|
Post by lady_deathstrike21 on May 29, 2007 7:22:11 GMT -5
POLO, NAPASUBO KAY DIANA Buung-buo ang loob ni Polo Ravales ngayong sumabak na siya sa paghuhubad sa pelikula kaya wala siyang keber sa maseselang eksena nila sa Silip nina Diana Zubiri at Francine Prieto. Ayon kay Polo, naniniwala siyang handa na siyang ilunsad bilang isang sexy dramatic actor. Bukod sa maganda ang project at magaling ang kanyang co-stars at direktor sa Silip, naging malakas aniya ang impact ng kanyang sexy billboards para sa Folded & Hung at positibo rin ang resulta ng stage musical na thingy Talks kung saan una siyang nagpaseksi. Napansin ang akting niya sa digifilm na Roomboy (2005) pero hindi siya naghubad doon. Dito sa Silip siya tumodo sa pagpapaseksi dahil hubad kung hubad siya rito at plaster lang ang nakatakip sa kanyang ‘nota.’ Kuwento ni Polo, mga tatlong beses siyang nagpakita ng puwet sa pelikula. Dati ay medyo naiilang pa siyang maghubad pero ngayon ay parang nasanay na raw siya. Okey sa kanya ang magpakita ng kanyang harapan sa pelikula kung si Direk Joel Lamangan din ang magdidirek katulad nitong Silip. "Sabi ko nga kay direk, bakit walang frontal? Gusto ko, may frontal!" nakangiting sey ni Polo, na seryoso raw sa pagpu-frontal kaya lang ay hindi siya sure kung palulusutin ‘yon ng MTRCB.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 29, 2007 7:30:04 GMT -5
SURE na this week ang alis ng Asian Treasures.
Masyadong naantala ang China trip ng mga bida ng top rating Tele Babad ng GMA-7 after 24 Oras.
Dapat last week pa umalis sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin and Diana Zubiri patungong Beijing to tape the second and last out of the country sequences of their soap. Dahil na extend nga ng two weeks ang Asian Treasures, na move din ang pagpunta nila sa China. This is good for the three stars dahil sina Angel at Marvin, nakapag-promote pa ng kanilang Angels trilogy from Eagle Eyes Production and so is Diana naman for Silip ng Seiko Films where she co-stars with Francine Prieto and Polo Ravales sa direksyon ni Joel Lamangan. Malapit na kasi itong ipalabas, sa June 6 na and Diana could still be out of the country by then.
Mabuti na lang nandito pa sina Polo and Francine.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 29, 2007 7:32:31 GMT -5
Diana, ayaw pumatol sa ‘ex’ ni Ara Mina TINANONG namin si Diana Zubiri sa preskon ng Silip kung na-turn-on ba siya kay Polo Ravales since plaster lang ang nakatakip sa pututoy nito at siya nama’y hubo’t hubad sa tatlong love scenes nila. “Medyo, slight, hahaha! In a way, opo, pero hindi ko pinapansin, hahaha!” Totoo raw na may naramdaman siya dahil ang dagdag na sabi niya ... “Tao lang naman ako.” May posibilidad bang maging sila ni Polo since break na ang aktor kay Ara Mina at siya ay loveless naman sa ngayon? “Baka po hindi, eh, kasi kaibigan ko si Ara. Ayoko ng ganu’n. Mahirap ’yung ganu’ng sitwasyon. ’Di ko po binubuksan ang isip ko sa ganu’ng posibilidad,” magalang niyang esplika. Oo nga naman. Saka natikman na rin naman niya ang natikman ni Ara kay Polo sa tatlong torrid love scenes nila sa Silip ng Seiko Films, ’noh! Laplapan daw talaga sila ni Polo to-the-max!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 29, 2007 7:39:37 GMT -5
SEIKO’S FORTE IN ANOTHER LEVEL
SEIKO’S Silip is both bold and commercial, exclaims director Joel Lamangan.
“We are testing the parameters of a Rl3 classification. This is the rating given to the foreign film “300” where there is a breast exposure and graphic lovemaking. Silip has more to offfer than breast exposures. It is a sex drama thriller.
We are bringing back the genre Seiko is known for, but this time, to another level. It is definitely intended for mature audiences. It is not an art film nor does it pretend to be one. Lahat ng gusto ninyong masilip sa pelikula ay makikita ninyo,” declares Joel.
Lamangan is very pleased with the professionalism of Francine Prieto and Diana Zubiri.
