|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:44:13 GMT -5
Diana, inalok ng 100 thousand pesos ng pulitiko? Natutuwa naman si Diana Zubiri dahil may magandang resulta ang ginawa niyang paghingi ng tulong sa DZRH tungkol sa problema niya sa tubig na umabot ng mahigit P40 thousand ang bill sa Manila Water. Kaagad namang inaksyunan ito ng Manila Water, pero hindi ko pa alam kung naayos ba o pagbabayarin pa rin si Diana ng ganun kalaking halaga. Ang ikinaloka lang ng seksing aktres, nang na-interview ito ng DZRH ang daming nagtawagan at nag-text na mga kalalakihan sa radio station na ‘yon para mag-volunteer na sila na lang daw ang magbayad ng bill ni Diana. Meron pang isang taga-Malacañang daw na nag-alok daw ng 100 thousand pesos na pambayad sa tubig? Meron pang manager ng isang malaking car company na willing ding magbayad with matching bagong kotse pa. Sa totoo lang, kayang-kaya namang bayaran ni Diana ang ganun kalaking halaga, pero hindi nga lang makatarungan na ganun talaga kalaking halaga ang nakunsumo mong tubig. Sana nga, bago rin mag-showing ang pelikula niyang Silip ay maayos na ang problema niya sa Manila Water. Oh, `di ba, segue pa sa promo ng pelikula niya.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:46:36 GMT -5
Diana di type si Polo Wala mang boyfriend ngayon si Diana Zubiri, hindi raw niya mati-take na maging karelasyon si Polo Ravales. Unang-una, mabubuhay naman daw siya kahit walang lalake, lalo na at sangkatutak ang trabaho niya ngayon. Nakatakda nga siyang umalis patungong China para mag-taping ng Asian Treasures, kasama sina Angel Locsin, Marvin Agustin at Robin Padilla. Pangalawa, ipalalabas na rin ang Silip, na pinagbibidahan nila nina Francine Prieto at Polo, na dinirek ni Joel Lamangan, para sa Seiko Films. "Kaibigan ko kasi si Ara Mina, at alam naman natin na naging sila, ‘di ba? At saka, hindi naman tayo sure kung wala ngang girlfriend ngayon si Polo. "Pero, hindi ko rin talaga kaya. Parang nakakahiya naman na nag-share kami ni Ara sa isang lalake. "Mahirap `yon, dahil palagi kong kasama si Ara. Let’s say, maging kami nga ni Polo. Parang hindi kami magiging masaya kung palagi kong kasama si Ara, tapos hindi ko naman siya maiharap kay Ara, `di ba? "So, mas maganda na friends na lang kami. Okey na ako sa ganu`n," sabi ni Diana. Ang pelikulang Silip ang maituturing ni Diana na pinaka-challenging sa lahat ng pelikulang nagawa niya. Puwedeng-puwede nga raw manalo si Diana ng award dahil sa Silip. "Sana nga, dahil nangangarap din naman ako na ma-recognize ang acting ko. "At saka, ang hirap talaga nito, dahil sabay-sabay ang trabaho ko habang nagsyusyuting kami. Pero wish ko nga, sana matupad `yon na magka-award din ako," saad pa ni Diana. Aba, hindi malabong mangyari `yon, dahil ilang artista na ba na hinawakan ni direk Joel Lamangan ang nabiyayaan ng tropeo. Malay natin, maging isa si Diana sa kanila.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:47:39 GMT -5
NAGKASILIPAN pala ang mga artista ng Silip.
Hindi naman sinasadya nina Diana Zubiri, Polo Ravales at Francine Prieto na nagkasilipan sila during the shooting of their love scenes sa first movie ng Seiko Films this year, ang Silip, directed by Joel Lamangan and will be shown this June 6.
Aba, siyam ba naman ang love scenes, lima with Diana and Polo at apat naman with Polo and Francine mas kataka-taka naman kung hindi nga nila masisilipan ang isa’t isa ‘no?
