babytoni
New Member
Certified Kapuso ng EC at Izadoration
Posts: 15
|
Post by babytoni on Dec 17, 2006 2:32:49 GMT -5
Diana Zubiri is back on the game
BISI-BISIHAN na naman si Diana Zubiri.
After her Encantadia and the short lived afternoon documentary- reality series nila ni Alfred Vargas na Ang Pagbabago, nothing is heard from Diana for the time being. That has changed dahil sa ngayon nga, busy na muli si Diana for her next big project, ang Asian Treasures.
Sila nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, Glaiza de Castro and Marky Cielo ang main cast ng soap at nagsisimula na silang mag-taping starting sa Pilipinas muna.
Mapapanood din si Diana today sa Ang Mahiwagang Baul episode na Bebeng Bibingka where she portrays the title role written by Agnes de Guzman and directed by Argel Joseph and Don Michael Perez. Super hero siya at ang kaniyang weapon ay bibingka.
Makakasama niya rito sina Lotlot de Leon, Gary Estrada, Gene Padilla and Menggie Cobarrubias. Ang bibingka ni Bebeng ang panlaban niya sa powers ni Pitik played by Gary na galit sa Pasko.
Ang Mahiwagang Baul airs right after S Files today sa GMA.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 18, 2006 12:07:04 GMT -5
Napalaban sina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs kay Sandara Park sa Balakubak portion ng Nuts Entertainment. Dahil sa pagiging totoo at prangka ng young Koreana, hindi pumasa kahit ang maiintrigang tanong sa kanya ng tatlong hosts. Ginawa pa ang taping sa 9 Waves sa San Mateo, Rizal, bilang Christmas special at mapapanood na sa Wednesday ng gabi sa GMA-7. Makakasama nila ang mga sexy star na sina Alyssa Alano, Diana Zubiri at Karen Vicente. Guests din sina Pauleen Luna, Jeremy Marquez, Marco Alcaraz, Iwa Moto, Dove de Vera at Ashley, na napasabak sa iba’t ibang games.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 25, 2006 11:39:47 GMT -5
Ang mga seksing sina Alyssa, Diana Zubiri, Iwa Moto at Pauleen Luna ang mapapalaban sa maiintrigang tanong sa Balakubak portion ng Nuts Entertainment bukas ng gabi sa GMA-7. Ito bale ang New Year presentation ng sitcom, na kinunan pa sa Ciudad Christha Resort 9 Waves, San Mateo, Rizal. Bukod sa apat na sexy stars, mapapasabak din sa iba’t ibang games sina Diego Llorico, Marco Alcaraz at Jeremy Marquez. ’Kaaliw ang bulong question ni Janno Gibbs sa apat na guests. Nagulat man, sinagot pa rin nina Diana, Iwa, Alyssa at Pauleen ang nakakikiliting tanong ng hosts na sina Janno, Joey de Leon at Anjo Yllana.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Dec 28, 2006 2:29:58 GMT -5
FORBIDDEN QUESTIONS ON TV
WHY is the Balakubak on Nuts Entertainment so popular? Well, for the record, it is the first show, be on TV or radio, that has three irreverent hosts, Joey de Leon, Janno Gibbs and Anjo Yllana, disguised as gays in drag, daring to ask the most forbidden questions on their guests and get away with it. Tonight, beauteous young actress Pauleen Luna takes the hot seat, together with sexy stars Diana Zubiri, Iwa Moto and Allysa Alano. Tonight’s episode is the second part shot on location in Christianthia Ciudad Resort in San Mateo. Last week’s rating was so high, they hope to repeat it tonight. Other guest stars joining the naughty games on Nuts are Jeremy Marquez and Marco Alcuas.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 10, 2007 23:16:27 GMT -5
Starscopes
What do the celestial stars have to say about our Kapuso stars? This week, the heavens foretell the good, the bad, and all the possible hot stuff coming your way. At tulad ng ating favorite artistas, better be prepared or the chance might slip away!
This is what our resident astrologer has to say for the days of January 11 to 14, 2007.
ARIES
The beginning of the week signals misunderstandings. You're looking for someone sympathetic especially now that things are not going your way. (Naku, Dingdong should be there for Karylle) when this happens! But don’t worry, towards the latter part of the week there will be time for some soul searching and good ole relaxation.
Who shares your sign? Karylle, Jay-R, Sheryl Cruz, Diana Zubiri
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jan 10, 2007 23:17:19 GMT -5
First Week Forecast!