“None of them questioned me. They have to run without their clothes on in one of the key scenes of the movie.
But just the same, I have to tell them why it has to be done para lalong maging epektibo ang kanilang performance.
This is the first time that I have worked with these two and I certainly look forward doing a movie with them in the near future.”
Who between the two delivered the goods well?
“Naku, ha. Wag na ninyo silang intrigahin. Isang bagay lamang ang aking masasabi. Kahit sinong award giving body ay di pwedeng ipagwalang-bahala ang ipinamalas na acting ng mga lead stars including Polo Ravales. Baka nga may mag-grand slam pa sa kanila,” he predicts.
Silip is set in a remote village where Diana and Polo live in bliss. Then comes Francine who disturbs the otherwise happy life of the couple, ending in blood and death.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 30, 2007 0:46:39 GMT -5
Polo Ravales admits having a crush on Diana Zubiri Sa press conference para sa pinakabagong proyekto ng Seiko Films na Silip, inamin ng sexy actor Polo Ravales na kung hindi pa raw sila magkakilala ni Ara Mina, malamang na si Diana Zubiri, isa sa leading ladies niya ngayon sa nasabing pelikula, ang siyang niligawan niya raw. Kumalat kasi ang balitang sa pagsasama nila sa telefantasya na Encantadia, naging lalong malapit ang loob nila sa isa't isa. "Inamin ko naman kay Diana na noong hindi ko pa siya personally nakikilala, noon pa, kahit wala pa si Ara sa buhay ko, talagang crush ko na siya. Pero siguro nga, we were not meant to be. Dahil sa trabaho lang talaga kami nagkakasama. At gaya nga ng sabi ni Diana, siya pa ang naging tulay para maging kami ni Ara," kuwento ni Polo. Pinag-usapan na rin sa iba't ibang babasahin ang pagsalang ni Polo sa masasabing boldest role niya to date because he took off his pants for this movie. Meaning, he showed his ass in some of the scenes. Was it a desperate move para ma-boost ang kanyang career? "No, hindi naman desperate move," paglilinaw niya. "Noong una, hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang gawin ‘yon. Pero dahil nga si Joel Lamangan ang magiging direktor namin, alam ko na I was in safe hands. At hindi lang ‘yong paghuhubad ko o namin [nina Diana at Francine Prieto] ang titingnan o panonoorin sa pelikula kundi sa ikot din ng istorya." All the more na puwedeng masabing merong puwedeng ma-develop sa kanila ni Diana with the scenes na sinalangan nila. Not just kisses, pero ang paglalapat ng mga katawan dahil na rin sa mag-asawa ang ginagampanan nilang papel. "Pag nasa harap ka naman ng camera, oo, meron ka ring mararamdaman kung ganoon ang eksenang gagawin mo. Pero hindi dapat. Dahil trabaho ang ginagawa ninyo at hindi dapat na lumampas sa limitasyon ang kailangang mangyari sa paggawa niyo ng ganoong kaseselang mga eksena. "Nagkaroon din naman ako ng takot noong gawin ko na ‘yong pag-aalis ko ng saplot. Pero nag-workshop muna naman kami bago kami sumalang sa shooting. Para lang mawala ‘yong hiya namin sa isa't isa. Mawala ang kahit na ano pang inhibitions. First time ko kasi gagawa ng sexy kaya ako pa ‘yong mas ninerbiyos sa mga leading ladies ko. "At saka, nagawa naman namin nang tama ang kinailangan sa amin ni Direk na ibigay namin sa mga eksena niya dahil na-motivate rin kami nang husto sa mga karakter na ginanpanan namin. Kaya hindi naman naging mahirap para mawala na ‘yong pagka-ilang namin ng mga kaeksena ko," mahaba niyang paliwanag. Aminado siyang crush niya si Diana noon pa. So, masasabi ba ni Polo kung sino kina Diana at Francine ang mas feel niyang nakasalo sa mga eksenang ginawa nila? "Mas wild ang mga eksena namin together ni Francine, although meron din with Diana. Mahirap i-compare o sabihin kung alin ang mas feel ko. O kung saan ako mas nag-enjoy. Kasi, pareho namang enjoy!" pilyo niyang tawa. Going back to Ara, kumusta na sila? Nanumbalik na ba sa pagiging magkaibigan ang trato nila sa isa't isa? "Noong kampanya ng Dad [Chuck Mathay] niya, there was a time naman na pumunta ako sa isa sa mga sorties nila. ‘Yon nga lang, hindi kami nag-abot. Pag-alis ko, at saka dumating si Ara. Magkaibigan pa rin naman kami. Every once in a while, nagkakapalitan pa rin ng text. "Kung magkakabalikan? That I do not know. Sila na ba uli ni Jom [Jomari Yllana]?" tanong niya. Hindi yata alam ni Polo na may Pops Fernandez na ngayon si Jomari.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 31, 2007 3:32:55 GMT -5
Silip, touted as the film that will bring back the sex-drama genre in Philippine cinema, opens June 6 nationwide.