Mas masuwerte lang si Polo kaysa sa dalawang girls. Sina Francine and Diana kasi, walang plaster so todo-talop sila. Si Polo nag-plaster sa harap, so isang malaking puti lang ang masisilip nina Diana and Francine sa kaniya. We asked Polo kung sino ang mas kaaya-ayang silipan, si Francine daw. Kasi, mataas kaya kita agad. Ang alin kaya ang madaling masilip? Chos!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:51:10 GMT -5
Kaya hanga kami, Ian F., kay Diana Zubiri, na napagkakamalang inosente pa at age 22, samantalang ayon sa kanya, 16 years old pa lamang siya, nagbu-bold na siya. She never denied na naging girlfriend siya ng komedyanteng si Vhong Navarro. Diana came into Vhong’s life at the time na kahihiwalay lang ni Vhong at dating asawang si Bianca Lapus. Ang relasyong Vhong-Diana was supposed to be top secret until one time when, according to Bianca, she called up Vhong in his house and Diana was the one who answered the phone. During that time, hindi pa uso ang cellphone even among celebrities. Tulad ni Francine Prieto, who is cast with Diana in Silip, under exclusive contract pa rin ang una sa Seiko Films. Hindi na mabilang ang movies na nagawa niya for Robbie Tan’s film outfit, na karamihan, siyempre pa, ay bold. Dito sa Silip, how far did she go? “Well, I did everything I was required to do. When Joel Lamangan is your director, wala kang karapatang magsabing hindi ko kayang gawin ang isang eksena, just because it’s too bold. Baka itanong niya sa ’yo, maselan ka pala, eh, bakit ka nag-artista? “But there’s one scene in Silip which I enjoyed dahil sabi nga ni Direk Joel, mag-enjoy ako habang pinipisil- pisil ang butt ni Polo (Ravales). Eh, hubad na hubad si Polo at makinis na makinis ang butt niya. “Polo and I are supposed to be husband and wife in the film, kaya wala akong makitang dahilan para ’di gawin ang utos ni Direk Joel,” tukoy pa ni Diana. Set in a romantic village, Polo and Diana’s characters live in bliss. Magkakaroon lang ng problema pagdating ni Francine (Prieto).
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:52:29 GMT -5
Nagbibiro lang si Joel nang sabihin nito na hubad din siya nang kunan niya ang sexy scenes sa Silip nina Diana Zubiri, Francine Prieto at Polo.
Ipinagbawal ni Joel ang mga bisita sa set ng Silip nang araw na i-shoot ang sexy scenes. Hindi nga dumalaw ang mga kaibigan at kamag-anak ng mga artista pero dumagsa naman ang mga tao mula sa mga kalapit-bayan ng Bongabong, Nueva Ecija dahil nabalitaan nila ang nagaganap na shooting.
Mistulang excursion ang nangyari dahil may mga tao na nanggaling pa mula sa Cabanatuan para panoorin ang shooting. Dahil sa dami ng unwanted guests, nahirapan ang production staff na paalisin ang mga tao na umakyat sa mga puno at nagtago sa damuhan para makita ang eksena ng paliligo sa ilog nina Diana at Francine.
Kinunan sa talahiban ang eksena na tumatakbo ng hubad sina Polo at Francine. Hindi naging sagabal ang matataas na talahib para hindi makapanilip ang mga bosero.