It’s 2007! What better time to start anew than the first week of the New Year? But before you get it on with your life makeover, a few tips from our resident fortune teller would probably help you deal with this week’s highs and lows. While you’re at it, check out which Kapuso stars share your signs as well!
ARIES There seems to be confusion when it comes to your love life due to differences with your partner. All you need is a heart-to-heart talk to resolve issues and revive your romance. You are popular amongst your co-workers in the middle of the week, and you can accomplish your tasks well if you work with them as a team.
Who shares your sign? Jay-R, Karylle, Sheryl Cruz, Diana Zubiri
|
|
FieryPrincess
New Member
You show me how to see that nothing is whole and nothing is broken...
Posts: 39
|
Post by FieryPrincess on Mar 23, 2007 3:34:29 GMT -5
‘Asian Treasures’ stars na-stranded sa BangkokRowena Agilada NA-STRANDED sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Jaime Fabregas at ang production staff ng "Asian Treasures" sa Bangkok, Thailand on their way to Chiang Mai. Fourteen hours ang biyahe nila by train na puro bulubundukin ang dinaanan nila. Ayon sa tsika ni Lhar Santiago na nag-cover ng taping, nasa kalagitnaan na ang trip nila nang magkaroon ng engine trouble ang train at matagal silang naghintay bago naayos ’yon. Naubos daw ang mga chichiriyang baon nila sa tagal ng paghihintay at pati pagkain sa canteen ng train ay naubusan sila dahil may mga pasahero silang kasama papuntang Chiang Mai. "Waging-wagi" naman ang beauties nina Angel at Diana sa Chiang Mai, tsika pa ni Lhar. Parehong naka-short-shorts ang dalawa na pinagtitinginan ng mga taga-roon during the shoot ng isang eksena nila roon. Halos lumuwa raw ang mga mata ng mga Chiang Mai boys at may napapanganga pa pagkakita sa dalawang sexy stars ng "Asian Treasures." May mga Chiang Mai girls namang ginaya ang tastas na shorts ni Diana at ginupit-gupit din ng mga ito ang kanilang shorts. Sa isang restaurant naman ay napagkamalang waitress si Diana dahil naka-uniform siya. Nakaupo lang siya habang naghihintay ng take nang lapitan siya ng isang restaurant staff at tinalakan siya. Bakit daw nakaupo lang siya at hindi inaasikaso ang mga customer. Pagkatapos makunan ang mga eksena sa Chiang Mai, bumalik ang grupo sa Bangkok. Nag-enjoy si Angel sa pagsakay sa isang elephant, ayon kay Lhar. Asked kung may napansin ba siyang kakaibang kilos nina Angel at Marvin na natsitsikang may something special going on, "Wala!" ani Lhar. "Off-cam, sina Angel at Diana ang para-ting magkatsika. Normal lang ang nakita kong kilos nina Angel at Marvin. Si Robin naman, may ibang mundo." Source: www.tempo.com.ph****** Napagkamalang waitress?! Tinalakan pa... Ano ba yun...
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 6, 2007 5:17:03 GMT -5
Peeping Toms hound the shooting of "Silip" Jojo Gabinete Wednesday, April 4, 2007 Contrary to reports, hindi pa nakukunan ang mga love scenes nina Diana Zubiri, Francine Prieto, at Polo Ravales para sa Silip, ang bagong pelikula ng Seiko Films, na mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan. Si Racquel Villavicencio ang scriptwriter ng Silip, at sa liblib na lugar ng Bongabong, Nueva Ecija, ang shooting ng pelikula. Noong Linggo, April 1, ang eksena na naglalaro sa ilog sina Diana at Francine ang kinunan ni Direk Joel. Malayo ang location pero dinayo pa ito ng mga tao na gustong makita nang personal ang mga artista ng Silip. Off-limits sa mga usyosero ang shooting dahil half-naked sina Diana at Francine sa eksena, pero hindi naitaboy ng production staff ang mga tao. Napapaligiran man ng bundok ang ilog, hindi ito naging hadlang para malaman ng mga tao na may shooting sa naturang lugar. Napailing na lamang ang production staff at ang mga artista nang makita nila na parang mga sundalo na nakadapa sa bundok at susugod sa giyera ang mga gustong manilip sa mga hubad na artista. Wala naman silang nakita maliban sa likod nina Diana at Francine na parehong nakatalikod sa kamera. Hindi sigurado ang production staff kung may nakita ang mga namboso nang kunan ang eksena nina Polo at Francine habang tumatakbo na kapwa hubo't hubad. Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan ang Silip. Silip din ang pamagat ng controversial movie na pinagbidahan noon nina Sarsi Emmanuelle at Maria Isabel Lopez pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na project. Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP NEWS ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 17, 2007 11:58:01 GMT -5
Ngayon ang birthday ni Diana Zubiri pero walang celebration na mangyayari dahil nasa shooting siya ng Seiko Films Silip. Bumalik kahapon sa Nueva Ecija sina Diana, Francine Prieto at Polo Ravales para sa tatlong araw na shooting ng kanilang pelikula. Mabilis magtrabaho ang direktor na si Joel Lamangan kaya inaasahan na bukas ang last shooting day ng Silip.