Silip peeps into the lives of three persons caught in a web of passion, showing that jealousy, not love, is blind.
Silip is topbilled by Diana Zubiri, Polo Ravales, and Francine Prieto at their most daring and baring, backed up by a solid plot and high production and technical values. It’s been a long time since bold flicks made waves and it might just take Seiko Films, via Silip, to do it.
Silip is directed by Joel Lamangan based on the script by Raquel Villavicencio, with cinematographer Romy Vitug doing the camera work.
Joel praises his stars, Diana, Polo and Francine, for being such professional and hardworkers, "a joy to work with." He won’t be surprised if they merit rave reviews, "or even awards next year."
Joel dismisses though speculations that Silip is an art film in the tradition of Chinese and Japanese films which won awards in international filmfests.
"It’s sex-drama with elements of a suspense thriller," says Joel, but concedes there’s some truth to the billing that Silip raises the genre to another level.
The director reminds that he’s done bold flicks in the past -- Warat, Huling Birhen sa Lupa, Hubog -- which made money and earned good reviews and awards.
Diana and Francine are sex goddesses of contrasting looks; Diana’s petite and olive-skinned, innocent looking. Francine is fair and with Junoesque proportions, seductive. Polo sheds his matinee-idol image in Silip as he engages in passionate love scenes with his two leading ladies in the raw.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on May 31, 2007 3:44:22 GMT -5
Diana at Francine nagtanggal ng panty, si Polo nahiya nagpalagay ng plaster Muling nagbabalik ang Seiko Films sa paggawa ng mga pelikulang seksi sa pamamagitan ng Silip, isang sex-drama-thriller na nagtatampok sa mga Seiko Jewels na sina Diana Zubiri at Francine Prieto, katambal ang isa sa ipinagmamalaking hunk ng local cinema, si Polo Ravales dahilan siguro na first time niyang gumanap sa maiinit na lovescenes at first time din na magpakita ng pwet ay hindi naman nagmaramot na magtanggal ng kanyang briefs pero, nagpalagay ng plaster para matakpan ang kanyang pinaka-private part. “Okay lang yung mga eksena namin, ang pinaka-mahirap lang ay yung kinunan sa Bongabong, Nueva Ecija na kung saan ay tumakbo kami ng hubo’t hubad ni Francine. Alas dose yun ng tanghali pero, kahit ipinagbawal ang mga tao, lahat ng paraan ay ginawa nila para sila makapagtago at masilip nila kami. Nagulat na lang kami nang makita namin na maraming mga lalaki ang nakadapa sa damuhan. Kahit nagmumura na si direk, talagang di sila napaalis,” kwento ni Diana. Palabas na ang Silip ngayong June 6.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 1, 2007 0:14:15 GMT -5
Ibinabalik ng Seiko Films ang sex-drama genre sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Silip. Pasiklaban dito sa pagpapaseksi sina Diana Zubiri at Francine Prieto. Hindi nagpahuli sa paghuhubad ang leading man nilang si Polo Ravales. Hindi basta-basta ang Silip, na idinirehe ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Raquel Villavicencio. Ang cinematographer nito ay si Romy Vitug.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2007 12:37:44 GMT -5
May dalawang unit ang Asian Treasures para mas maraming eksena ang makunan. Nasa Unit 1 sina Angel Locsin, Robin Padilla at Eddie Garcia. Unit 2 naman sina Diana Zubiri, Marvin Agustin at Sandy Andolong. Si Eric Quizon ang direktor ng Unit 1 at si Don Michael Perez ang in-charge sa mga eksena ng mga artista sa Unit 2. Hindi nakakapagod ang taping dahil sa cool climate at mabilis na pagtatrabaho nina Eric at Don. May isang eksena na hinahabol nina Diana at Marvin si Sandy. Mataas ang hagdan na aakyatin nina Diana at Marvin. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ni Marvin, nadapa ito sa hagdan at nahubad ang kanyang suot na black boots. Nasaktan man, pinagtawanan ni Marvin ang sarili at nagbiro na "emote na emote" pa naman siya.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2007 12:39:17 GMT -5