"Pinagmumura ko sila!" ang mabilis na sagot ni Francine nang itanong namin ang naging reaksyon niya sa pagdagsa ng unwanted visitors sa set ng Silip.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:54:43 GMT -5
Diana, nasarapan kay Polo! Balik sa pagpapaseksi sina Diana Zubiri at Francine Prieto sa sex-drama-thriller na Silip mula sa Seiko Films kung saan katrayanggulo nila si Polo Ravales. Ano bang mga ipinasilip ni Diana rito sa Silip? "Ginawa pa rin po namin ‘yung aktwal na pagpapaseksi pero siyempre, in-edit din po nila ‘yung mga puwedeng ipakita sa pelikula dahil baka maging R-18 ang pelikula (R-13 ang target rating nila)," simulang tsika ni Diana kahapon sa presscon ng pelikula sa Max’s, Roces Ave., QC. Ano namang ‘nasilip’ niya kay Polo? "‘Yung plaster niya! Ha! Ha! Ha! ‘Yung plaster niya lang po ang nasilip ko. Naka-plaster kasi siya. Pero kami ni Francine, hindi…" So, sila pala ang nasilipan ni Polo? "Ewan ko kung sinilip niya. Pero I’m sure, nakita niya! Ha! Ha! Ha!" Parang unfair yata ‘yon na nasilipan sila ni Polo pero hindi nila ito nasilipan? "Nasilipan din po namin siya nang konti," nakangiting sey ng dalaga. Ayon kay Diana, nakatatlong love scenes sila ni Polo sa pelikula at apat naman sina Francine at Polo. Bago kunan ang mga eksenang naglalampungan sila ay nagtuturuan pa raw sila ni Polo dahil first time nitong gawin ang mga ganu’ng klaseng love scenes. Nu’ng sensuality workshop nila bago sila mag-shooting ay medyo nagkakailangan pa raw sila, pero nu’ng mag-shoot na sila ay nawala na ang ilang nila ni Polo sa isa’t isa. Sa nasabing workshop ay topless na raw sila ni Francine at naka-panty lang, habang si Polo ay underwear lang din ang suot. Pero nu’ng shooting na ay wala na talaga silang saplot ni Francine at plaster na lang ang suot ni Polo. Meron ba siyang naramdamang ‘kakaiba’ kay Polo sa love scenes sila? "Meron namang slight! Ha! Ha! Ha! Siyempre mga tao lang naman kami, di ba?" Masarap bang ka-love scene si Polo? "Masarap naman in a way na bago kami maghalikan, talagang nag-toothbrush muna siya. Ha! Ha! Ha! Pinaghandaan niya!" So, matitindi ang laplapan nila rito? "Opo, ganu’n talaga!" Kuwento pa ni Diana, ang hirap nu’ng shooting nila sa probinsiya ng Bongabong, Nueva Ecija dahil hindi nila mapigilan ang napakaraming tao na nais manood ng shooting nila. Dusa ito lalo na sa eksenang tumakbo silang hubo’t hubad ni Francine. "Tumakbo kami nang hubo’t hubad sa ilog. Grabe po ang mga tao kasi, para silang mga military na nakadapa sa may tuktok ng bundok! Parang silang mga sniper! Sinisigawan nga sila ni Francine, eh! "Tanghali naming kinunan ’yung eksenang ‘yon at ang init-init pa nu’ng time na ‘yon! Tapos, ang daming nanonood! So, galit na galit po kami lalo na si Francine. ‘Yung eksenang ‘yon eh, wala sa script, parang dinagdag lang nila. So, medyo nabigla kami, pero ginawa pa rin namin," tsika niya. Anong naramdaman nila na sa katanghaliang tapat ay nakabuyangyang ang mga hubad nilang katawan at may mga naninilip sa paligid nila? "Sanay na naman po kami ni Francine doon. Kaya lang po kasi, ‘yung mga tao, nakakainis. Kasi siyempre, naninilip sila so, hindi mo talaga sila mapagsabihan. Nagtatago sila, kaya wala rin kaming magagawa kahit magalit kami. "Pero ‘yung shot naman kasi ng kamera eh, nakatalikod kami na tumatakbo. Pero kaharap namin ‘yung mga lalakeng naninilip. Kaya pinaaalis sila kasi, hindi sila dapat nandu’n! "Si Direk Joel (Lamangan, direktor ng Silip) nga po, nagmumura na, eh! Kasi, nakita niya ’yung mga tao na nakadapa na sila. Nakakalokah dahil ‘yung ibang tao, umaakyat pa talaga ng tuktok ng bundok kaya nakikita nila kami sa ibaba!" Inamin ni Diana Zubiri sa presscon ng Silip na sa totoong buhay ay naranasan na niyang manilip o mamboso. "Opo, pero dati pa ‘yon! Ha! Ha! Ha! Sinubukan ko lang sa crush ko nu’ng high school. Hindi niya kasi ako pinapansin. "Parang naging curious ako kung ano bang meron sa CR ng mga lalake? Parang napatingin lang ako. Pero wala akong nakita! