito sa acting department. Kaya gano’n na lang ang pressure kay Polo kung tatangkilikin ba siya ng mga tao sa Silip. His past films like Blue Moon, Manay Po, Super Noypi ng Regal Entertainment ay pa-wang marami ang main cast. Pero, dito sa Silip ay silang tatlo lang talaga nina Diana at Francine ang magdadala. Samantala, last year (2006) ay sa comedy lang napanood sa one and only film ni Diana under Seiko, ang I Wanna Be Happy. Kung hindi kami nagkakamali’y wala ring naitanghal na movie si Francine last year (tama ba?). Kaya malamang ay ‘nasabik’ sa dalawang sexy actresses ang kanilang silent fans, lalo na mga ang hombre, huh, kaya baka sumugod ang mga ito sa pag-watch ng Silip sa pagbabalik-bold ng dalawa.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 23, 2007 1:29:40 GMT -5
Bill ni Diana sa tubig, umabot sa P43,000!!! Naghihimutok si Diana Zubiri nang nakausap namin kahapon dahil pinadalhan na raw siya ng disconnection notice ng Manila Water Inc. Hindi kasi binayaran ni Diana ang bill niya sa tubig na mahigit P43,000. Masakit sa loob ni Diana na bayaran ang naturang bill dahil ang dating bill na binabayaran nila ay hindi umaabot ng P500. May inayos daw ang Manila Water sa kanilang kalye sa Xavierville Subdivision sa Quezon City. Biglang tumaas ang bill niya ng mahigit P20,000. Noong buwan ng Marso iyun. Hindi ito binayaran ng seksing aktres dahil gusto niyang paimbestigahan ito sa Manila Water. Ang sabi, merong leak sa kanilang koneksyon na kailangang ayusin. Inayos ito pero nang dumating uli ang bill para sa Abril, P19,000 ito. Ngayong Mayo, dumating ang panibaong bill na P4,000 pero sobrang taas pa rin kumpara sa dating binabayaran niya. Sa tatlong buwang iyun ay mahigit P40,000 ang sinisingil kay Diana kasabay ng disconnection notice. Tinulungan namin si Diana na iparating ito sa DZRH para mabigyan agad ng aksyon ng taga-Manila Water. Nakarating ang reklamong ito sa Manila Water pero wala raw muna silang maibigay na komento tungkol dito dahil ipararating daw muna nila sa nakatataas. Iimbestigahan daw nila kung ano ang nangyari sa linya ng tubig ni Diana bago nila gawan ng nararapat na aksyon. Pero sana, huwag muna nilang pagbayarin ng ganun kalaking halaga si Diana dahil unfair daw para sa kanya na ipasagot ang pagkakamali nitong Manila Water, Inc. Pakiusap ni Diana na sana ay maayos nila ito bago siya umalis patungong China para sa taping ng Asian Treasures. Next week na ang kanilang alis kaya hindi na rin makapagpo-promote si Diana ng Silip na magsu-showing sa susunod na buwan.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:43:08 GMT -5
MAGKAKASAMA sa Asian Treasures sina Robin Padilla, Marvin Agustin at Angel Locsin, pero magkakalaban sa June 13 ang kanilang mga pelikula. Sa June 13 ang playdate ng Black-Out na pinagbibidahan nina Robin at Iza Calzado. Showing din sa nabanggit na petsa ang Angels na tinatampukan nina Angel at Marvin. Muntik nang maging June 13 ang playdate ng Silip ng Seiko Films. Mga bida sa Silip sina Francine Prieto, Polo Ravales at Diana Zubiri na lead star din ng Asian Treasures. Nagdesisyon si Robbie Tan (Seiko Films producer) na ipalabas sa mga sinehan sa June 6 ang Silip. Kung hindi nagbago ang isip ni Robbie, posibleng June 13 din ang playdate ng Silip. Kapag nagkataon, ang mga pelikula ng lead stars ng Asian Treasures ang maglalaban sa takilya.
|
|