Kasali sa taping ng Asian Treasures ang anim na young Shaolin Kung Fu students (4 to 6 years old). Tuwang-tuwa kami sa mga bata habang ipinapakita nila sa amin ang kanilang Kung Fu movements. Pasikat ang mga bata dahil alam nila na nakatuon sa kanila ang atensyon ng grupo ng Asian Treasures. May moment din na ayaw nilang pumayag na magpa-picture. Nang mag-request kami ng magpakuha ng litrato na kasama sila, nagpakitang-gilas ang mga bata. May mga nagpakita ng flying kick, may umasta na manununtok at may sumisigaw ng "Yaa, yaaa!" Ang anim na bata ang makakalaban nina Robin at Angel sa paghahanap nila ng mga nawawalang agimat. Bandang alas-singko ng hapon nang kunan ang eksena na pinapaligiran nila sina Angel at Marvin. Bago ang take, nagkaroon muna ng rehearsal para hindi magkamali ang mga bata. Tatlong rehearsal pa lang, nagsimula nang umayaw ang mga bata na hindi sanay sa shooting at taping. Ayaw ng Kung Fu kids na inuulit nila ang mga ipinagagawa sa kanila. Kapag umiyak ang isa sa kanila, lahat sila ay umiiyak. Kapag umupo ang isa, umuupo silang lahat. Isang bata ang panay ang turo na masakit ang kanyang tiyan. Ang akala ng staff, nagugutom na siya pero nang kausapin ng Chinese interpreter, nagreklamo ang bata na masakit ang tiyan nito dahil masikip ang belt na inilagay sa kanya. Guilty ang Asian Treasures production unit manager na si Redgie Magno dahil siya ang nagsuot ng sinturon sa bata. Hindi naman daw niya inakala na napasikip ang kanyang pagkalagay sa sinturon. Hindi natapos ang taping ng fight scene nina Robin at Angel noong Sabado dahil umayaw ang mga bata. Ayaw raw talaga nila na paulit-ulit ang mga eksena na ipinagagawa sa kanila. Kahapon sana ang taping ng Asian Treasures sa Forbidden City pero nabago ang plano dahil kailangang matapos ang eksena ng mga pasaway na bata. Bumalik kahapon sa Stellar ang grupo ng Asian Treasures para sa pagpapatuloy ng taping ng fight scenes nina Angel at Robin sa Shaolin kids.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2007 12:54:56 GMT -5
Acting ni Diana, pasable Napanood namin ang Silip ng Seiko Films. May psychological touch ang movie kung saan ang paranoia o ang pagiging sobrang paranoid ay nagreresulta sa pagiging psychotic na siyang ginampanang karakter ni Diana Zubiri. Kailangang mapanood ito mula sa simula para maintindihang mabuti ang pelikula. Isang revelation sa pelikula si Polo Ravales. Magaling itong umarte gayundin si Francine Prieto. Tatlo lang ang karakter pero nabigyang buhay nila ang Silip. Tama si Direk Joel Lamangan sa pagsasabing isa sa kanila ay posibleng manalo ng acting award lalo na si Diana. Maganda at artistiko ang kinalabasan ng kanilang mga lovescenes at napakaganda ng tanawin sa Bongabon, Nueva Ecija at kudos sa cinematographer. Palabas na ang Silip sa June 6.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2007 13:01:21 GMT -5
SA June 6 na ang opening day ng Seiko Films movie na Silip, starring Diana Zubiri, Francine Prieto and Polo Ravales. Heard na mag-a-ala Britney Spears and Paris Hilton itong sina Diana at Francine sa opening day. As in, no panty, no bra at magpapasilip sa manonood ng kanilang pelikula habang nasa lobby ng SM City North EDSA. Yezzz, may ganu’ng factor daw. Wish lang namin ay huwag magkaroon ng kuliti ang mga maninilip sa keps nina Diana at Francine, hahaha! Pero, may free eyedrop naman daw na ipamimigay ang Seiko in case biglang magkaroon ng kuliti ang mga pumipilang mae-elya, tsuk!