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Diana, na katrayanggulo nina Francine Prieto at Polo Ravales sa sex-drama-thriller na Silip. Kung last time na makita namin siya ay happy siya at masaya sa kanyang lovelife, ngayon ay hindi na dahil nag-break na raw sila ng boyfriend niya (na sa pagkakaalam namin ay isang group dancer) nu’ng birthday niya last April 15. Two years ding tumagal ang kanilang relasyon. Ayaw niyang sabihin kung anong dahilan ng breakup nila dahil sikreto na raw ‘yon at masyadong personal. "Pero okey naman po ako nang ganito," nakangiting dayalog niya sa amin. Kahit 22-anyos na si Diana, meron pa rin na ang tingin sa kanya ay isang inosenteng dalaga, tulad ng itsura niya nu’ng 16-anyos pa lang siya at nagsisimula sa showbiz. "Talaga po, mukha pa rin akong inosente? Ang lakas ko palang makadaya! Ha! Ha! Ha! Hindi ko po alam na ganu’n pa rin pala ang tingin ng ibang tao sa akin. "Nakakalimang boyfriends na po ako at habang nagkakaedad eh, marami po akong natututunan na mga bagay-bagay," pilyang bulalas niya. Apat daw sa mga naging nobyo niyang ‘yon ay pawang non-showbiz at si Vhong Navarro lang ang taga-showbiz.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:55:35 GMT -5
PG 13 classification ang target ng Seiko Films para sa Silip, ang pelikula na magbabalik sa bold genre at pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Polo Ravales at Francine Prieto. Sinabi ng direktor na si Joel Lamangan na umaasa sila ni Robbie Tan (Seiko Films producer) na PG 13 ang ibibigay ng MTRCB sa kanilang sexy but suspense thriller project. Nilinaw rin ni Joel na iba ang kuwento ng Silip sa Sidhi, ang pelikula na tinampukan noon nina Nora Aunor, Albert Martinez at Glydel Mercado. Magkaibang-magkaiba ang kuwento ng Silip at Sidhi. Nagkataon daw na kapwa kinunan sa Bongabong, Nueva Ecija ang mga eksena ng mga nabanggit na pelikula. Bukod dito, tatlo ang pangunahing tauhan sa Silip at tatlo rin sa Sidhi. Nahirapan si Polo sa kanyang ginampanan na karakter dahil umikot lamang sa tatlong tao ang kuwento ng Silip. Napanood na namin ang rushes ng Silip. May tip kami sa mga nagbabalak manood. Hintayin ninyo ang closing credits dahil inilagay ng Seiko Films ang mga sexy scene nina Diana at Francine bilang bonus.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:56:22 GMT -5
SHOWING na sa June 6 ang Silip, pero nagngingitngit pa rin si Diana Zubiri sa katigasan ng ulo ng mga taga-Bogabon, Nueva Ecija, na walang tigil ang paninilip sa kanila ni Francine Prieto at ’di mapaalis sa shooting kahit nagagalit na si Direk Joel Lamangan.
Kung ’di umaakyat sa puno ng kahoy, sa tuktok ng bundok pumupuwesto ang maraming tao at wala silang magawa kung ’di ipagpatuloy ang shooting.
Hubad sila sa mga eksenang naliligo sa batalan at hubad din nang tumakbo’t inalis ang suot na panty.
Wala sa script ang pagtakbo nila nang hubad, idinagdag lang, na ikinabigla nila ni Francine, pero dahil sanay na, ginawa nila nang walang reklamo.