Sa liblib na lugar ng Nueva Ecija ang shooting location ng pelikula pero nalaman pa rin ito ng mga tao.
Mula nang kumalat ang balita tungkol sa nagaganap na film shoot, dumarayo pati ang mga residente ng ibang bayan para makita nang personal sina Diana, Francine at Polo.
Iniisip ng producer na si Robbie Tan na palitan ang pamagat na Silip pero may mga nagsabi sa kanya na bagay at maganda ang title sa latest project ng film outfit niya.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 17, 2007 11:59:22 GMT -5
PAINIT nang painit ang laban nina Diana Zubiri at Angel Locsin sa Asian Treasures. Aba, hindi lang daw sa pag-arte at bakbakan naglalaban ang dalawa bilang sina Gabriela at Ingrid, kundi pati na sa pagandahan ng katawan. Last week ay nagmistulang tunay na beauty pageant ang naging laban nina Angel at Diana. Sa kuwento ng Asian Treasures, parehong sumali sina Diana (Ingrid) at Angel (Gabriela) sa Queen of Southeast Asia. Sa isang eksena nga raw ay parehong rumampa na naka-swimsuit sina Angel at Gabriela. Ang maganda raw sa dalawa, wala silang kiyeme na nag-display ng kanilang mga katawan. Ang suwerte-suwerte nga raw ng mga lalake sa paligid nu`ng mga oras na `yon, dahil hindi sila magkandaugaga kung sino kina Angel at Diana ang titingnan nila. Eh, bukod sa dalawa, may ibang babae pa roon na nagka-swimsuit din. So, piyesta talaga ang lahat ng barako. Sa pageant night na mapapanood sa day 3 ng week 14, ipakikita na malungkot si Gabriela (Angel) dahil hindi sumipot si Elias (Robin Padilla). Abala kasi si Elias (Robin) sa paniniktik kay Socrates sa isang bar. Nagpanggap na Jamaican si Elias. Tipong, mahaba ang buhok, kaya mahirap makilala. Siyanga pala, puring-puri nina Diana at Angel ang beauty pageant scene nila, dahil parang totoong-totoo nga raw. Mula sa stage na pinaghandaan talaga, pati na sa costume na ginamit ng mga kandidata. Siyempre, may talent portion din sila. Sumayaw si Angel (Gabriela) ng singkil. At si Diana (Ingrid), abangan niyo kung ano ang ginawa niya. Anyway, may kinalaman ang beauty pageant na ginawa nila sa Asian Treasures sa patuloy na pag-aagawan nila ng amulets. Well, sa bandang huli ng beauty pageant, si Ingrid (Diana) ang nagwagi ng best in long gown, samantalang best in talent naman si Gabriela (Angel). Pero, sino kaya sa kanila ang tatanghaling Queen Asia? ‘Yun ang dapat niyong abangan!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 19, 2007 0:32:32 GMT -5
Sa set ng Silip sa Bongabong, Nueva Ecija nag-celebrate ng kanyang birthday si Diana Zubiri last Sunday. Wor-king day ito para sa kay Diana.
Naiinip na kasi si Direk Joel Lamangan. Gusto na niyang tapusin ang principal photography ng pelikulang ito ng Seiko. Kasama rin dito sina Polo Ravales at Francine Prieto.
The next day (Lunes, Abril 16), nag-last shoo-ting day na sila. Malamang na ipalabas ang Silip nang late May or early June.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 22, 2007 3:18:14 GMT -5
NAKAPAG-LAST shooting day last week ang Silip, ang first sexy film kung saan leading man si Polo Ravales nina Francine Prieto and Diana Zubiri, under Seiko Films .