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 3, 2007 13:04:07 GMT -5
BAFFLING GOOD FILM
MEANWHILE, a lot of the writers present congratulated Polo later for his fine performance in “Silip.” It’s a kind of movie that is difficult to review since revealing details of the plot will surely spoil it all for the viewers. “Silip” is definitely very different from the past sex-dramas Seiko Films used to do. We’re really surprised that producer Robbie Tan agreed to bankroll this kind of project whose premise is not very commercial, the kind that will baffle ordinary viewers who are used to a more direct and straightforward kind of storytelling. The film revolves on Tess (Diana), a waitress who marries an itinerant vendor, Rico (Polo), and is left to live by her lonesome self in an isolated farm while her husband travels from town to town selling his wares. Strange things start happening to her, aggravated by the arrival of a mysterious girl, Celia (Francine), who she befriends but later discovers to be her husband’s paramour. She stabs Celia to death and they throw her body into a dry well, but she later turns up to haunt her. At this point, viewers who just want to be entertained will start to be puzzled as to what’s really happening in the story and where it’s heading, just like in Cesar Montano’s “Ligalig”. But Director Joel Lamangan and writer Racquel Villavicencio trust the intelligence of their viewers enough and they give tell tale signs early on that foreshadow the big twist in the climax of the film, like the incident involving the deaf mute caretaker who Diana stabs on the neck but later shows no wound at all. The ending has not just one but two epilogues where Lamangan and Villavicencio, for the benefit of non-thinking viewers who might be confused, spell out in detail what really happened to the characters. This will make sure that dummies will not complain that they don’t fully understand what’s happening in the story. The final epilogue even shows that the affliction of the major character has been inherited by an offspring. We honestly don’t know how this psychological drama will sit with local moviegoers, but we have to commend Lamangan for coming up with a very well crafted film. Romy Vitug’s cinematography, for one, is truly a standout, established right in the very rustic opening scene showing cattle drawn carts trudging along a lonely road while some beautiful hills loom in the background. Aside from Polo, Francine also gives excellent support as the stranger who is not required to act much but to just lend her mysterious presence in all her scenes. But “Silip” really belongs to Diana. Her role is an acting vehicle and she gives a solid portrayal as she lets us take a peek or “silip” into the mind of one very disturbed woman.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 4, 2007 12:07:50 GMT -5
Wala si Diana Zubiri sa press preview ng Silip at ’di narinig ang comment ng press na bukod sa acting, palakihan ng boobs ang labanan nila ni Francine Prieto. Hindi rin nito nasagot ang sabi ni Polo Ravales na sa kanila ni Francine, mas posible siya ang ligawan nito dahil mas bagay ang height nila. Kung totoong loveless si Diana ngayon, bakit nga hindi? Sabi naman ni Diana, kaya nagawa niyang makatotohanan ang love scenes nila ni Polo ay dahil that time, break na ito at si Ara Mina. Kung nagkataong on pa ang dalawa, mahihiya siya sa kaibigan, pero nang ikuwento niya ang mga eksena nila ni Polo, dedma si Ara. Samantala, kahit si Sunshine Dizon ay nagulat sa sagot ni Polo sa Sis na sa mga naging ex-GF niya, siya (Sunshine) ang gusto nitong balikan. Ang katuwiran ng actor, baka mas may chance na mag-work ang relasyon nila ngayong mature na sila. Paulit-ulit na “Sinabi n’ya ’yon?” ang sagot ni Sunshine at mas mabuti raw kung friends na lang sila.
|
|
|
Post by lady_deathstrike21 on Jun 5, 2007 23:38:59 GMT -5
Asian Treasures, nagpakasasa sa Great Wall of China! BEIJING: Kinunan noong Lunes sa Great Wall of China ang madrama at maaksyon na mga eksena ng Asian Treasures. Mula sa hotel na tinutuluyan namin, dalawang oras ang layo ng Great Wall, isa sa mga makasaysayang lugar sa China na dinarayo ng mga turista. Nag-taping ang Asian Treasures sa pinakadulong bahagi ng Great Wall na hindi napupuntahan ng mga turista kaya solong-solo nila ang lugar. "Amazing" para sa amin ang Great Wall dahil pulido ang pagkakagawa nito. Mula ala-una nang hapon hanggang ala-siyete nang gabi ang taping ng Asian Treasures sa Great Wall pero hindi nagsawa ang mga artista at production crew sa paulit-ulit na pagpapakuha ng litrato. Panhik-panaog sa matarik na hagdan ng Great Wall ang mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie. Nakarating naman sa dulo ng Great Wall si Rafael, ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon na gagawa ng documentary film tungkol sa first trip niya sa China at sa iba pa nitong historical places.
|
|