Bukod sa pagtakbo nang hubad, may three love scenes sila ni Polo Ravales at dahil break na ito at si Ara Mina, hindi natakot aminin ni Diana na tinablan siya sa love scenes nila ni Polo.
“Tao lang ako at kung ano ang dapat maramdaman habang ginagawa namin ang love scene ay naramdaman ko. Tsinika ko kay Ara ’yon at okey naman sa kanya. Wala ring magseselos sa akin dahil break na kami ng boyfriend ko last month pa,” wika nito.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 7:59:50 GMT -5
"Silip" is the first mainstream bold movie to come out in years Nang mag-decide ang SM chain of cinemas not to show any R-18 movies, nanamlay ang bold movies hanggang sa tuluyang nawala na ito sa mainstream. Kung may gumagawa man ng mga sexy movies ngayon, kadalasan ay independently produced ito o kaya ay digital films ngunit hindi pa rin ipinapalabas sa SM chain kahit sa digital theaters nito. Wala mang ganitong ruling ang Ayala chain of cinemas, its management rarely release local rated R-18 movies. Tanging ang Robinsons chain of cinemas na lang ang nagpapalabas ng ganitong uri ng pelikula. Sinasabing almost 60 percent of theaters nationwide are part of the SM chain kaya't kung hindi mabu-book ang isang pelikula dito, mahirap nang kumita ang pelikula. Early last year, nagkaroon ng bagong grade ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), ang R-13. Restricted to anyone 13 years of age below ang papapasukin sa mga pelikulang may ganitong rating sa MTRCB, at ito ang naging loophole ng ilang pelikula para magkaroon ng chance na maipalabas sa SM chain of cinemas. Ito ang gustong rating na makuha ng unang pelikula ng Seiko Films this year, ang Silip. Starring Diana Zubiri, Polo Ravales, and Francine Prieto, this is directed by Joel Lamangan from the script of Racquel Villavicencio. Kung hindi man kasing-daring ng mga dating pelikula ng Seiko Films ni Robbie Tan ang Silip, tulad ng Talong at Patikim ng Pinya na may mga frontal nudity ang mga artista, masasabing bold pa rin ang Silip base sa mga lumabas na publicity stills ng Silip kung saan nakitaan din ng dibdib ang dalawang bidang babae at nagpakita naman ng puwet si Polo. Sinigurado naman ni Direk Joel na papasa sa MTRCB rating na R-13 ang mga shots niya at madadala na rin sa ganda ng kuwento at may tsansa na maipalabas pa rin ito sa mga SM chain of cinemas. Ipapalabas ang Silip on June 6.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 8:01:28 GMT -5
Direk Joel predicts Diana will win her first best actress award for "Silip" "Maniwala ka, magiging Best Actress si Diana [Zubiri] dito!" pagmamalaki ni Direk Joel Lamangan sa performance ng sexy actress sa pelikulang Silip. Kilalang actor's director si Joel. Kung ilang artista na rin ang nabigyan niya ng first acting award tulad nina Glydel Mercado (grand slam best supporting actress, Sidhi) Angelu de Leon (best supporting actress, Bulaklak ng Maynila), Ara Mina (best actress, Mano Po), Kris Aquino (best supporting actress, Mano Po), Dennis Trillo (best actor/best supporting actor, Ainutse Imasu 1941), and even si Judy Ann Santos (best actress, Sabel). Nadagdagan din ang mga Best Actress awards nina Vilma Santos (Mano Po 3), Nora Aunor (Flor Contemplacion), Zsa Zsa Padilla (Ako Legal Wife), Elizabeth Oropesa (Bulaklak ng Maynila), among others, nang nahawakan sila ni Joel. Sa pelikulang Silip ng Seiko Films, sigurado si Joel na makakakuha ng kanyang first acting award si Diana dahil na-impress siya sa galing nito. Flattered naman si Diana nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first press con ng said Seiko Films movie kahapon, May 24. "Sinabi niya [Direk Joel] ‘yon?" patanong ni Diana. "Hindi naman ako umaasa na magka-award, basta ginalingan ko lang ang acting ko rito kasi first time niya rin akong