Kahit nga nu’ng birthday mismo ni Diana (April 15), second to the last shooting day ng Silip sa Bongabon, Nueva Ecija, ay regular working day niya, bagama’t nagkaroon naman ng salu-salo, kantahan, with matching birthday cake.
Kahit sexy film ang said movie ay maipagmamalaki umano ito ni Polo dahil hindi siya basta naghubad dito dahil napaarte naman daw siya ng direktor nilang si Joel Lamangan, ganundin sina Francine and Diana.
Masarap abangan kung hindi maka-cut ang butt exposure ng alaga ni Manny Valera, na in fairness, eh, nami-maintain nito ang kanyang kaseksihan. Proof ay ang pagrampa ni Polo nang topless sa fashion show ng Folded and Hung recently na siya ang male endorser.
Late May ang playdate ng Silip, kaya silipin natin kung may ibubuga na nga sa aktingan ang tatlong bida, -- Polo, Francine at Diana --under Direk Joel.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 22, 2007 3:19:08 GMT -5
Ayaw ring paawat ni Diana Zubiri sa kakakayod. Tulad ni Ai Ai, isa rin siyang babaeng walang pahinga. Aba, kahit birthday ni Diana last Sunday (April 15), hindi pa rin siya tumigil sa trabaho. Dumayo pa ang seksing aktres sa Nueva Ecija para magsyuting. Well, naging happy naman si Diana sa birthday niya kahit kumakayod siya. Nakatanggap siya ng birthday cake mula sa staff ng Seiko Films, at ipinaghanda rin siya ng mga kasamahan niya. "Ang saya dahil nag-celebrate ako na kasama ko sina Francine Prieto, Polo Ravales, at Direk Joel Lamangan. Syuting kasi `yun ng Silip, at masaya ako na may trabaho ako kahit birthday ko." Tapos na nga pala ang Silip, at ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na ni Diana na pare-pareho silang napaarte ni Direk Joel. At giit pa ni Diana, bagay na bagay ang title na Silip sa mga eksena sa syuting nila, dahil hindi lang isang beses na nasilipan sila ng mga lalake sa syuting nila. Hindi nga raw maintindihan ni Diana kung saan nanggagaling ang mga tao sa syuting nila sa Nueva Ecija, dahil super sikreto at tagung-tago na nga ang trabaho nila. Pero `yun na nga, bigla na lang nilang napapansin na may mga matang nakamasid na lang bigla sa kanilang mga hubad na katawan. "Hanggang likod lang naman ang nakita nila. Marunong akong magtago. Magsawa sila sa kasisilip!" nakangiting sambit pa ni Diana.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 22, 2007 3:19:58 GMT -5
Pitong ‘Voluptuous Babes’ ang magkakalaban sa All Star ‘K’ bukas nang gabi sa GMA 7.
Magpapasiklaban sa videoke challenge sina Jenny Fernandez, Renee Lascuña, Chariz Solomon, Jenny Miller, Jen Rosendahl, Jana Roxas at Alicia Mayer.
Ang hired K!Ller ay si Diana Zubiri.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Apr 23, 2007 3:30:25 GMT -5
Diana at Francine, pinagpiyestahan ni Polo! IKINUWENTO ni Polo Ravales na matitindi ang kanyang nude scenes sa Seiko Films Silip. Nandiyan ang mga love scene nila nina Francine Prieto at Diana Zubiri, at pati na ang paliligo niya ng hubad sa batalan at ang hubo’t-hubad na pagtakbo nila ni Francine sa talahiban. Inamin ni Polo na gumamit siya ng plaster sa eksena na naghahabulan sila ni Francine dahil naging pasaway ang mga tao na nanood ng shooting. Umakyat sa mga puno at nakadapa na nagtago sa talahiban ang mga tao na pilit na pinaalis ng production staff. Bilib na bilib si Polo kay Francine dahil hindi ito gumamit ng plaster para takpan ang private parts. Ginamit ni Polo ang katawan para matakpan ang hubad na katawan ni Francine. Hindi lang sigurado si Polo kung nakunan ng mga cellphone camera ng mga nag-usyoso sa shooting ang eksena nila ni Francine. Hindi nagdalawang-isip si Polo na gawin ang maseselang eksena dahil malaki ang tiwala niya sa direktor na si Joel Lamangan. Hindi raw siya magdadalawang-isip na maghubad uli sa kanyang susunod na sexy movie kung katulad ni Joel ang direktor at kasing-ganda ng Silip ang project.
|
|