nahawakan. Sabi kasi, strict director si Direk Joel kaya pinaghusayan ko talaga. Kung ma-nominate man ako, di salamat. Pero hindi ko pa iniisip ang award at this point." Unang nakilala si Diana sa mga bold films ng Seiko early in the millenium. A favorite FHM cover girl, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin, nagkaroon ng wholesome image si Diana nang mapabilang sa groundbreaking primetime soap ng GMA-7 na Encantadia bilang isa sa apat na magkakapatid na diyosa na kinabibilangan din nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Karylle. Sa ngayon, isa sa mga bida ng action-adventure GMA-7 na Asian Treasures si Diana, kung saan kasama rin niya sina Robin Padilla, Angel Locsin, at Marvin Agustin.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 27, 2007 8:04:28 GMT -5
Polo Ravales admits peeping at Diana and Francine in "Silip"
Part of the longest-running teen drama serial Anna Karenina opposite his first girlfriend Sunshine Dizon, nang nagbalik si Polo Ravales bilang isang mature actor—starting with the risque stage play All About Men: thingy Talk 2, kung saan isa siya sa mga naghubad to their briefs na aktor—masasabing pumantay na rin siya sa status ng kanyang kasabayan na si Dingdong Dantes.
Ang hindi kasi nagagawa ni Dingdong—ang magpaka-daring nang todo tulad ng mga pictorial for print—nagagawa ngayon ni Polo. For a while, naging flavor of the month ng mga glossy magazines si Polo for his willingness to bare.
Bagama't almost two years ago pa ang All About Men, hindi pa rin gumagagawa ng sexy movie si Polo, although nagmuntik-muntikan na rin naman ng kung ilang beses. Sa kanyang independent digital movie na Room Boy, may isang shower scene si Polo rito na kita na sana ang kanyang behind ngunit nawala ito sa finished movie. Siya rin ang unang in-offer-an sa Twilight Dancers, na ultimately ay nakuha naman ni Tyron Perez.
Isang matagal nang pinaplanong independent movie, ang Saddiq, about an OFW (Overseas Filipino Worker), ang dapat na mauunang sexy movie ni Polo. But in the end, mas naunang nasimulan at natapos ang Silip ng Seiko Films under the direction of Joel Lamangan.
May siyam na love scenes sa Silip si Polo with his two leading ladies na sina Francine Prieto at Diana Zubiri—lima kay Francine at apat kay Diana—lahat in different stages of undressing. May butt exposure din siya rito, something na hindi pa niya nagagawa kahit sa mga print and magazine pictorials niya.
Pero ayon kay Polo, nag-plaster daw siya rito.
"Protection na rin sa akin at kina Francine and Diana!" natatawang paliwanag ni Polo during the press con of Silip yesterday, May 24.
"Pero masakit pala. There was a point na binalak ko na lang din na hindi mag-plaster kasi mas hassle kapag meron at napakasakit kapag ikinakabit tapos mas masakit kapag tinatanggal," habol niya.
Wala namang plaster sina Diana at Francine at inamin ni Polo na nasilipan niya ang dalawa niyang leading ladies.
"Of course, hindi naman intentional," depensa ng sexy actor. "Kasi pilitin ko man na hindi tumingin, minsan mapapatingin ako nang hindi ko naman sinasadya. Pero inaalis ko agad ang tingin ko."
Dagdag pa ni Polo, mas kaaya-aya raw silipan si Francine kaysa kay Diana.
"Si Diana kasi, matagal ko nang nakakasama sa mga shows sa GMA-7 kaya parang mas nakakahiya naman. Tapos si Francine, mataas pa. Kapag nakatayo kami, parang mas kita ko agad siyempre!" pilyong sabi ni Polo.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 28, 2007 6:08:59 GMT -5
Direk Joel, Ipinagmamalaki Ang 3 Artista
Ayon kay Direk Joel Lamangan, naniniwala siya na sa ganda ng pelikula at galing umarte ng mga artistang sina Diana Zubiri, Francine Prieto at Polo Ravales, isa sa mga ito ang magkakamit ng acting award. Hindi nga niya sukat akalain na magagaling palang umarte ang tatlo.
Binigyan nito ng workshop si Polo para sa mga lovescenes nito kina Diana at Francine dahil hindi pa siya sanay. Kung natulungan niyang maging grand slam winner si Glydel Mercado sa Sidhi, possible rin itong mangyari kina Diana at Francine.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 28, 2007 6:21:22 GMT -5
Diana’s ‘secret weapon’ DIANA Zubiri projects the beauty of a true Filipina—charming and delicate-looking. But she also exudes strong sex appeal. The secret lies in her eyes, or maybe in her upper bumpers. Or maybe, it’s in the way she carries herself. Wherever her sex appeal may emanate, Diana is undoubtedly one of the small wonders of showbusiness. In person, she looks like a typical pretty neighbor, but on screen, she comes altogether differently. So people, especially men from Bongabon, Nueva Ecija where she and co-star Francine Prieto shot some delicate scenes for Seiko Films’ “Silip” with leading man, Polo Ravales, consider the chance of seeing her in the flesh an unforgettable experience. Meanwhile, we were intrigued on how “Silip” would end after seeing the trailer but director Joel Lamangan won’t reveal how he resolved the issues among its characters. “Just watch it,” he advises. “One thing’s sure though, it is a movie that will give Diana a grab for the best actress in the next awards derbies next year.”
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 28, 2007 6:23:08 GMT -5
Closed-door shooting, pinagbabato
HABANG kinukunan pala ang closed-door love scene nina Diana Zubiri at Polo Ravales sa Seiko Films movie na Silip, pinagbabato ng mga taga-Bogabon, Nueva Ecija, ang bahay kung saan sila nagsu-shoot. “Nagulat na lang kami sa ginawa nilang pambabato. Bakit daw nakasara ang bahay at tinatakpan namin ang panonood nila? Ang gusto nila, makita pati ang ginagawa namin sa loob ng bahay,” kuwento ni Diana. Mabuti na lang at hindi na bago ang pagpapa-sexy kay Diana at sa isa pang co-star na si Francine Prieto. Nabawasan ang problema’t sakit ng ulo ni Direk Joel Lamangan sa mga pasaway na usisero sa shooting.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 28, 2007 6:25:04 GMT -5
Diana at Francine, sinilipan ni Polo
PUMAYAG na rin si Polo Ravales na gawin ang first adult movie. In Joel Lamangan’s Silip under Seiko Films, Polo does intimate love scenes with two of local cinema’s sexiest goddesses — Francine Prieto and Diana Zubiri. Natawa kami kay Polo nang amining hindi pa kayang mag-frontal. May butt exposure siya, pero gumamit ng plasters to cover his most sensitive part. Ang dalawa niyang leading ladies ay wala namang inhibitions kahit makitaan ni Polo. Nakita nga ba niya? “Opo! Pareho sila. Mas madali kong nakitaan si Francine kasi matangkad, unlike si Diana, na kailangan mo pang yumuko nang konti. Pero hindi ko ’yon ginawa dahil baka magalit. “Kung papipiliin ako sa dalawa? Siguro si Diana, dahil pareho kami ng height. Matangkad si Francine, eh, at baka hindi maging maganda ang performance ko, hahaha! Joke lang, joke lang! “Actually nag-workshop muna kami. Sabi nga ni Direk, kung talagang gusto kong mapansin, hindi lang sa pagpapakita ng katawan. Importante rin ang performance ng isang artista. Marami kaming natutunan,” ani Polo. Silip is set in a remote village. Kinunan ito sa Bongabon, Nueva Ecija. Mag-asawa ang role nina Polo at Diana at magugulo ang buhay nila pagdating ni Francine. Abangan n’yo ang Silip, na ipalalabas na sa June 6.
|
|